Ika Pitong Kampana

4354 Words
Sa isang lugar sa may Visayas tahimik ang buong paligid. Maliwanag ang buwan at malinaw ang kalangitan. May dalawang lalake na naglalakad pauwi nang makaramdam sila ng mainit na ihip ng hangin. Sa ilalim ng isang puno may sumulpot na magandang babae, napatingin yung dalawang lalake at agad naakit sa ganda niya. Sumandal yung babae at unti unti niyang tinatanggal ang kanyang damit, lumapit yung dalawang lalake at di makapaniwala sa nakikita nila. “Gusto niyo ako?” landi ng babae. Di makapagsalita yung dalawa nang wala nang natirang saplot sa katawan ng babae. “Bago niyo ako makuha may kailangan kayo gawin para sa akin” bulong ng dalaga. “Kailangan niyo pumatay ng tig sampung tao, pag nagawa niyo yon balik kayo dito at akoy mapupunta sa unang makakagawa non” bulong niya sa dalawa. Nagkatinginan yung dalawang lalake at agad nagtakbuhan. Tawa ng tawa yung dalaga pero may sumulpot na ibang nilalang sa tabi niya. “Kinakailangan mo pa ba talaga maghubad Armina?” tanong ni Lorena. “Alam mo naman ang mga tao madali kumapit sa tukso. Ayaw mo non bente na kaluluwa mapupunta kay Basilio at lalo pa siyang lalakas” sagot ng taga bulong. “Magsaplot ka na” sabi ni Basilio at naglakad patungo sa kalye. “Fortea sigurado ka ba dito matatagpuan yung ika pitong simbahan?” tanong niya. “Oo ito yung lugar na sinabi nung apat na matatanda. Baka gusto mo muna dumaan sa baryo na malapit para magpalakas” sagot ng taga basa. Bagsak sa lupa si Fortea at napahawak sa leeg niya. “Sinasabi mo ba na mahina ako Fortea?” tanong ni Basilio. “Basilio tama na!” sigaw ni Bragudo pero pati siya napabagsak sa lupa. Natakot si Lorena kaya nagtago sa likod ng puno habang si Armina agad niyakap ang binata at nilandi. “Tara na sa simbahan para matapos na para magtago tayo sa malayong lugar at papaligayahin kita” bulong niya. Tinulak siya palayo ni Basilio at pinaglaruan ng binata ang kanyang singsing. “Ayaw ko nagsasayang ng oras, tumayo na kayo at magtungo tayo sa simbahan” sabi ng binata. Ilang minuto ang lumipas at sumulpot ang grupo sa harapan ng isang lumang simbahan. Madilim sa paligid pero tuloy ang lakad ni Basilio papunta sa harapan. Sa may itaas may dalawang pulang mata ang nagliyab, napatingala si Basilio at agad napangiti. “Hinahamon kita Taga Bantay ng Kampana!” sigaw niya. Nakaramdam sila lahat ng malakas na dark aura, nawala ang mga nagbabagang ilaw sa may kampana pero sa pinto ng simbahan may nakatayong matandang lalake. “Tama ba yung narinig ko? Ako ay iyong hinahamon?” tanong niya. “Basilio! Mas malakas ito kumapara sa anim mong napatay na” sabi ni Fortea. “Ako nalang muna ang susubok sa kanya” sabi ni Bragudo. Tumawa yung matanda at naglakad palapit, “Ikaw pala yung sinasabi nilang Basilio. Sigurado ka ba sa paghahamon mo sa akin? Dapat makinig ka sa iyong kasamang dalaga” sabi ng matanda. Nakakaramdam si Basilio ng mainit na kamay sa kanyang leeg, napahawak siya sa kanyang singsing sabay napangisi. “At saan mo naman narinig ang pangalan ko tanda?” tanong niya. “Hahamunin mo ako e di mo pa alam pangalan ko. Ako si Pentakis! Ngayon pwede na tayo maglaban!” sigaw ng matanda at biglang naglabas ng dalawang makalumang espada at sinugod ang binata. Humarang si Bragudo kaya siya ang unang nalaslas ng dalawang nagbabagang espada. Napasigaw siya ng malakas at hindi makapaniwala si Basilio. “Malaki ka nga pero mahina ka!” sigaw ni Pentakis at binanatan yung taga braso ng tig isang dosenang laslas