TANIELLA Kinabukasan ay tumawag si Rhann kay Ralphie para ipaalam na nailipat na raw niya si Tamie at Tristan. Hindi ako nag-aksaya ng oras kaya nagyaya kaagad ako sa asawa ko na puntahan ang mga kapatid ko. Pagdating sa bagong tirahan ng mga kapatid ko ay abala sa pag-install ng cctv ang mga tauhan na narito. Nagtataka naman ako dahil bumungad kaagad sa amin si Rhann na mukhang bagong gising dahil magulo ang buhok nito at pupungas-pungas pa ng mata. "Did you sleep here?" bungad na tanong ni Ralphie sa kapatid niyang nakapikit at nakasandal ang ulo sa headrest ng sofa. Parang puyat na puyat ito. "Yeah," Parang tinatamad pang sagot ni Rhann. "And why? May condo ka naman. Ang buong akala ko ay hinatid mo lang ang dalawa rito at umalis ka na. Hindi mo sinabi na dito ka pala matutulog

