Sabaw (Episode 1)
metro manila urban legend series)
(Part 1)
"Okay!"
Yan ang madalas na binibigkas ni kuya Nards tuwing humihingi kami ng dagdag na sabaw sa tinitinda nyang pares. Dinadayo at pinipilahan ang paresan ni Kuya Nards, yung iba ay nag papadeliver pa nga sa kanila mismong opisina para lang matikman ang sikat na sikat at ubod ng sarap na pares ni kuya.
Nasa mismong tapat ng farmers market sa cubao ang kariton ni kuya Nards na pinaglalagyan neto ng dalawang malalaking kaldero. Isa para sa pares nya at ang isa naman ay para sa sinangag nyang kanin na saktong sakto naman na kapares ng pares.
Yun ay nung nag sisimula palang sya noon. kalaonan ay may sarili ng stall at maayus na pwesto si Kuya Nards. halos lahat ng tiga cubao ay kilala ang pares ni kuya Nards, bukod sa mura at napakasarap, eh para bang may ibang kakaibang lasa ang pares na sa sobrang linamnam ay babalikan mo talaga. Lalong hindi madamot sa sabaw at laman si Kuya Nards, minsan pag humihingi ako ng sabaw kay kuya eh dinadagdagan na neto ng laman o taba kaya nakakatatlong kanin ako kapag kumakain ako sa paresan nya.
hanggang sa nagkaroon narin ito ng sarili nyang mga trabahador, una ay isa lang na kamag anak nya ang kinuha nyang makakatulong sa kanya. Madami ngang nagkakagusto dun sa pamankin nya na yun, maganda kasi at mabait kaya lalo pang dumarami ang mga bumili at tumatangkilik sa paresan nya. Karamihan kasi sa mga bumili ay gustong makilala sya.
Unang beses kong nakita ang pamankin nya eh parang nagkagusto nako agad sa kanya, kaya mas napapadalas ang kain ko sa paresan ni kuya. kahit walang pasok noon ay pumupunta ako. sa pag babakasakaling makilala ko na ang pamankin nya, pero matindi ang pag bantay ni kuya Nards doon. kahit yung mga matatagal nya ng customer na gustong makilala ang pamankin nya ay hindi nya ito pinapakausap, lagi pa netong sinasabi "Wag ang pamankin ko mga utoy, iba na lang"
Ako nagbabakasakali lang na baka mismo yung pamankin nya ang kumausap sakin. Eh, tyak di ko palalampasin yun.
Mahaba ang buhok neto, balinkinitan ang katawan, morena at makinis ang balat higit sa lahat masipag. Isa talaga syang birhen ika nga. Hindi rin ito masalita lalo sa mga bagong customer, kahit nga saakin na suki nang paresan nila.
"OKAY! sabaw ka pa ba utoy?"
Ang laging sabi ni Kuya Nards sa akin kapag nakikita na neto akong papalapit sa kanya habang dala dala ang mankok ng pares na binili ko.
"Opo" sagot naman lagi.
At dahil kilala at suki nako nila madalas pang may kasamang laman ang sabaw na nililibre na ni kuya Nards sakin. Hindi nako nag rereklamo libre eh.
Yun naman ang trabaho ng pamankin ni kuya nards, tiga salin ng sabaw at si kuya Nards naman ang nag seserve sa mga customer nila.
Ang ganda talaga ng muka ng pamankin nya, lagi lang itong naka ngiti habang nag sasalin ng sabaw. lalo naman akong nabibighani.
Isang beses, ginabi na ako sa trabaho ko at saktong nagugutom narin ako sa mga oras na yun. pag baba ko ng opisina ay nakita kong bukas pa ang paresan ni Kuya Nards. kaya naisip ko na dun na lamang kumain para matutulog na lang ako pag kauwi ko.
sakto naman na wala si kuya Nards noon dun at ako lang ang customer nila, at halatang mag sasara na sila kasi may mga lamesa ng nakaligpit. Pero may natitira pang lamesa doon na hindi pa nagagalaw, andun parin kasnakapatong ang mga pang timpla sa pares.