sa katawan. Ang bilis ng kamay ng matanda, si Fortea at Armina agad hinila si Basilio palayo. Pinanood nila mapatapis ng malayo si Bragudo kaya nabalot sila ng matinding takot. Agad inasikaso ni Lorena ang bumagsak na taga braso. Si Basilio naglabas ng isang mahabang espada at sinugod ang matanda. Lumayo sina Armina at Fortea, nagpalabas sila ng mga nagbabagang mga pana at tinira si Pentakis. Tawa lang ng tawa yung aamatanda pagkat hindi umaabot ang mga yon sa kanya, bago pa tumama sa katawan niya ay agad nang nalulusaw ang mga ito. Winasiwas ni Basilio ang espada niya, nalaslas sa dibdib si Pentakis pero lalo lang tumawa ang matanda. Bumawi ang taga bantay ng isang dosenang laslas, hindi lahat nasangga ng binata kaya ang dibdib niya nagtamo ng madaming sugat. Napaatras si Basilio pero hindi siya pinahinga ng matanda, isang dosenang laslas ulit ang natamo niya kaya agad niyang inalis ang kanyang singsing. Napatigil si Pentakis pagkat naramdaman na niya ang tunay na dark aura ni Basilio. Nakita ng lahat ang bakas ng takot sa mukha ng matanda pero di nagtagal tumawa ulit siya at sinugod ang binata. “E ano ngayon kung malakas ka? Hindi mo ako kaya!!!” sigaw niya. Tatakbo na sana si Basilio pero nadale ang likod niya ng madaming laslas. Gumaling na si Bragudo, dalawa na sila ni Basilio ang lumalaban sa matanda pero hindi parin nila kaya ito talunin. Si Pentakis unti unting nagpapalit ng anyo, balat niya nagiging pula at mga mata nag aapoy na. Nagpaikot ng mabilis ang matanda, nagkaroon ng ipo ipong pula sa sa kinatatayuan niya at inatake sina Basilio at Bragudo. Muling humarang ang taga braso sa binata, halos nalamog ang kanyang dibdib sa paglalaslas ng ipo ipo sa kanya. Takot na takot na si Basilio, nakita nung tatlong dalaga yon kaya pati sila hindi na alam ang gagawin. Tumakbo si Lorena papunta sa binata habang nilalamog pa ng tuluyan ng ipo ipo ang katawan ng taga braso. Agad ginamot ng dalaga si Basilio habang si Armina at Fortea tuloy ang pagtitira ng kanilang mga pana. Bagsak sa lupa si Bragudo, hindi na makilala ang kanyang mukha, katawan niya nagmistulang giniling na karne. Bumalik sa normal na anyo si Pentakis at tumawa ng napakalakas. “Ano Basilio? Nagsisisi ka na ba?” tanong niya at nahawakan niya si Lorena at tinapon ng malayo at isang espada sinaksak sa dibdib ni Bragudo. Nagpakawala si Basilio ng bolang apoy at tinama ito sa mukha ng matanda. Napaatras si Pentakis pagkat wala siyang makita, sumugod si Basilio at siya naman ang naglalaslas sa katawan ng matanda. Napaluhod si Pentakis, napayuko ang ulo niya kaya tinaas ni Basilio ang espada niya ang mabilis na sinaksak ito sa likod ng matanda. Napasigaw ng malakas si Pentakis, nakahinga ng maluwag si Basilio at mga kasama niya. Naglakad palayo si Basilio, naiwan ang kanyang espada sa katawan ng matanda, napahawak siya sa kanyang dibdib at tinakpan ang mga sugat na natamo niya. Nakangiti si Fortea at Armina pero nanlaki ang mga mata nila nang may nagbabagang espada ang lumusot sa dibdib ni Basilio. Narinig nila ang tawa ni Pentakis, ginamit niya ang sariling espada ni Basilio na ipansaksak sa likod ng binata. Bagsak ang binata sa lupa, pinulot ni Pentakis ang dalawang espada niya at muling nagpaikot. Hinihila palayo nina Armina at Fortea ang bagsak na binata, nagawa na lumuhod ni Basilio at hinawakan sa leeg si Lorena. “Gamutin mo ako dali!” sigaw niya. Tumindi na yung pulang ipo ipo at dahan dahan itong lumalapit sa grupo. Sinakal ni