TANIELLA Sa isang linggo ay dalawang beses kami kung bumisita sa mga kapatid ko. At sa bawat pagbisita namin ay lagi kong naaabutan si Rhann sa bahay. Ang sabi nito ay nagkataon lang daw. Duda ako dahil parang hindi nagkataon. Iyon ba ang nagkataon na bawat bisita namin na kapag haharap siya sa amin ay parang lagi siyang bagong gising? Katulad ngayon, muli kaming bumisita. Bumungad na naman siya sa harap namin na magulo ang buhok at pupungas ng mata. "Why do you always visit in the morning?" tanong nito habang pupungas-pungas ng mata. Wala namang bahid ng iritable sa boses niya. Hindi lang siguro niya in-expect na maaga kami dumadalaw sa kapatid ko. "Bakit? Bawal ba? Hindi porke ikaw ang nag-ayos dito sa bahay ay ikaw na ang masusunod kung kailan kami dadalaw?" sarkastikong sagot ng