"Hi ate, pwede pa po bang kumain?" tanong ko sa pamankin ni Kuya Nards.
"Wala pong kanin eh, mami na lang po" malambing na sagot neto.
"Okay lang po, kahit sabaw na nga lang eh kakain parin ako napakasarap naman kasi ng pares ng Tiyuhin mo. Ano kayang secret ingredients nya dyan." puri ko naman sa pares ng tito nya, pero nakakagulat kasi biglang nanlaki mata neto at natigilan.
"Miss okay ka lang?" nag aalalag tanong ko.
"Ah, Opo wait po handa ko na po yung pares mami nyu" sabi neto sabay punta sa malaking kaldero na nakapwesto malapit sa kaha de yero.
Umupo nako at nilapag ang bag ko sa isang bakanteng upuan at nagsimula ng tanungin sya ng mga tanong na matagal ko ng gustong masagot.
"Umm, Ate ano nga pala pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Ako po?"
"Ay hindi yung kaldero, anong pangalan ng kaldero nyu?" pabirong sagot ko sa kanya. Na sinundan naman neto ng isang malakas na tawa.
"Mabilis ka lang pala pasayahin." dagdag ko.
"Amor po ang pangalan ko" sagot naman neto habang naka ngiti.
"Bagay pala sayu Amor means love, diba? ibig sabihin mahal, at mamahalin at karapatdapat mahalin" naks pati ako napa ngiwi sa pick up line ko, sagwa.
Napangiti lang ito at hinawi ang buhok patungo sa tenga nya. may balat pala sya kaliwang kamay nya. hindi ko dati napansin yun. Sa pagkakaalala ko wala syang balat o kahit anong marka sa katawan.
"Aba utoy! andito kapa pala hindi ka pa nakakauwi, over time kaba?" biglang bungad ni Kuya Nards na ikinagulat ko naman, hindi ko malaman kung saan naman sya nangaling. Madilim narin sa parteng yun ng Farmers lalo na kapag gabe, kahit ganung madilim at wala na masyadong tao doon ay wala akong choice kundi dumaan dun kasi dun naka parking ang motor ko.
"Nagulat naman ako sa inyu kuya Nards, opo overtime po ako" sagot ko naman diretcho namang nag lakad si kuya papunta kay Amor sa may likod ng counter. may binulong ito kay Amor at tumungo naman ito at pumasok sa kwarto sa likod ng stall nila.
"May pinuntahan lang ako dyan sa ospital. Ano utoy? sabaw pa? madami dami pato" alok neto sakin.
"Opo sige po sabaw pa po. may customers din pala kayo sa ospital" sagot ko habang pinagmamasdan si Amor na hinawii ang kurtina sa likod ng stall hanggang nawala na ito sa paningin ko.
"OKAY!"
Pagkatapos kong magbayad ay dumiretcho nako sa parking lot kung saan naka park ang motor ko nun. sabay umuwi nako.
Habang nag mamaneho naman ako noon papasok sa lugar namin ay may naririnig akong kaluskos sa gilid ng motor ko sa may bandangkanan. Imposible namang aso, sa bilis naman ng pag papatakbo ko ay malabong nakakahabol sakin ang isang aso lang. mahabang kalsada na napapaligiran ng malalaking puno at damohan ang papasok samin. madalim at panaka naka lang ng street lights sa kalsadang yun. kaya tanging sa ilaw lang ng motor ko ako umaasa. Malayo ang itinakbo ko ay rinig ko parin ang kaluskos, para nga itong tumatakbong may mahahabang kuko sa paa kasi ang pagkayud ng kuko nya ang nariring ko na sa sobrang bilis ng takbo ay nag aanimo'y kaluskos na. Parang isang dagang kumukutkot sa kahoy.
tiningnan ko ang side mirror pero wala naman akong nakakasabay. Inayus ko ang helmet ko nag iisip na baka nasa loob lg ng helmet ko yung tunog, baka kako may insektong pumasok sa helmet ko.
Rinig ko nun na papalapit at papalakas ng palakas ang tunog sa bandang kanan ng motor ko. Sa sobrang hindi nako mapakali san nangagaling yung tunog ay minarapat ko ng bagalan ang takbo ko.
At nung lumingon ako at tumingin sa bandang ibaba ng kanang bahagi ng motor ko ay bigla akong nagulat sa tumambad saking nilalang na sumasabay sakin sa kalsada. nanlamig ang buong katawan ko na para bang binuhusan ako ng yelo, nagsipag tayuan ang balahibo ko sa batok na para bang inaangat ang ulo ko.
Isang sobrang itim at sobrang laking aso ang sumasabay sakin, at diretcho itong nakatitig sa mga mata ko na nagkatitigan kami. Pulang pula at nanlilisik ang mga mata, na para bang galit na galit. Napansin ko din na ang takbo neto ay hindi takbo ng isang normal na aso. nakababa ang ulo neto na halos nakasayad na sa lupa pero ang bandang pwetan neto ay naka umbok na parang naka tuwad. at halos di na makita ang mga paa sa sobrang bilis ng takbo neto.
Sa sobra kaba ko at sa kagustuhan kong makalayo sa nilalang ay napihit ko ang silinyador ng motor ko. Ang bilis na ng takbo ko pero nakakahabol parin sakin ang aso. At bigla akong nilundag sabay sakmal sa kanang braso ko. na nagresulta naman ng pagka tilapon ko sa motor, nakasalampak nako sa kalsada pero ramdam ko parin ang mga pangil neto na naka baon sa braso ko. hindi ko masyadong nararamdaman ang sakit ng katawan gawa ng pagkagulat at adrenalin pa na tumatakbo sa katawan ko.
nung naidilat ko ang mga mata ko ay kitang kita ko ang kabuoan na laki ng nilalang na pumaibabaw sakin, higit p netong ibinaon ang mga pangil hanggang sa hindi ko na maramdaman ang kanang braso ko.
at dun nako tuluyan nawalan ng malay.
Pagka gising ko, ay may binati ako ng isang nakakasilaw na liwanag, akala ko nasa langit nako pero hindi, nasa kwarto ako ng isang ospital. nakita ko sa tabi ko na may nurse na nakatayo at kinuhaanan ako ng BP.
"Gising kana po pala sir, wait lang tatawagin ko si doc" bati sakin ng nurse.
'teka nasaan ako, Sa cubao medical hospital po"
"Nasa Cubao ako?"
"Opo sir. sandali lang po" nilapag neto ang aparato na hawak nya sa higaan ko at lumabas ng kwarto.
Sandali lang ay bumalik sya kasama ang doctor na gumamot yata sa akin.
"Mr. Santos, mabuti naman at gising kana. Naalala mo ba ang nangyari sa inyo?" tanong ng doctor sakin.
Wala pakong masyadong maalala sa mga oras na yun parang nahihilo at droge pako sa mga gamot na ibinigay nila sakin.
"Hindi po masyado doc, ano po bang ng yari sakin."
"You were in an accident, sa kabutihang palad napadaan ako doon sa lugar na pinangyarihan ng aksidente mo, siguro kung nahuli ako ng mga limang minuto ay hindi kana aabot ng ospital. sa dami ba namang dugo ang nawala sayo" kwento neto sakin.
"talaga doc?" bigla akong may naramdaman na sakin sa tagiliran ko na para ba akong sinaksak.
"Wag ka muna mag kikilos, masama ang mga tama mo. ano ba ang nangyari sayo? nabangga kaba? na hit and run? we need your statement para sa police report." tanong neto sakin.
"Aso po ang naalala ko doc"
"Ah, nabangga mo ang aso pero bakit?" napatigil eto ng bigla sa kalagitnaan ng pagsasalita nya.
"Opo, malaking aso po pero parang hindi po sya yung normal na aso" sagot ko naman.
"Hindi normal na aso?" nagtatakang tanongng doctor.