Basilio ang leeg ni Armina at tinapos papunta sa ipo ipo. Matindi ang sigaw ng dalaga habang natamaan siya konti ng ipo ipo, “Bilisan mo!” sigaw ni Basilio, napatigil ang ipo ipo at binuhat ni Pentakis ang katawan ni Armina. “Ibang klase ka! Gagamitin mo kasama mo para lang makaligtas ka!” sigaw ng matanda. Sumugod si Pentakis, si Lorena naman ang tinapon ni Basilio sa kanya. Sinalo ng matanda ang dalaga pero di niya nakita na sumugod din pala ang binata. Saksak sa dibdib ang matanda, pinulot ni Armina ang isang espada at sabay nilang pinagtataga siya. Si Fortea lumapit at close range na pinagpapana ang dibdib ng matanda. Sinaksak ni Basilio ang dalawang espada sa balikat ni Pentakis, umatras siya at tinaas ang dalawang kamay. May binigkas siyang dasal, natakot sina Fortea at Armina kaya hinila nila palayo ang katawan ng dalawang bagsak nilang kasamahan. “Basilio masamang d**o ka talaga pero maari mo ako matalo ngayon pero gusto ko lang sabihin sa iyo na sa pitong natitirang taga bantay ako ang pinakamahina” sabi ni Pentakis. Pinilit ng matanda gumalaw pero yung mga espada niya nakasaksak sa kanyang balikat at sa lupa. Sa dibdib niya ang malaking espada naman ni Basilio ang nakasaksak doon. Nagbagang itim ang katawan ni Basilio at mulas sa lupa lumabas ang itim na apoy at bumalok sa kanyang katawan. Tumawa ng malakas si Pentakis pagkat napalibutan ang buong katawan ng binata at ang apoy humulma sa katawan ni Kamatayan. “Ganyan ba ang malakas? Nakikihiram ka lang ng kapangyarihan ng iba!” bigkas niya at nailabas na ng usok ang malaking kumpay at nilaslas ang taga bantay sa dibdib. Hati agad ang katawan ni Pentakis, unti unti naabo ang katawan niya at sinususop ng itim na usok. Yung tatlong espada nalang ang natira sa lupa, unti unti narin humuhupa ang itim na usok. Paglipas ng ilang segundo si Basilio nalang ang natirang nakatayo. Tahimik lang siya at pinagmamasdan ang dalawang espada ng kanyang nakalaban. “May sugat ka pa, akin na gamutin ko” alok ni Lorena pero tinulak niya ito palayo. “Wag ka magpapaapekto sa sinabi niya, ginawa mo lang ang kailangan mo gawin” sabi ni Fortea pagkat nabasa niya ang tumatakbo sa isipan ng binata. “Kung siya hindi ko kaya talunin ano pa kaya si Antonio?” bulong ng binata. “Pero nanalo ka naman e” sagot ng dalaga. “Oo pero kinailangan ko gamitin yung kapangyarihan na pinahiram nung apat na matanda! Sasabihin nila na hindi ako nagtagumpay sana pag wala sila!” sumbat ng binata. “Sama sama naman tayo sa huli mabibiyayaan e” sabi ni Lorena pero lalong nagalit ang binata. “Pag nagtagumpay tayo gusto ko dahil sa akin! Gusto ko ako lang mismo ang tatalo sa Antonio na yan! Hindi ko kailangan ang tulong ng kahit sino!” sigaw ni Basilio at bigla siyang lumutang sa lupa. Mula sa lupa nagsilabasan ang mga itim na usok na humulma sa mga mananabas ni Kamatayan. Sa katawan ng binata kakaibang maitim at dilaw na liwanag ang lumabas, tinuro niya ang malapit na baryo at agad sumugod ang mga itim na usok at dilaw na liwanag. Lalo pang tumaas sa ere ang binata at tinuro naman ang kabilang baryo at doon pinasugod ang iba niyang nilabas na kampon. Hindi maintindihan ng mga kasama niya ang nangyayari pero dinig na dinig nila ang mga sigawan ng mga tao. Ilang segundo lang nakikita na nila ang mga kaluluwa na nagliliparan at lahat pumapasok sa katawan ng binata. “Ano bang kapangyarihan ang pinahiram sa kanya?” bulong ni Lorena. “Hindi ko alam e, pero malakas talaga yung apat na