"Congratulations, bestie! Finally, may love life ka na! I'm so proud of you!" masayang wika ni Missy. Nandito kaming lahat ngayon sa isang milktea shop na malapit sa school. Napahimas ako sa noo ko at nahihiyang tumingin sa paligid. Naramdaman ko ang pagpatong ng isang kamay ni Jackson sa ibabaw ng hita ko. Hindi ko alam na sinabi niya pala sa mga kaibigan niya ang tungkol sa aming dalawa. Nagulat na lang ako na alam na nilang lahat. "Seryoso ba? Hindi ako makapaniwala. Sapakin mo nga ako, Bro," ani David at akma pang inilapit ang mukha kay Jackson pero umiling lang ang huli. "Ako hindi ako naniniwala hangga't hindi si Ally ang nagsabi, sabat naman ni Luke. "Aminin mo nga sa 'kin, bina-blackmail ka ba ni Jackson para pumayag ka sa gusto niya?" "You shut up," biglang sagot naman ng kat

