Chapter 17

2102 Words
Bumiyahe na kami papauwi ni tristan galing sa La Esme at habang nagmamaneho siya ay nagku-kuwentohan naman kaming dalawa. Ang saya namin lalong lalo na kanina dun sa adventure park. That place was amazing at hindi ko talaga makakalimutan ang lahat ng mga na-experience ko sa lugar na yun. Malapit nang mag gabi and I need to hurry up kasi may trabaho pako sa bar. Habang nasa biyahe pa kami, tumingin muna ako sa bintana habang nakatanaw yung mga mata ko sa labas. Maya-maya, may napansin na naman ako sa side mirror. Bumalik na naman yung takot at kaba ko ng makita ko na naman uli ang dalawang itim na kotse na nakasunod samin. Nasa malayo pa sila pero mukhang malakas yung takbo ng kanilang sasakyan. Tumingin agad ako kay tristan at kinausap ko siya. "Tris, pwede bang pakibilisan mo. We need to hurry up." nagmamadali kong boses sa kanya na para bang natataranta ako kaya nagtaka siya sakin. "What happened? Is there something wrong?" tanong ni tristan sakin habang binibilisan na niya ang takbo ng kanyang kotse. "Um, Ah... baka kasi ma-late ako sa trabaho ko. Malapit na kasing mag gabi at kailangan ko ng makapasok dun ng maaga." rason ko sa kanya. "Okay, I'm sorry." paumanhin niya sakin. "May shortcut ka bang alam na pwede nating daanan?" tanong ko. "Yes, may alam akong shortcut kaya nga dun tayo pupunta ngayon para maka-uwi na agad tayo." sagot niya sakin. "Okay, hurry up, please." pakiusap ko kay tristan. Medyo malayo-layo na kami sa dalawang kotse na nakasunod sa amin but still they are following us. Pagdating namin sa shortcut kung saan marami ng mga sasakyan ang nasa daan, hindi na nila kami nakita pa at di na sila nakasunod samin kaya sa wakas, gumaan narin yung kalooban ko pero dapat hindi parin ako maging kampante, alam kong babalik at babalik parin yun sa amin. Ngayon, napag-isip-isip ko kung bakit kami sinusundan ng dalawang kotse na yun. Di ba kaya... may kinalaman dito si tristan? Hindi ko alam pero mukhang ganun na nga. I need to talk to him. Kailangan ko din siyang kausapin about sa baril na nakita ko sa kanyang drawer and also I need to find out what's inside to the envelope that I also found in his drawer. Mas lumalala na tuloy ang sama ng kutob ko sa lalaking 'to. Meron na naman bang tinatago sakin si tristan? "Justin, ihahatid na kita sa inyo." saad niya sakin. "No, dumiretso muna tayo sa bahay mo. May kailangan tayong pag-usapan tristan." sabi ko sa kanya at biglang napakunot ang kanyang noo. "About what?" pagtataka niya. "Basta, importante." sagot ko habang seryoso ang itsura ng mukha ko. Napansin kong napaisip si tristan sa sinabi ko sa kanya. I think he's confused. Mga ilang oras, pagdating namin sa kanyang bahay ay agad akong bumaba at binilisan ko ang aking paglakad papunta sa pintoan. Sinundan ako ni tristan at dali-dali siyang lumapit sa akin. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ko papalapit sa kanya. "Is there something wrong, Justin?" he curiously asked. "Sumama ka sakin dun sa kuwarto mo. May ipapakita lang ako sayo." sagot ko sa kanya bago ako tumalikod at umalis sa kanyang harapan. Sumunod parin si tristan sakin at sabay kaming pumasok dalawa sa bahay. Dumeritso kami sa loob ng kanyang kuwarto at agad akong lumapit sa drawer. Paghila ko sa drawer box, kinuha ko agad ang kahon at binuksan ito. Ipinakita ko kay tristan ang kanyang dalawang baril at napansin kong napadilat ang kanyang mga mata at sya'y di makapagsalita. "Ano 'to? Bakit may baril ka?" tinanong ko siya tungkol dito pero hindi siya nasagot. "Ba't di ka makapagsalita?" strikto kong boses sa kanya habang tinititigan ko siya. "Le-let me explain, justin." napautal si tristan na para bang natatakot siyang sabihin sakin ang totoo. Iniligay ko muna ang box sa mesa at may kinuha ako uli sa drawer. It's about sa brown envelope na nakita ko. Nang makuha ko na ang envelope, binuksan ko agad ito at may nakita akong mga papeles sa loob that's why I immediately pick up all the papers at binasa ko kung ano ang mga