matanda. Alam nila hindi nila magamit kapangyarihan nila kaya pinahiram nila kay Basilio” sabi ni Fortea. Tumawa ng malakas si Basilio at yung boses niya dumagundong sa buong bayan. Patuloy ang paglalabas niya ng mga kampon mula sa katawan niya pero kay dami din naman mga kaluluwa ang pumapasok sa kanya. Bawat kaluluwa na pumapasok sa kanya lalo siya lumalakas, nag aapoy na ang kanyang mga mata pero hindi parin siya tumigil. Sumilip na ang araw, tumigil si Basilio at bumalik sa lupa. Ramdam ng mga kasama niya ang kanyang bagong dark aura kaya agad inabot ni Bragudo ang kanyang singsing. Pinagmasdan siya ng binata sabay tinignan si Lorena. “Nagamot mo siya?” tanong niya. Napayuko si Lorena at pabulong na sumagot. “Kasama natin siya” “Sa susunod pag hindi ko inutos ay wag mo gagawin” sabi ni Basilio kaya medyo napailing ang kanyang taga braso. “Hindi ko kailangan ng mga alalay na mahina. Sige hahayaan kitang sumama sa amin habang wala pa akong nakikitang kapalit mo” hirit niya. “Basilio! Si Bragudo ang pinakamalakas na taga braso, nagkataon lang na malakas talaga yang taga bantay. Pati ikaw nga hindi mo…” sabi ni Armina. Tinitigan siya ni Basilio saka nilapitan. “Bakit hindi mo tinapos ang iyong sinasabi?” tanong niya. Lumuhod sa lupa ang dalaga at nagmakaawa. “Patawad Basilio” bigkas niya. Tumayo si Fortea at tinuro ang isang itim na agila sa langit. Bumaba ang agila at tumayo sa kanyang balikat at nagbulong sa tenga ng dalaga. “Ano sabi?” tanong ni Basilio. “Nagkakaubusan ang mga kampon natin. Gumalaw na ata si Antonio at hindi mahanap si Crispin” sabi ni Fortea. Nanlisik muli ang mga mata ni Basilio at pinagmasdan ang dalawang espada ni Pentakis. “Bragudo kunin mo mga yon, kung gusto mo magkaroon ng silbi matuto ka gamitin ang mga espadang yan. Kakaiba ang sugat na natamo natin dahil sa mga yan” utos ng binata. “Tama ka, nahirapan ako konti pagalingin kayo, may taglay na konting dakilang apoy ang mga espada” sabi ni Lorena. “Kailangan ko pa magpalakas” bulong ni Basilio at pinagmasdan ang paligid. Nagmisulang desyerto ang lugar at sobrang baho na dahil sa inaagnas na katawan ng mga pinatay niyang tao. “Basilio alam mo ba may kilala akong mga magkakapatid na bruha” sabi ni Armina at muli niyang nilalandi ang binata. “Pero bago ko sasabihin sa iyo kailangan pagbigyan mo ako” hirit niya. “Ang mga dakilang bruha ng Norte” sabi ni Fortea at nagulat si Armina. “Bwisit ka! Wag mo babasahin ang utak ko!” sigaw ng dalaga. “At bakit naman ako mag iinteres sa mga bruha?” tanong ni Basilio. Tinitigan ni Fortea si Armina, nainis ang dalaga kaya nagdabog palayo. “Hmmm may tama si Armina. Itong mga magkakapatid na bruha ay may kakayanan na magbukas ng pinto sa lupain ng kapangyarihan” sabi ng tagabasa. “Lupain ng kapangyarihan? Bakit hindi ko alam yan?” tanong ng binata at agad lumapit si Armina. “Wag mo na babasahin ang utak ko! Ako na ang magpapaliwanag ng lahat basta pagbibigyan mo ako” landi niya. Huminga ng malalim si Basilio at tinitigan sa mukha si Armina. “Ano ang gusto mo?” tanong niya. “Gusto ko ako ang gawin mong kanan na kamay mo at wag na yang tagabasa na yan” sagot ng dalaga. Napasimangot si Fortea pero napangiti din lang pagkat nabasa niya ang utak ni Basilio. “Sige, basta sabihin mo ang iyong nalalaman” sabi ng binata. “Ang mga kapangyarihan natin lahat nanggagaling din lang sa isang lupain. Doon nakatago ang lahat ng kapangyarihan at yung magkakapatid na bruha ang tanging may kakayahan na magbukas