“Nako! Mga apo ko! ay dahan dahan lang sa pagkain, at baka kayo naman ay mabulunan!” nag aalala na turan ng nanay ni Cristel.
Masayang masaya ang mga ito sa pagbabalik ni Cristrel. Ganoon din ang asawa nitong si Mang Ramon, sa tagal na panahon na nawalay si Cristel, ay halos para na rin silang, namatayan, pero sa pag babalik nito ay hindi na nag iisa, bagkos, may kasama pang dalawang makukulit na bata. Na lalong nag pasaya sa kalooban ng dalawang matanda.
“Lola Inang! ang sarap sarap po, nitong ulam nating sinigang!”
“Oo nga po Lola Inang. Sino po ang nag luto nitong sinigang? Alam mo po, paborito naman ito ni Lyca!”
Kominto naman ni Lyca at Lucas. Kahit puno pa ang bibig ay tudo ang salita. Hinigop ng mga ito ang sabaw na nakalagay sa tig isang lagayan. at niman-nam ang lasa nito. Aliw na aliw naman ang dalawang matanda, halos hindi pa nga nakakausap ng maayos ng mga ito si Cristel, kung paano nangyari na naglayas ito at nagkaanak. Dahil sa ngayon, ang buong atensyon ng dalawang matanda ay nasa mga apo.
Nasa Hapag kainan sila ng araw na iyon. Matamang lang pinag mamasadan ni Cristel, ang pag aasikaso ng Kanyang Tatang, at Inang, sa kanyang dalawang anak. May oras pa nga nagtatalo ang dalawang matanda at ang gusto ng kanyang inang, pakainin pa ng pakainin ang dalawang bata. Pinipigilan naman ng kanyang tatang dahil ang mga ito raw ay mataba na, para na nga daw puputok ang tiyan sa kabusugan.
Natawa nalang si Cristel sa pagtatalo ng kanyang mga magulang. Sinabayan pa nitong si Miko, na sulsol din sa kanyang ina. Wala naman tanggi ang kanyang mga anak. Dahil, talaga naman ang mga anak niya ay palakain din. Masaya ang araw na iyon, pakiramdam niya, gumaan ang kanyang kalooban, pakiramdam niya, bumalik sila sa dating kabataan niya. Maliban na lang kay Joan na kanyang na puna.
Mabagal ang kumain ito, at tungong tungo na parang hiyang hiya pang sumubo. Nagtataka siya, hindi naman ganito si Joan, masayahin itong tao.
“Joan. Ok ka lang ba?” tanong niya.
“O-opo ate!” mahinang sagot nito, na parang ilang na ilang.
Pagsagot sa kanya ni Joan, ay tumungo ulit ito, at marahang kumain. Ng umangat ito ng tingin, ay kimi itong ngumiti sa kanya. Bago sumulyap sa kanyang katabi, at saka bilang umiwas ng tingin. Sinundan niya ang tinitingnan nito. Bingo! Ang kuya Harold niya, na walang ka kurap kurap na nakatitig ito kay Joan. Kaya naman pala eh! Napansin din niya ang pagkain ng kuya Harold niya, na parang hindi ginagalaw. Wala ata balak kumain ang kuya Harold niya! Ano? Titigan lang si Joan maghapon! Hindi siya naka tiis, siniko niya ang kuya Harold niya, at nabaling ang tingin nito sa kanya,
“Kuya! Wala ka ata, balak kumain ah! Tunaw na tunaw na si Joan sa'yo!”
Pasimple niyang sabi sa kuya Haralod niya. Pero binulong na lang niya iyong huling sinabi niya. Sabay humagikhik siya ng mahina.
“H-hindi ah! Kinikilatis ko lang itong tagapag alaga mo sa pamangkin ko! Mahirap na!" nauutal pang sagot sa kanya ng kuya Harold niya.
Na kahit halata na niya e, tatanggi pa. Pero ang mga mata ay nakay Joan naman nakatingin. Mabait si Joan, at masayahing tao ito. At higit sa lahat maalaga sa mga anak niya. Maganda rin si Joan, lalong lalo na pag ngumingiti ito, lumalabas ang malalim na dimple nito sa kaliwang pisngi, na talaga naman nakaka agaw pansin.
Hindi na nagtataka pa si Cristel, kung ma inlove kay Joan, ang kuya Harold niya. Nasa tamang edad na ang mga ito. Matanda lang naman si Cristel ng dalawang taon kay Joan. Si Cristel ay bente singko na, at si Joan naman ay bente tres.
“Hmm. Sus kuya! Kilala ko na ‘yang si Joan, at matagal na kami magkakasama--!” natigil ang mga sasabihin ni Cristel ng sumingit si Lyca.
“Ate Joan. Sabi ng lola inang, bukas daw po, pupunta tayo sa bayan. Malapit na daw po ang fiestahan. Marami daw po, doon mga sakayan na mga rides!” masayang sabi ni Lyca kay Joan.
“ Hey! Hey! Anong a-alis kayo bukas? Delikado doon. Hindi kayo pwede pumunta doon mga kidos!”
Mabilis naman wika ni Harold. Sa tinuran ng pamangkin. Ginulo pa nito ang buhok ni Lyca, sumimangot naman ang huli.
“Ay. Bakit naman, hindi kami pwede pumunta doon Harold? Kasama naman ang iyong tatang, ako! Si Miko, at itong napaka gandang si Joan!”
