TANIELLA Mabilis naman namin narating ang ospital. Kaagad akong pinainom ng doctor na tumingin sa akin ng gamot sa allergy. At tama nga, nagkaroon ako ng reaction ng kumain ako ng taba ng isda. Ibig palang sabihin nito, may allergy na rin ako sa taba ng bangus. Sayang, paborito ko pa naman iyon. When the doctor came out, Ralphie moved towards me with a blank face. Yumuko ako para iwasan ang malamig nitong mga tingin. Sigurado ako na hindi niya nagustuhan ang nangyari sa akin kanina. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Maging boses niya ay malamig. "O-okay na ako." I raised my face to look at him. "G-galit ka ba? Pasensya na, nag-crave kasi ako bigla sa taba ng bangus. Isa pa, wala talaga akong allergy sa isda na 'yon. Nakita mo naman kung gaano ako ka-excited kanina, hindi ba?" malamlam