"Sa pagkakaalala ko doc, isa syang sobrang laki na at hindi ko po ito nabangga sumasabay po sya ng takbo sa motor ko." alam ko namang hindi maniniwala sakin ang doctor at nurse na tahimik lang na nakikinig sa kwento ko. "Pulang pula po ang mga mata neto na nanlilisik" dagdag ko. "Para po itong.."
"Aswang?" biglang pasok naman ng nurse.
"Nurse, nagpapaniwala ka sa mga ganyan knowing that you are a person of science and medicine. Baka nag hahalucinate lang si Mr. Santos. Lower down the doses ng mga gamot nya and I will be checking on him later" kontra naman ng doctor.
"Yes doc." sagot naman ng Nurse.
"Doc"
"Yes, Mr.Santos"
"Namamanhid po ata ang kanang braso ko"
"Um, Mr.Santos. Nurse please?" sbay turo naman neto sakin.
"Yes doc."
Inangat ng ang kumot na naka naka balot sa katawan ako at nakita kong wala na ang buong kanang braso ko.
"ANO PO NANGYARI!?"
"Hindi ko nahanap ang kanang braso mo sa paligid kung saan ka naaksidente, hindi ko narin hinanap at minadali ko nang dalhin ka dito" sagot naman neto sakin.
"Baka nasa paligid lang po doc! ung aso doc! baka dinala nya ang braso ko! pinahanap nyu po ba ang braso ko!?" nag hihysterical na ko kasi nga naputolan nako tuluyan ng kanang braso!
"Yes may mga pulis akong pinapunta sa scene, pero wala din silang nakitang braso mo dun"
"Kinuha ng Aswang" salita ng nurse.
"Nurse please lets all be reasonable here. baka kinuha ng mga hayop sa paligid ang braso mo may search team akong pinapunta doon babalitaan ka nila. at may pupunta din namang mga pulis dito to get your statement sa nangyari, for now magpahinga kana muna" sabay lumabas narin eto at naiwan kasama ko ang nurse.
"NURSE! Naniniwala akong inatake ako ng aswang! naniniwala ka sakin diba?"
tumungo lang ito at tumingin ng may awa sakin.
"Bibigyan muna po kita ng pangpakalma bago po dumating ang mga pulis"
Nakita kong may ininject si Nurse sa dextrose ko at unti unti akong nakakaramdam ng antok. habang sabay naman tumulo ang luha ko sa nangyari.
At sa katotohanang wala nakong kanang braso.
Pagkalipas ng mga ilang oras ay nagising ako sa katok sa pinto ng kwarto ko. agad naman binuksan ng nurse ang pinto at kasama nyang pumasok ang dalawang naka unipormeng pulis.
kinuha nila ang statement ko at bakas sa mga muka nila na hindi sila naniniwala sa sinasabi ko. ayaw nilang maniwala na ang nilalang na umatake sakin ay aswang. malakas ang kutob ko talaga na aswang at wala ng iba pang nilalang ang kayang gawin yun sakin.
Kasama din naman ng mga pulis ang tiyahin ko na labis ang pag aalala sakin at niyakap nyako nung nakita ako, lalo lumakas din ang pag iyak neto nung nakitang wala nakong kanang braso.
Makalipas ng isang linggo na naka lagi ako sa ospital ay unti unti ko narin tinangap na wala na ang kanang braso ko. hanggang sa naka labas na ako ng ospital.
Kahit mahirap ay sinanay kong kumilos at gumawa gamit lamang ang kaliwang kamay ko. kumain, mag sulat at mag trabaho ng kaliwang kamay lang ang gamit.
Ganap akong naka recover sa mga sugat ko ng mahigit isang buwan. bumalik na rin ako sa trabaho ko at nagpapasalamat naman ako sa kompanya ko at tinangap parin nila ako at sinagot nila ang pagpapa ospital ko.
May isang linggo nakong nag tatrabaho ng maisipan kong kumain uli dun sa paresan ni Kuya Nards.