ito. Laking-gulat ko nalang nang malaman kong ang mga papeles na ito ay tungkol sa isang agreement nila ng mga "Dio El Varga". Tumingin ako kay tristan at napakunot ang aking noo dahil sa galit ko sa kanya. "Bakit hindi mo sinabi sakin 'to? Nakipagsundo ka pala sa mga kriminal na' to! Parte ka pala sa grupong nila, ha?! You're a f*****g liar!" lakas ng boses ko sa harap ni tristan dahil sa sobrang inis ko sa kanya. "I'm sorry that I didn't tell you about this... Pero justin, matagal nakong sumuko sa kanilang grupo. Huminto nako sa krimen na napasukan ko. Isa akong biktima at naging utusan nila! They forced me to sign up the agreement and I never wanted to be a part of their group. Si boss marco villanueva ang leader sa Dio El Varga. Isa din siyang drug lord at ginawa niya akong isang drug dealer simula nung pagkapanaw ni Mr. Albert. Kaya dahil sa hindi ko na nagustohan ang kanilang mga dirty businesses, tumakas ako at di na ako nagpakita sa kanila kailanman. It's been one year simula nung pagtakas ko kaya nagtatago lang ako dito sa tahimik na lugar na 'to. There is a reason why I became rich, I stealed a half billion from their money before I secretly escape from them kaya simula nun, pinaghahanap na nila ako kung saan-saan at binantaan pa nila yung buhay ko kung hihingi daw ako ng tulong sa mga pulis. I know na hanggang ngayon ay hinahanap parin nila ako. Dio El Varga is going to kill me if they caught me. Dahil sa takot ko, hindi ko nalang itinuloy ang paglapit sa mga pulis kasi ayoko pang mamatay. I need to stay alive." paliwanag ni tristan sa akin at ngayon ko lang 'to nalaman na isa pala siyang kriminal noon. Hindi ako makapaniwala. Imbis na magalit ako sa kanya, mas nag-alala tuloy ako sa sitwasyon niya ngayon. There's no time to fight with him. Kailangan na naming tumakas ngayon because Dio El Varga is finding us now. "We need to leave tristan before it's too late." sabi ko kay tristan at nagulat siya sakin ng marinig niya ito. "Right now? Why?" pagtataka niya. "May nakita akong dalawang itim na kotse kanina at sinusundan nila tayo. I think mga dio el varga yun. Dalawang araw na nila akong binabantayan at sa palagay ko ginagawa nila ito dahil baka may hinala na sila na may koneksyon tayong dalawa. Siguro kasama ako sa plano nilang patayin. I think they gonna kill us both, tristan. That's why we need to leave right now." tensyon ng aking boses habang kinakabahan ako. "What?! Bakit di mo sinabi sakin kanina palang! s**t! We have to hurry! Let's go!" natataranta si tristan. Dali-dali kong kinuha sa loob ng box ang maliit na tracking device and then I switch it on. Itinago ko agad ito sa bulsa ng pantalon ko bago kami nagsama ni tristan sa pag-alis at agad kaming lumabas ng bahay. Pumasok kaming dalawa sa loob ng kotse at bilis na ipinaandar ni tristan ang kanyang sasakyan. Nang umandar na ito ay agad niyang binilisan ang takbo ng kotse. Paglabas namin sa gate ay nagulat ako nang makita kong paparating narin ang dalawang itim na kotse sa amin. "Andiyan na sila! Bilisan mo tristan!" lakas ng boses ko sa kanya dahil sa takot ko. Habang bumiyahe na kami papalayo ay sinundan nila kami. Takot na takot na kaming dalawa at hindi namin alam kung saan kami papatungo o magtatago basta ang importante lang samin ni tristan ay ang makatakas kami ng buhay at di nila kami mahuli. Tinawagan ko si leah dahil nag-alala ako kina mama at bobby. Nang sinagot na niya ang tawag ko ay deritso ko agad siyang kinausap. "Leah!" "Justin?" sagot niya sakin. "Nasan ka ngayon?" tanong ko sa kanya. "Nandito na sa bar. Alas sais na! Bakit di ka pumasok? Hinahanap ka ni sir edwin!" sabi niya. "Leah! Please! Nasa panganib ako ngayon! Pwede bang pakibantayan mo sila mama at ang kapatid ko? Kailangan ko ng tulong mo!" pakiusap ko sa kanya dahil baka idadamay ng mga kriminal na 'to ang pamilya ko at ayokong may masamang mangyari sa kanilang dalawa. "Ano?! Nasa panganib ka? Anong nangyari sayo? Nasan ka?" napataas ang kanyang boses dahil sa gulat niya. "Nakasakay