ng pinto patungo doon” sabi ni Armina. “Lahat ng kapangyarihan?” tanong ni Basilio at niyakap siya ng dalaga. “Oo, lahat Pati ang mga kapangyarihan na hindi mo pa naiisip. Nandon sila lahat ang kailangan mo lang gawin ay magtungo sa lupain na yon para kunin sila” sabi ng dalaga. Napangiti si Basilio at niyakap din ang dalaga. “Hmmm ang ibig mo sabihin itong kapangyarihan natin doon nanggagaling talaga?” tanong niya. “Oo ang katawan natin ay konektado sa lupain na yon. Doon naman talaga tayo kumukuha ng kapangyarihan. Mula sa lupa na yon dumadaloy ang lakas natin pero pag tayo ay namatay ay nagsasara din ang koneksyon ng lupain na yon kaya kahit patay na hindi nakukuha ang kapangyarihan ng namatay” paliwanag ng dalaga. “Sandali lang, akala ko ba ang kapangyarihan natin galing sa ibaba? Sinara ni Antonio ang pinto ng kapangyarihan kaya nawalan ng lakas ang lahat ng demonyo” sabi ni Basilio. “Hay naku kasi kahit yung apat na matatanda hindi alam ang tunkol dito. Ang pinto na sinara lang ni Antonio ay ang pinto ng lakas. Paano mo mapapalabas ang kapangyarihan kung wala kang sapat na lakas? Paano mapapahiram sa iyo ng apat na matanda ang kapangyarihan nila pag sarado nga ang pinto ng kapangyarihan?” paliwanag ni Armina sabay tawa. “Sa bawat katawan natin may pinto doon na nag uugnay sa atin sa lupain ng is a kapangyarihan. Si Fortea nakaugnay katawan niya sa lupain na yon pero tanging dumadaloy mula sa lupa na yon papunta sa katawan niya ay kapangyarihan ng taga basa. Si Lorena naman ay kapangyarihan ng taga hilom. Si Bragudo…ewan ko mga kapangyarihan ng normal na demonyo lang. Ako kami nalang magkakapatid ang tignan mo, mga bruha lang kami, nabuksan naming ang pinto papunta sa lupang yon at tanging nakuha ko ay kapangyarihan ng taga bulong” “Mahina lang kasi kaming mga bruha, hindi namin kaya dumaloy ang ibang kapangyarihan sa katawan namin. Pero ikaw malakas ka Basilio kaya sigurado ako pag nakapunta ka doon sa lupain na yon kaya mo kumuha ng madaming abilidad at kapangyarihan” paliwanag ni Armina. “Pero bakit yung matatanda? Yung ibang mandirigma? Ibig mo sabihin na galing sila sa lupain na yon?” tanong ni Fortea. “Hindi, gawin nalang natin na ehemplo ang isang Tagapag Ayos. Nabiyayaan sila ng dagdag na kapangyarihan, ang dakilang itim na apoy. Wala naman dati sa katawan nila yan. Pero ang ginawa nina Brod at Brad ay buksan ang pinto sa katawan ni Antonio para makadaloy ang kapangyarihan na yon. Sa kanya lang dapat yon pero pag nagkaroon ka ng anak agad nakabukas na ang pinto ng kapangyarihan na yon sa katawan niya” “Minsan naman pag malakas talaga ang isang nilalang nabubuksan nalang niya bigla ang pinto na di nalalaman. Pero hindi rin niya masasabi o mapipili ang kapangyarihan na dadaloy sa katawan niya. Bihira mangyari yon, tawag don ay anomaliya. Yang mga mandirigma na makapangyarihan na sinasabi mo malamang ang kanilang ninuno ay nabiyayaan ng kapangyarihan o kaya may nagbukas ng pinto para sa kanila” sabi ni Armina. “Nagbukas? Sino naman makakagawa non?” tanong ni Basilio. “Si Brod, si Brad o kaya si Satanas mismo” sabi ng dalaga. “Malamang ganon na nga nangyari noong unang panahon. Nung magkagera ang langit at impyerno. Siyempre nagpapalakasan sila ng mga mandirigma, malamang nandaya si Brad o kaya si Satanas” sabi ni Fortea. “Oo pero malamang ganon din ginawa ng mga taga langit kasi nanalo sila” dagdag ni Lorena. “Ang ibig mo sabihin itong sinara ni Antonio ay pinto ng lakas lang?” tanong