"Kuya isa pong pares"
"Aba utoy! antagal mong hindi pumunta dito ah, anong nangyari sayo" bati ni kuya nards sabay turo sa kanang braso ko.
"Naaksidente po ako pero okay naman na po ako ngaun nasasanay narin"
"Ay, nako naman nakakaawa ka naman utoy, oh sya ito kumain ka ililibre ko na itong pares na to, para sayo at pagbabalik mo. sa susunod mag iingat ka na sa kalsada utoy ano?" sabay hain ng isang malaking mankok at dalawang kanin sa lamesa ko si Kuya Nards.
"Nako po hindi po, okay ang po babayaran ko na lang po"
"Wag na ano kaba, kumain ka na at di masarap yan pag lumamig" anyaya naman ni Kuya.
Napansin ko na madami ng kumikilos sa Paresan ni Kuya Nards, nadagdagan na rin siguro ang mga mangagawa nya, lumalaki narin ang pwesto ni kuya, pero napansin kong wala na si Amor doon. Nag aalangan man ay hindi ko na pinigil na mag tanong kay kuya Nards.
"Kuya, Nasaan na po si Amor" pansin kong nawala ang ngiti neto at biglang naging seryoso ang muka nya, pero bago pa sya makasagot ay lumabas galing sa likod na kwarto na natatabunan ng kurtina si Amor.
"Ah ayan, kakalabas lang pagod narin kasi nag tatrabaho na yan sya sa gabi utoy." bumalik ang ngiti neto.
"Ah ganun po ba saan po sya nag tatrabaho?"
"Ah dyan lang sa bandang marikina minsan sa manila kung saan sya pinapunta ng boss nya." sagot naman neto halata narin na naiinis na ito sa mga tanong ko.
"Kanino po sya nag tatrabaho kuya?"
" pinakiusapan ko si doc, dyan sa Cubao medical para kunin sya na mag trabaho sa kanya"
" naalala ko po na galing ka ng ospital nung huling gabing kumain po ako dito, pareho pong gabi din ho kasi ako naaksidente eh" kwento ko naman.
"Ah ganun ba? ayan sa susunod mag iingat kana sa kalsada ha?" bumalik na uli ang ngiti neto.
"Opo salamat po"
tinitingnan ko si Amor habang nag hahanda ng mga iseserve ni kuya Nards na pares. dumarami na rin sa mga oras na yun ang parokyano nya. napansin ko na may benda ang kaliwang kamay neto namay bakas ng dugo. Nais ko mang tanungin kung ano nangyari eh minarapat ko na lang na tumahimik. iba na nag itsura ni Amor wala na ung dating kinang nya. para syang biglang natuyot at bayukos na para bang may naka dagan sa mga balikat neto. Di rin ito tumitingin ng direcho sakin na para bang nahihiya.
Pero sa loob loob ko, si Amor ang aswang na gumawa neto sakin. Nag dududa ako sa kinikilos ni Kuya Nards at ni Amor, lalo pa nung gabing naaksidente ako, naalala kong may ibinulong si kuya Nards sa kanya at baka inutusan neto na atakihin ako.
Kahit sabihin nating tanggap ko na na nawala na ang kanang braso ko, ay hindi parin ako natatahimik na maka ganti sa gumawa neto sakin.
Kailangan kong mag imbistiga.
(Part 3)
Pagkalipas ng isang buwan...
May isang buwan narin akong kumakain uli sa paresan ni Kuya nards, pero wala akong nakikitang kahina hinala sa mga kinikilos nila. Araw araw ko ding pinag mamasdan si Amor, wala naman itong kakaibang ginagawa sa paresan nila, ang nakakapagtaka lang ay ang pag babago ng itsura neto na para bang laging pagod. Lalong naging mas mailap na rin ito sa mga tao, hindi na rin sya yung palangiti na babae, lagi na lang itong naka tulala at minsang walang emosyung makikitaan sa muka. Si kuya Nards naman ay walang pag babago.
"OKAY!"