ako ng kotse ngayon! Hinahabol ako ng mga kriminal." sagot ko. "Tatawag ako ng mga pulis ngayon para matulongan ka!" sabi niya sakin. "Wag!" pigil ko sa kanya. "Tatawagan ko nalang si christopher!" I said to her. "Sige, Justin! Aalis nako ngayon sa bar. Ako nang bahala kay bobby at sa mama mo." "Maraming salamat, leah! Please, kung sasabihin mo kay mama ang tungkol sakin, wag mo siyang gulatin dahil may sakit siya sa puso. Baka atakehin siya. Kausapin mo siya ng mahinahon at ingatan mo ang mama ko." "Oo, justin! Ako nang bahalang kumausap sa mama mo. Don't worry, iingatan ko siya. Ako nang bahala sa kanilang dalawa." "Okay, bye! Keep them safe, leah!" agad kong pinatay ang tawag at sunod ko namang tinawagan si christopher. Sana naman sagutin niya ang tawag ko. I really need his help. I'm in danger now. "Hello, Justin?" salamat naman sinagot ni Chris ang tawag ko. "Chris! Kailangan ko ng tulong mo!" sabi ko sa kanya. "Bakit? Anong nangyari sayo?" narinig ko sa kanyang boses ang pag-alala. "Hinahabol ako ng mga Dio El Varga! Gusto nila akong patayin! May dala akong tracking device, pwede niyo akong masundan by using GPS! Malo-locate niyo rin kung nasaan ako. Don't worry, nandito ako ngayon nakasakay sa loob ng kotse at may kasama ako." sagot ko kay chris. "Sinong kasama mo diyan?" tanong niya sakin. Sasagutin ko pa sana siya subalit naputol ang tawag nang biglang lowbat ang cellphone ko. Bullshit! "Sino yung kausap mo?" tanong ni tristan sakin. "Humingi ako ng tulong sa mga pulis." sagot ko sa kanya. Isang malakas na putok ng baril ang narinig ko galing sa mga kalabang grupo kaya nagulat kaming dalawa ni tristan hanggang sa bigla nila kaming pinaulanan ng mga bala at pinagbabaril nila ang aming kotse. Agad akong napayuko at nagtago sa upuan. Ikinaliwa't kanan ni tristan ang takbo ng kanyang kotse para iwasan ang tama ng mga bala. Kung saan-saang sulok nalang kami ng syudad napupunta para lumayo at iwasan lang sila. Rinig ko ang sigaw ng mga tao sa labas dahil sa takot nang makita nila ang barilan habang patuloy na hinahabol kami ng mga kalaban. Pagdating namin sa tulay kung saan mas marami ang mga sasakyan ang nandito, mas lalong nagkaroon sila ng chance na mahuli kami dahil sa sikip ng daan at di kami gaanong makaiwas sa kanila. Kinakabahan nako. Nakita ko yung mga pawis at panginginig ng mga kamay ko. Nang biglang bumagal ang takbo ng aming kotse ay ako'y nagtaka kung anong nangyari hanggang sa hininto na ito ni tristan at sya'y tumingin sakin. "Tristan? Bakit ka huminto?" tanong ko sa kanya habang napadilat ang aking mga mata. "Tang ina! Nabutas yung gulong!" galit niya. "Ano?! Ano nang gagawin natin?" kinakabahan na ako pero napabuntong siya nang hininga na para bang wala na kaming pag-asa na makatakas pa. Siya'y sumigaw ng malakas at napasuntok siya sa manibela dahil sa kanyang sobrang galit. Siya'y napailing at napagigil ang kanyang bibig. "Sumuko na tayo. Wala na tayong magagawa, justin." sabi ni tristan sakin. Tama siya. We have no choice. Kailangan na naming sumuko. I need to get myself ready because whatever may happens, I'm ready to die with him. Paghinto ng kanilang sasakyan ay saka naman kami lumabas dalawa sa loob ng kotse at nagpakita na kami sa harap ng mga Dio El Varga. Tinutukan nila kami ng mga baril kaya itinaas namin ni tristan yung mga kamay namin. Nakita ko ang mga taong nagtitinginan sa amin. Takot na takot sila at yung ibang mga sasakyan ay napahinto dahil nagtataka sila kung anong nangyayari. Agad kaming hinuli ng mga kriminal at ipinasok nila kami sa loob ng kanilang kotse. Biglang tinakpan ng mga lalaki ang bibig namin ng panyo at hindi kami makahinga ni tristan. Lalabanan ko sana sila subalit ilang segundo ay nawalan kami ng malay dalawa. Hindi ko na alam kung ano nang nangyari saming ni tristan after what they did to us. Wala nako sa sarili ko at nandilim na yung mga paningin ko. Nawala agad yung lakas ko kaya di ko na makontrol ang katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD