TANIELLA Tulala ako habang nakaupo dito sa balkonahe at nakatingin sa kawalan habang hawak ang kapirasong papel na binigay sa akin ni Jordan. Muli kong binasa ang nakasulat sa papel. 'Please, come back. ASAP!' Ito ang nakasulat sa papel. Come back? Bakit? Para sa akin ba talaga ito? Siguro dahil pangalan ko ang nakasulat dito. Pilit ko binabalikan sa isip ko kung kanino ang penmanship na ito. Para na naman akong nangangapa sa dilim dahil kahit ano ang gawin ko ay hindi ko matandaan kung sino ang nagmamay-ari nito. Agad kong kinuyumos ang papel na hawak ko ng bumukas ang pintuan ng silid. Narito na ang asawa ko. Tumayo ako at sinalubong siya ng yakap. "Hmm, nawala na ang pagod ko dahil sa yakap mo, asawa ko," he said and hugged me tightly but there was a trace of tiredness in his voi