Yun parin ang maririnig mo sa kanya kapag humihingi ka pa ng dagdag na sabaw sa paresan nya. may tatlong lalaki narin syang nakakatrabaho dun na hindi rin naman madalas na nasa Paresan. Ung dalawa ay taga hatid lang ng kalderong may laman na bagong lutong pares, dati dalawang kaldero lang ay nagtatagal na ng buong araw ang pares ni Kuya. Ngaun sa dami at dagsa na ang tao sa paresan nya ay kailangan na neto ng Apat na kaldero para ma serbisyuhan ang taong pumipila at nag aabang sa luto nyang pares.
Determinado parin akong mapatunayan na si Amor ang umatake sakin. Pero kailangan ko parin ng isang solidong ebidensya. Napagtanto ko na andun lang ako tuwing bukas ang paresan nya umaga tanghali at gabi bago sila mag sara. Pero hindi pako nakakapag imbistiga doon pag natapos na ang araw nila. At naisipan kong mag manman pagkasarado na nila ng paresan.
Kinagabihan ay naisipan kong pumunta muli ng medyo late na, maaga akong lumabas ng trabaho pero nag matyag nako isang oras bago ang oras ng pag sasara nila, kailangan ko lang tumayming. Andun lang ako sa malayo na nag oobserba ng mga kilos nila. madilim na rin noon alas nuebe ng gabe, insaktong oras na nag liligpit na sila ng paresan nila.
Agad naman akong pumunta at pumasok sa loob. Pansin ko na hindi na si Amor ang nag liligpit ng mga lamesa kundi ung isang lalaking katulong nila.
"Ay sarado na po kami sir." bungad ng lalake sakin nung nakita akong pumasok.
"Ganun po ba wala na po ba kayung tindang pares?" kunwaring tanong ko naman, at gusto ko rin talagang kumain ng gabing yun nagutom din ako sa pag tambay ma bantayan lang ang kilos nila.
Agad namang lumabas mula sa kurtina si Kuya Nards at nagulat nung nakita akong naka pwesto na sa isa sa mga hindi pa naliligpit na lamesa.
"Uy kuya Nards sarado na daw po pala kayu." sabi ko.
"Nako para sa suki namin, lagi kaming bukas. Ikaw." sabay turo sa lalaking nag liligpit. "Pag hain mo nga si Sir at may kanin panaman dyan sayang din kung itatapon lang natin yan" utos neto sa lalake.
"Salamat po kuya, Nagugutom narin kasi ako eh." sagot ko naman.
Pansamantalang itinigil ng lalake ang ginagawa nya para pag hain ako ng order kong pares. Inilapag neto ang dalawang mankok sa lamesa ko at inabutan din ako neto ng pag timpla ng pares.
"Sige Utoy kumain ka lang" alok naman ng nakangiting si Kuya Nards.
Pansamantalang nawala ang plano ko kasi ang sarap nga naman ng pares ni kuya at sa oras na yun gutom narin ako.
nagulat naman ako ng biglang umupo sa harap ko si Kuya Nards. Naisip ko na pag kakataon ko narin to para matanong sya.
"Kuya Nards, kain po"
"tuloy mo lang utoy, kumain nako"
"Kuya may tatanong po sana ako."
"Nako mag tanong ka lang utoy wag lang math" pabirong sagot neto sakin.
"Nasan po si Amor? hindi na sya ung nag liligpit dito?" tanong ko naman kahit alam ko naman na magsisinungaling sya sa isasagot nya.
"Ah, ayun andun sa likod nag hahanda para pag pasok nya kay doctor. nako ikaw utoy palaging si Amor lang ang tinatanong mo napag hahalataan ka, gusto mo yung pamankin ko no?"
nagulat ako sa sagot ni Kuya Nards at ni minsan hindi ko sya narinigan na nag biro ito patungkol sa pamankin nya.
"Hala hindi po Kuya, dati kasi diba bago ako ASWANGIN ay sya yung naabutan kong nag liligpit dito" Pahaging na binangit ko ang salitang aswang at titingnan ko ung reaksyun nya.
