Sa pagmulat ng aking mga mata, napansin kong nasa isang kama ako nakahiga. Di ko alam kung nasan ako kaya dali-dali akong bumangon at ako'y napahawak sa aking ulo ng bigla akong nahilo saglit at nanghina.
Nakita kong nasa isang maliit na kuwarto ako ngayon ng lumang building. Wait, si tristan! Where is he? Nang maalala ko ang nangyari samin dalawa ay agad akong napatayo.
Lumapit ako sa pintoan dahil gusto ko sanang lumabas kaso naka-lock ito. I can't get out! s**t! Natataranta nako. Di nako mapakali. Di ko na alam kung pano ako makakaalis dito! Wait, the tracking device!
Agad kong isinuksok yung kamay ko sa loob ng aking bulsa and thanks god, the tracking device is still here. Akala ko nakuha na nila 'to pero yung cellphone ko, wala na. Hindi ko alam kung nasan na yun.
Siguro naiwan ko dun sa loob ng kotse but I don't care about it anymore. Ang importante ay nandito parin sakin ang tracking device. Sana naman makarating agad dito si christopher at ang mga pulis.
Patingin-tingin ako kung saan-saan na tila ba'y naghahanap ako ng paraan para makatakas sa loob ng kuwartong 'to subalit nagkaroon ako ng pag-asa ng makita ko sa ibabaw ng kisame ang isang manhole.
But it's lock too dahil may mga tornilyo na nagsasarado sa cover ng manhole. There is no screwdriver. I need to find a way. Naghanap-hanap ako ng mga bagay na pwede kong magamit para tanggalin ang mga screw. Nang may natagpuan akong kutsilyo sa ilalim ng kama, agad ko itong inabot at kinuha. Tumungtong ako sa ibabaw ng higaan at lumapit ako sa manhole.
Isa-isa kong pinagtatanggal ang mga tornilyo gamit ang dulo ng kustilyo. Nanginginig parin yung mga kamay ko. Kinakabahan na ako baka mahuli nila ako dito. Nang matanggal ko na lahat yung mga screw, bilis kong binuksan yung pinto ng manhole.
Kumapit ako ng mahigpit sa ibabaw para iangat yung sarili ko habang sinikap ko naman yung mga paa ko na makaakyat sa dingding para deritso akong makapasok sa loob ng manhole.
I give a lot of effort and energy to my body to lift myself up hanggang sa pinagpapawisan nako. Nang makapasok narin ako sa loob ng manhole, gumapang ako sa maliit na tunnel habang hawak-hawak ko parin yung kutsilyo sa kamay ko dahil gagamitin ko 'tong panlaban if incase na mahuli ako ng mga kriminal.
Di ko alam kung saan ako papatungo nito dahil sa dami ng mga pasikot-sikot na lusutan pero hindi ako titigil sa paghahanap ng makalalabasan ko.
Nang matagpuan ko na sa wakas ang exit ng manhole, agad akong lumapit at binuksan ko ito ng dahan-dahan baka may makarinig. Ibinaba ko na yung mga paa ko sa butas at deritso akong lumusot papalabas ng manhole.
Pagbagsak ko sa sahig ay patingin-tingin agad ako sa paligid. Medyo madilim dito sa lumang building na 'to. Kunti lang yung nakikita ko.
May mga yapak ng paa ang narinig ko at napansin kong parang may tao kaya dali-dali akong nagtago. Kailangan kong maghanda. Siguro, ito na yung oras na kailangan kong maging matatag para manatiling ligtas at buhay ako.
I need to force myself to kill a person kahit natatakot ako kasi di pa ako nakapatay ng tao sa buong buhay ko but I need to do this. I need to survive for the sake of tristan's life.
Huminga ako nang malalim at ipinikit ko yung mga mata ko. Anong mang mangyari sakin ay handa na ako. Mamatay man o mabuhay.
