Chapter 33

2727 Words

Nang magising ako bumungad agad sa akin ang ingay sa paligid. Nangingibabaw ang boses at tawa ni Missy. Nang magmulat ako ng mata wala na pala akong kasama rito sa taas. Gising na silang lahat at mukhang abala na sa ibaba. Muli kong naramdaman ang kabog sa dibdib nang maalala ang nangyari kagabi. Alam kong hindi iyon isang panaginip. Sariwa pa rin sa isip ko ang sinabi niya at ang paghalik niya sa 'kin. Wala sa loob na napahawak ako sa aking labi. Kinagat ko iyon. Nang maalala ang nawawala kong kwintas doon ako tuluyang bumangon at inayos ang sarili bago bumaba. Plano kong simulan na ang paghahanap ngayong umaga. Pagbaba ko sa sala awtomatikong hinanap ng mga mata ko ang isang tao pero hindi ko siya nakita. Naabutan ko lang ang iba na naghahanda ng agahan sa kusina kaya minabuti ko na l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD