TANIELLA Madaling araw ay nakaramdam ako ng pangangasim ng sikmura. Para hinahalukay ang tiyan ko at parang gustong bumaliktad ng sikmura ko. Nasusuka ako. Hanggang sa naramdaman ko ang pag-akyat ng tila mainit na likido sa lalamunan ko. Agad akong bumangon at natutop ang bibig ko. Dahil sa ginawa ko ay biglang umikot ang paningin ko. Pero dahil hindi ko na kayang pigilan, kahit nahihilo ay umalis ako sa higaan at patakbong tinungo ang banyo. Halos maluha-luha ako dahil kahit wala na akong mailabas ay naduduwal pa rin ako. Parang nilabas ko yata lahat ng kinain ko ng nagdaang araw. Nang siguradong wala na akong mailabas ay naghilamos ako ng mukha para kahit paano ay mahimasmasan ako. From the reflection of the mirror, I saw the worried look of my husband as he gently caressed my back.