Nang makita ko na yung lalaki, merong siyang baril na nakasuksok sa kanyang pantalon. I need to get that kaya bigla ko siyang inatake at balak ko sana siyang saksakin sa tiyan ng kutsilyo subalit nang mahuli niya ko ay agad niya kong sinuntok sa mukha kaya deritso akong bumagsak sa sahig at nabitiwan ko yung kutsilyo.
Lumapit siya sakin at binugbog niya ko. Nasaktan ako ng sobra sa bawat tama ng kanyang kamao sa pisngi ko kaya nilabanan ko siya.
Bubunotin na sana ng lalaki ang kanyang baril subalit sya'y natumba ng bigla kong sinipa ang kanyang tuhod. Binilisan kong tumayo at sinuntok ko siya ng tatlong beses sa mukha.
Dali-dali kong inabot yung kutsilyo at sinaksak ko siya sa hita kaya napasigaw siya ng malakas. Nahirapan siyang tumayo at agad kong ninakaw ang kanyang baril. Kinuha ko ang kutsilyo sa sahig at dinala ko ito bago ako tumakbo papalayo.
Kaliwa't kanan ang tingin ko habang hawak ko na ang baril. Patingin-tingin ako kung saan-saan dahil hinahanap ko kung nasan naba si tristan. Nang may marinig akong boses ay agad na naman akong nagtago.
Sumilib ako ng kaunti at nakita kong may dalawang lalaki. Nagbilang muna ako ng oras at hinanda ko na naman yung sarili ko. Nag-iisip pa ko kung pano ko sila lalabanan. Ilang sandali, naglakas loob na akong hinarap sila at agad kong tinarget ng kutsilyo ang isang lalake.
Tumama ito sa kanyang leeg at sya'y namatay habang yung kasama naman niya ay bigla akong binaril sa binti kaya ako'y napasigaw at natumba. Babaralin pa sana niya ako subalit gumanti ako sa kanya at binaril ko ang kanyang paa kaya siya'y natumba na rin katulad ko.
May nakita akong bato malapit sakin kaya kinuha ko ito. Pinilit ko yung sarili ko na tumayo at lumapit ako sa lalaki na bumaril sa binti ko. Bigla kong hinampas ng apat na beses ang malaking bato sa kanyang ulo hanggang sa nawalan siya ng malay.
Inigaw ko ang kanyang baril at dalawa na ang hawak ko ngayon. I need to save bullets and I don't wanna waste it. Nagpatuloy ako sa pagtakbo kahit nahihirapan na akong makatayo.
Ramdam ko yung kirot sa binti ko dahil sa tama ng bala but I need to be strong. I should keep going.
While I'm running away, I quickly stop when I accidentally meet another one criminal again and I immediately shoot him kaso yung kamay niya yung nabaril ko dahil may biglang tumulak sakin.
Sinuntok ako ng lalaki sa tiyan at ako'y nasaktan sa kanyang ginawa kaya yung isang baril ko ay nabitawan at nang mahulog ito sa sahig, sinipa ito ng lalaki papalayo sakin. Hindi ko nakuha yung baril subalit lumaban parin ako.
Sinuntok ko siya ng malakas sa ilong kaya sya'y napaatras at agad kong ginamit ang isang baril ko. I quickly shoot him in the head at deritso siyang namatay. Napansin kong naubusan na ako ng bala kaya wala nakong nagawa kundi itinapon ko nalang ito.
Yung isa naman na lalaki na may sugat sa kamay ay sinugod niya ko habang may hawak siyang kutsilyo. Sasaksakin na sana niya ako ngunit agad kong pinigilan ang kanyang mga kamay.
Binali ko yung isang daliri niya kaya siya'y napasigaw sa sobrang sakit at nabitawan niya ang kutsilyo. Agad ko itong inagaw at deritso ko siyang sinaksak sa dibdib ng dalawang beses kaya namatay siya.
