Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko para ilawan ang bawat madaanan ko. Hindi ako puwedeng magkamali. Suot ko iyon bago kami umakyat ng bundok kanina dahil hinawakan ko pa iyon. Pilit kong inalala ang mga dinaanan namin at sinusuri ang lupang naiilawan para tingnan kung naroon ang kwintas. Walang ibang tumatakbo sa isip ko at paulit-ulit ko lang hinihiling habang naglalakad ako na sana makita ko na iyon. Hindi ko na namalayan kung gaano na kalayo ang nilakad ko at nang makaramdam ng pagod saka lang ako huminto. Tumayo ako ng tuwid at inikot ang tingin sa madilim na paligid. Hindi ko na alam kung saan ako sunod na dadaan. Medyo malawak ang kakahuyan at hindi ko na rin alam kung nasaan na ako banda. Isa lang ang napagtanto ko, malayo na ako sa cabin na tinutuluyan namin. Biglang nahat