ni Basilio. “Oo kasi pag pinto ng kapangyarihan ang totoong sinara niya ay pati siya wala narin sanang kapangyarihan. Lahat ng nilalang wala na sanang kapangyarihan. Pero pinto lang ng lakas ang naisara niya. Lahat may kapangyarihan parin kaya lang hindi magamit ito pagkat walang lakas na dumadaloy sa katawan nila dahil sa pagsara ng pinto” sabi ni Armina. “Yung apat na matanda, sabi nila pinahiram nila kapangyarihan nila, binuksan nila para sa akin ang pinto ng kapangyarihan nila sa katawan ko. Ibig sabihin kaya din nila?” tanong ni Basilio. “Imposible mangyari yon, sinubukan namin ng mga ate ko gawin yon pero hindi pwede. Malamang may mas nakakataas pa sa kanila ang may kaya. Pinalabas lang nung apat na pinahiram sa iyo. O kaya bukas na talaga ang pinto ng kapangyarihan nila sa katawan mo pero hindi mo lang alam na meron kang kapangyarihan na ganon” paliwanag ng dalaga. Tumawa ng malakas si Basilio at napatingin sa kamay niya. “Mga gahaman na matatanda! Balak pa nila ako gulangan para magkaroon ako ng utang na loob sa kanila!” sigaw niya. “Tama siya, sinabi sa iyo, alam mo na meron kaya nagamit mo na. Nagawa mong ipalabas kasi alam mo meron. Pero kahit di nila sabihin ay mapapalabas mo din yon pag ikaw ay nagigipit o kaya nagbago ang estado ng emosyon mo. Maaring sa galit o kaya sa tuwa. Ganon kasi ang utak, pag nasa dalawang estado na yon ay hindi natin masyado nakokontrol ang ating utak. Kaya may tsansa na mapalabas mo bigla ang kapangyarihan na hindi mo alam na meron ka” sabi ni Fortea. “Kung nakasara ang pinto ng lakas, may lakas parin ako pagkat ako ay isang anomalya. Tama ba? Pero hindi ako eksperimento, nagkukunwari lang lang ako alam niyo naman yon. Si Crispin may lakas, pati yung ibang mga eksperimento nilang mga mandirigma may lakas” sabi ng binata. “Oo kasi nakahanap sila ng paraan para makadaan ang lakas kahit sarado ang pinto kaya lang pinatay mo na ang tanging demonyo na nakakaalam na gawin yon” sabi ni Lorena. “Gaga! Alam ko! Kasi gusto ko ako nalang ang tanging tagapagsalba ng lahat ng demonyo. Alam ko gagawa pa sila ng susunod kay Crispin kaya ko siya pinatay. Muntikan na siya maging mas malakas sa akin, kaya ayaw ko maperpekto nila ang eksperimento. Bweno may lakas ako, kailangan ko nalang ay kapangyarihan at abilidad. Ayaw ko itong pinahiram ng mga matatanda, hindi ko na gagamitin mga yon. Kailangan ko lang makapunta sa lupa na yon tama?” sabi ng binata. “Hindi pero saka ko na ipapaliwanag pag nandon na tayo” sagot ni Armina “Ano pa inaantay natin? Magtungo na tayo sa Norte” sabi ni Basilio at biglang napasimangot ang dalaga. “Hindi ko alam nasan sila. Tawag lang sa kanila mga bruha ng norte pagkat doon sila nanggaling. Maaring ngayon nagkalat na sila sa buong bansa at nagtatago” sabi ni Armina. “Pero kilala mo sila?” tanong ng binata. “Oo naman pagkat kapatid ko sila” sabi ng dalaga at nagulat ang lahat. “Isa ka sa mga bruha?” tanong ni Lorena at tumawa ng malakas si Armina. “Ang tagal na nating magkakasama at hindi niyo napansin na hindi ako tunay na demonyo?!” sabi ng dalaga. “Kung hindi niyo ako napansin na bruha ako ano pa kaya ang mga ate ko? Kailangan mo ako Basilio, alam ko iba iniisip mo kanina. Ako lang ang makakahanap sa mga ate ko kaya kung gusto mo lumakas tratuhin mo ako ng maayos pagkat kahit ano ang gawin ng taga basa na yan hindi niya makukuha ang impormasyon sa isipan ko” sabi ni Armina. Sinubukan ni Fortea pero bigla siya napahawak sa kanyang ulo. “Bruha