Laking-gulat ko sa sarili ko ng magawa ko yun pero nilakasan ko parin yung loob ko. Inagaw ko ang baril ng lalaki at ako'y tumakbo papalayo sa kanila.
May narinig akong sigaw ni tristan. Parang isang sigaw ng pagdudurusa. Narinig ko rin ang kanyang pag-iyak at pagmamakaawa kaya nag-alala ako ng sobra kung ano nang nangyari sa kanya.
Ano na kayang ginawa nila kay tristan? Bakit siya umiiyak at sumisigaw ng ganito kalakas? I need to find where is him. Sinundan ko ang ingay niya at hanap ako ng hanap kung nasaan siya.
Napansin kong mukhang malapit na ako sa kanya kaya dahil sa walang tigil kong paghahanap ay natagpuan ko narin ang isang malaking kuwarto kung saan nasa loob siya. May narinig akong mga hampas ng isang bagay na para bang pinagpapalo nila si tristan.
May nakita akong dalawang lalaki na nagbabantay sa labas kaya hindi nako nag-aksaya pa ng oras ay agad akong nagpakita sa kanilang harapan at isa-isa ko silang binaril. Nang mapatay ko na silang dalawa, lumapit ako sa pintoan at sinipa ko ito ng malakas kaya ito'y bumukas.
Pagpasok ko sa loob ay deritso akong tinutukan ng baril ng isang matandang lalaki habang hawak niya sa kanyang isang kamay ang latigo na puno ng dugo. Sa palagay ko siya si Marco Villanueva, isang drug lord at leader ng Dio El Varga.
Nakita ko si tristan na nakabitay sa ibabaw at yung dalawang kamay niya ay nakataas at nakatali ng lubid. Puno ng sugat ang kanyang buong katawan dahil sa mga palo ng latigo at bugbog sarado ang kanyang mukha.
Duguan siya at wala na siya sa kanyang malay. Dahil sa nakakaawang itsura niya ay napaiyak ako. Nasasaktan yung damdamin ko pag nakikita ko siyang ganito na nagluluksa at nahihirapan.
May nakita pa akong apat na mga kriminal dito sa loob at ako'y pinaligiran nila at tinutukan ng baril.
"Well, meron tayong bisita." isang makademonyong ngiti ang ipinakita sakin ng matanda at nanggigil ako sa kanyang pisting mukha.
"Kung gusto mo siyang patayin, ako nalang." I bravely said to that old man subalit tinawanan lang niya ako.
"I never expect that two of you are lovers.
Lalaki sa lalaki? Putang ina kayo." siya'y humalakhak ng malakas sa harap ko.
"Isa kang malaking salut sa lipunan! Ang didiri niyo, mga gago. Now you are here to sacrifice yourself for this piece of s**t? Aha, what a love story. You're not Juliet, honey." sabi ng matanda sakin at sa kanyang mga pananalita ay nainsulto ako at nagalit ako ng sobra sa kanya.
Ang sarap patayin nang taong 'to pero pasalamat siya, di ko magawa yun dahil nanatiling nakatutok parin itong mga baril na nakapalibut sakin.
Dinuraan ko siya sa mukha niya at siya'y nagulat sa ginawa ko kaya dahil sa inis niya ay sinuntok niya ko sa mukha at ako'y natumba. Medyo nahilo ako sa malakas niyang suntok.
Napapunas siya ng panyo sa kanyang mukha at tinitigan niya ko sa mga mata. Ilang sandali ay kinuha niya ang kanyang shotgun sa mesa at itinutok niya ito sakin.
"Ito ba gusto mo, ha?! Ito ba?! Kung ipuputok ko kaya 'tong shotgun sa bungo mo? Tang ina ka, wala kang respeto sa matanda! Alam mo, di ka sana madadamay kung di ka lang pumatol sa walang kuwentang lalaking 'to..." habang patuloy parin siya sa pagdaldal, sa bintana na nasa likod niya ay may nakita akong tao labas.
Nasa ibang building siya at sya'y nasa rooftop kung saan malapit ito dito samin. Nang pinagmasdan ko siya ng mabuti, doon ko nalaman na isa pala itong sniper nang tinutukan niya ng laser ang likod ng matanda.
"Sige! Barilin mo ko! Satsat ka ng satsat, demonyo kang matanda ka! Ituloy mo! Sige na! Putang ina ka, ituloy mo!" matapang na sinigawan ko ang matanda at sya ay nagalit sakin.
"Ay, gago ka ah! " ipuputok na sana niya ang shotgun sa ulo ko subalit nagulat ako ng biglang nabasag ang salamin sa bintana at bumagsak agad sa sahig ang matanda.
Binaril na pala siya ng sniper sa likod niya at ang mga grupo ay nagulat at nagtaka nang makita nila ang nangyari sa kanilang boss. Balak nila sana akong patayin ngunit hindi ito natuloy nang dumating ang mga pulis at sila'y hinuli lahat.
Finally, dumating narin si christopher at dali-dali siyang lumapit sakin. Tinulongan niya kong makatayo at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Salamat naman, nakaligtas ka. Akala ko kung ano nang nangyari sayo." pag-aalala ni chris sakin.
"Don't worry, okay lang ako. Thank you for saving me. I thought huli na kayong makakarating dito. Muntik na sana akong mamatay." lungkot ng aking boses sa kanya.
"Sandali, may sugat ka sa binti mo. Kailangan kang dalhin sa ospital." sabi ni chris ng makita niya ang sugat na tinamo sa binti ko kaya agad niyang inutusan ang isa niyang kasamang pulis na tumawag ng ambulansya.
"Umupo ka muna. Baka mas lalong dumugo pa yang sugat mo." inalalayan ako ni chris at ako'y ipinaupo niya sa upuan.
"Chris, tulongan mo ko na kalagan si tristan."
"Sinong tristan?" nagtaka si chris at siya'y napatingin sa lalaki na nakabitay sa ibabaw at may mga lubid na nakatali sa dalawang kamay niya.
"Siya yung tinutukoy ko. Let's talk about this later. But first we have to save tristan and let's rush him to the hospital right now." I said to christopher kaya agad niyang tinulungan ang walang malay na si tristan.
Pinagpuputol ni christopher ang mga lubid na nakatali sa dalawang kamay nito gamit ang cutter hanggang sa ito'y natanggal lahat.
Maya-maya nang makarating na ang ambulansiya, humingi si chris ng tulong sa kanyang mga kasamahang pulis na kargahin itong si tristan at idala dun sa ambulansya.
Tinulongan ako ni christopher na tumayo at ako'y inalalayan niya habang papalabas na kami ng building. Yung ibang mga pulis ay nandun pa sa loob para e-check nila ang building kung meron pa bang mga nagtatagong suspect.
Nang maipasok na si tristan sa loob ng ambulansiya, sumama narin ako at sumakay.
"Pupunta din ako sa ospital mamaya. Hintayin mo ko." saad ni christopher sakin.
"Sige, ingat ka dito." tugon ko sa kanya at siya'y tumango.
Nang umandar na ang sasakyan, sinarado na ng driver ang pinto at pumunta na si chris dun sa kanyang mga kasamahang pulis at inaasikaso nila yung mga kriminal na grupo.
Bumiyahe na kami papuntang ospital at ginamot na ng paramedic ang sugat sa binti ko. Thanks god, we're still alive. Masaya ako ngayon dahil kasama ko na si tristan subalit may halong lungkot parin sa puso ko dahil sa kanyang kalagayan ngayon.
Habang ako'y nakaupo, hinawakan ko ng mahigpit ang isang kamay niya at ako'y napaiyak. Pero kailangan kong maging positive at iisipin kong magiging okay rin siya. Ang importante ay buhay si tristan at ligtas.