"Aswang? anong ibig mong sabihin" bakas ang pag tataka at kaba sa mga muka ni Kuya Nards nung binanggit ko yun, at nawala ang mga ngiti neto.
"Nakita nyu po itong kanang braso ko? sinakmal po ito ng isang nilalang na nag anyong aso nung gabing papauwi ako galing dito sa paresan nyu" kwento ko sa kanya.
"Uy, grabe naman at nakakakilabot pala ang nangyari sayu utoy ano?"
"Opo, kaya po hindi na nakita ang braso ko kasi sa palagay ko tinangay nung aswang ang braso ko" patuloy na kwento ko naman.
"Ang pagkakaalam ko utoy ay lamang loob ang gusto ng mga aswang" sagot neto.
"hindi totoo ang aswang" nagulat ako ng
biglang may boses na nangaling sa likoran ko, pag lingon ko ay lalo akong nagulat nung makita ko ang doctor na gumamot sakin.
"Oh doc kayu po pala." bati ko sa kanya.
"Oh Mr. Santos andito ka pala. mukang parokyano ka rin ng paresan ni tatay ah" sabay patong ng mga kamay nya sa balikat ko kung saan putol ang braso ko.
"Opo doc, nag sisimula palang si Kuya Nards noon kumakain na ako dito. maliit pa nga lang to dati" sagot ko naman.
"Ah Masarap talaga ang pares ni tatay, lalo ang laman ng pares nya" sabi naman neto.
"Opo sya nga po" sagot ko naman pero nagtataka ako bakit andito si doc kakain din ba sya?
"Magandang gabi doc" bati sa kanya ni Kuya Nards.
"Magandang gabi din po tatay nardo, handa na po ba si Amor?" tanong neto kay kuya, siguro sinusundo nya si Amor papasok sa trabaho sa kanya.
"Ay opo, Amor! dito na si Doc inaantay ka" tawag naman ni kuya Nards.
Lumabas naman agad si Amor mula sa likod ng kwarto at kitang kita na nag ayus ito para sa pagpasok.
"Nurse pala si Amor kuya." sabi ko naman kay kuya Nards.
"Oo, pinagaral ko ng nursing yan at salamat dito kay doctor nagkaroon ito ng trabaho na magagamit naman nya ang kanyang pinag aralan" sabi naman ni Kuya.
"Sa inyu po pala sya nag tatrabaho doc? sa Cubao medical po ba sya napasok?" tanong ko namankay doc.
"Ah hindi sya dyan naka duty, personal nurse sya ng tatay kong may karamdaman na, matanda narin kasi ang tatay kinuha ko syang taga bantay"
"Tara na po?" nakayokong salita ni Amor sa doctor habang iwas parin itong tumitig sakin.
"Oh sya dito na kayu at gabi na rin hinihintay na sya ng tatay, si Amor lang laging hinahanap nun eh"
at tumuloy na nga si Amor kasama si Doc.
"Malaki rin ang naitulong ng pamilya ni Doc saamin, sya ang nag bigay ng puhunan ko para masimulan ko itong paresan na ito" sabi naman ni kuya Nards.
"Ah, sya po pala tumulong sa inyu"
"Oo at hanggang ngaun hindi parin ako neto siningil sa binigay netong pera sakin" dagdag pa ni kuya.
"Madami naman din po kasi atang pera si Doc eh" sagot ko naman.
"Marahil, kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya pati ba naman itong pamankin ko ay kinuha nyang mag trabaho sa kanya"
"Napakabait naman pala ni doc, hindi nya rin ako pinabayaan sa ospital nung andun ako kaya mabilis lag din ang recovery ko." kwento ko naman sa kanya ang karanasan ko kay doctor.
"Napakabait naman talaga ng doctor na yun" sang ayon pa ni Kuya Nards.
"Pano utoy, sabaw ka pa ba?"
"Opo isa pa po bago umuwi"
"OKAY!"
...to be continued