Protesta naman agad ng nanay ni Cristel. Lihim napangiti si Cristel. Alam na niya ang pinupunto ng kanyang kuya Harold. Ayaw nitong napapalayo si Joan, sa kanyang paningin. Lalo naman na tahimik si Joan at bahagya pa na pina mulahan ng pisngi. Ramdam kasi niya, ang malagkit na mga tingin ni Harold sa kanya. Medyo bumilis ang kabog ng kanyang puso sa dahilan na hindi niya alam. Lalo na pag nag tatama ang kanilang mga mata.
Unang kita palang ni Joan sa binata ay kakaiba na ang nararamdaman niya para dito, ng kinuha nito mula sa kamay niya, ang hawak hawak niya na malaking maleta, na ipapasok sana niya sa loob ng bahay. Inagaw ito ni Harold, sa kanyang mga kamay, at bahagya pa siyang na papitlag ng masanggi nito ang kanyang kamay, at diretso lang at walang ka kurap kurap na nakatingin sa kanyang mga mata.
Lihim niyang pinagmamasdan si Harold, ng nakatalikod na ito sa kanya. At pahagya pa siyang napahawak sa kanyang dibdib na walang tigil ang pag kabog. para siyang aatakihin sa puso ng mga oras na 'yon.
“Inang. Isama nalang po ninyo si Kuya Harold, para walang gulo. Mukha naman may gustong bantayan ‘yan eh!”
Ngiting ngiti na tudyo ni Cristel, kay Harold. Pina mulahan naman ng pisngi si Joan, sa narinig kahit hindi naman nag banggit ng pangalan si Cristel, ay pakiramdam niya, ay siya ang tinutukoy nito. Sinamaan naman ng tingin, ni Harold si Cristel, na lalong kina hagikhik nito.
Masaya si Cristel, kung pagtutuunan ng kuya Harold niya ang sarili nito. Kung bibigyan nito ng pagkakataon ang sarili, na magmahal. Alam niya mula pagkabata, ay puro trabaho na ito. Kaya nga super idolo, niya ang kuya harold niya. Napaka sipag nito, buong buhay nito, ay pagtulong sa kanilang pamilya lang ang ginawa.
Nag aaral ito noon, pero sariling sikap nito, ang ginastos sa kanyang sarili. Dahil sa hirap ng kanilang buhay, maaga itong nagbabanat ng buto. ‘yon nga lang ng mga panahong wala siya, hindi niya alam kung ito ba eh, nagkaroon na ng girlfriend. Sa tingin niya, ang mga tinatamasa nila na kaginhawahan ngayon, ay dahil sa sariling pagsisikap ng kuya Harold niya.
“Oo nga po tito Harold. Sama kana samin!”
“Para po, may nagbabantay na po, kay ate Joan ko! Kasi po, pag hinahatid kami ni ate Joan sa school, marami po, sumasabay samin maglakad na mga boys. Bago lagi nila tinatanong, ang pangalan ni Joan. Kaya sila inaaway namin ni Lucas!”
nakasimangot na sumbong ng magkapatid na Lucas at Lyca. Tiim bagang at lihim na nainis si Harold sa narinig. Sinulyapan nito ang tahimik na si Joan. Pipigilan sana ni Joan, ang mga bata sa pagsasalita. Pero, alam niyang hindi papaawat ang mga ito.
“Bakit hindi ninyo sinasabi ‘yan sakin?” Sita naman ni Cristel sa mga anak.
“Kasi po, Nanay, busy po ikaw sa work. Kaya kay lola Huling, po namin ni Lucas laging isusumbong ‘yong mga boys!” katwiran naman ni Lyca sa ina.
“Okey. Sasama na ako! Bukas maaga tayo na aalis, okey!” mabilis na sagot ni Harold.
Pero nakatutuk naman kay Joan, ang mga mata nito. Masayang napasigaw sa tuwa ang dalawang bata. Pagkatapos nilang kumain, agad naman ni linisan ni Cristel ng katawan ang mga anak. Para maghanda na sa pag tulog ng maaga. Habang naiwan naman niya si Joan sa kusina, para mag ligpit, ng mga pinag kainan nila, lihim namang pinagmamasdan ni Harold, sa di kalayuan ang lahat ng mga galaw nito.
Unang kita palang niya kay Joan, ng dumating ang mga ito. Sa unang pagtatagpo palang ng kanilang mga mata. Alam na niya sa sarili niyang, may iba siyang pakiramdam bukod sa mabilis na t***k ng kanyang puso.
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon siya ng kasintahan. Pero, ito ang unang beses na bumilis ang t***k ng kanyang puso sa isang Babae, sa unang pagkikita palamang nila. Halos ayaw niyang lubayan ng tingin ang napaka among mukha ni Joan, lalong lalo na pag ito ay ngumingiti. Napapangiti nalang siya ng lihim sa kanyang sarili.
Napatayo siya ng tuwid ng patayin ni Joan ang ilaw at pumasok na ito sa silid na tinutuluyan. Hindi niya na malayan, matagal na pala siyang nakatulala sa isang sulok. Napa buntong hininga siya, saka naglakad na rin papasok sa sariling silid.
Nahiga na at pumikit, naalala niya, maaga nga pala sila bukas, paghahandaan niya ang araw na iyon. ‘yon ang unang araw na makakasama niya si Joan. Humikab siya, at tumagilid ng higa, niyakap ang sariling unan, saka pumikit ang mga mata.