TANIELLA Hindi ako mapakali sa kwarto habang hinihintay ang pagdating ng asawa ko. Hindi ko alam kung paanong bungad ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ako naging handa kaya parang aligaga ako at hindi makapag-isip ng tama kung paano ko sisimulan sabihin na magkakaroon na kami ng anak. Nang pinakita ko kay Ermiela ang resulta, tumili at tumalon sa tuwa ang bruha. Parang nakalimutan na may baby na sa sinapupunan nito. Tumigil lang ito ng halos lahat ng tauhan na nasa labas ay pinuntahan kami. Akala siguro ng mga ito ay may nangyari ng hindi maganda sa amin dito sa kusina. Maging si Jovann ay nag-aalangan pang lapitan si Errmiela dahil baka masipa ito ng wala sa oras kapag naamoy ito. Since this morning, my brain has not worked properly. Ermiela and I spent the whole day thinking about ho