ka talaga!” sigaw niya. Kumapit si Armina kay Basilio at napangisi, napaatras ang tagabasa pagkat nagliyab ang mga mata ni Basilio. “Fortea hindi na ikaw ang aking kanang kamay, si Armina na ang papalit sa iyo” sabi niya. “Pero Basilio!” reklamo ng dalaga pero agad siya napahawak sa leeg niya. “Patayin mo na yan, pag nahanap natin ang mga ate ko hindi na natin sila kailangan. Isa kong ate taga basa at yung isa kong ate ay taga hilom. Kami lang tatlo ang kailangan mo Basilio” lambing ni Armina at gusto man pumalag nung dalawang dalaga ay wala sila magawa pagkat nakikita nilang nakangiti ang binata. Nagbulong si Armina sa tenga ni Basilio, tumungo yung binata kaya ang bilis ng galaw ni ng dalaga at nagbulong kina Fortea at Lorena. Sa isang iglap nasa control na ni Armina yung dalawa. “Ano ginawa mo sa kanila?!!!” sigaw ni Bragudo pero tumawa ng malakas si Basilio. “Syempre masasaktan ang loob nila at may tsansa silang magrebelde sa akin. Sinigurado lang ni Armina na hindi mangyayari yon” sabi ng binata. “Ngayon napapansin mo narin ako Basilio, dati lagi nalang yang Fortea na yan. Bweno wag na tayong magsayang ng oras dito kailangan na natin mahanap ang mga ate ko” sabi ni Armina. “Teka lang, ano naman ang makukuha mo sa lahat ng ito?” tanong ni Basilio. “Wala, gusto ko lang na ako ang nasa kanang kamay mo pag ikaw na ang naghari dito sa bansang ito” sagot ng dalaga at napatawa ng malakas ang binata. “Kahinahinala ka Armina, di ko maintindihan kung bakit ngayon mo lang nilabas yang alas mo. Sana nilabas mo noon pa, pero magandang balita nga yan“ sabi ng binata. “Basilio paano na si Crispin?” tanong ni Fortea. Napaisip yung binata at pinagmasdan ang kamay niya. “Pati ikaw hindi mo na nararamdaman ang dark aura niya?” tanong niya. “Hindi na, pati yung mga kasama niya wala din” sagot ng taga basa. “Antonio!” sigaw niya pero agad hinimas ni Armina ang kanyang dibdib. “Wag mo na isipin yan sa ngayon. Hanapin na natin ang mga ate ko” sabi ng dalaga. “Mabilis gumagalaw si Antonio, di magtatagal ay mahahanap niya tayo” sabi ni Bragudo. “Pwede natin siya pahirapan habang hinahanap natin ang mga bruha” sabi ni Fortea kaya lahat napatingin sa kanya. “Pano natin siya papahirapan?” tanong ni Basilio. “Magpakawala ng malalakas na mandirigma” sabi niya pero tumawa ng malakas si Armina. “Baka ulyanin ka na, wala nang natitirang malalakas na mandirigma. Karamihan napatay na ni Antonio at yung iba nakakulong na” sabi niya. “Kaya nga papakawalan natin sila” sabi ni Fortea at nagulat ang lahat. “Wala pang sumubok sa buong kasaysayan na sumugod sa lugar na yon. Bakit hindi tayo ang mauna, lalo kang sisikat Basilio pag nagtagumpay tayo. At isipin mo ang mga nakakulong doon na malalakas na mandirigma. Agad sila mapapaamo sa iyo pagkat napakawalan mo sila” sabi ng tagabasa sabay ngisi. “Hmmm…magandang ideya yan. Sige magpatawag ka ng pulong para mag ipon tayo ng mga kasamahan na susugod doon” utos ni Basilio sabay tumawa siya ng napakalakas. “May mas mananda akong suhestyon” sabi ni Bragudo at bumulong ito sa tenga ng binata. Lalong tumawa ng malakas si Basilio at hinimas ang ulo ng kanyang taga braso. “Yan ang pinaka magandang narinig ko sa iyo! Hindi na kita papalitan! Hahahahaha tiyak ang pagtumba ng kulungan na yon” sabi niya. “At hindi pa tayo magpapakahirap, kailangan lang natin magpakita doon” sabi ni Bragudo at dumagundong ang mga tawa nila sa buong bayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD