Chapter 19

1209 Words
Nang makarating narin kami dito sa ospital. Dinala agad si tristan sa emergency room habang nasa labas ako naghihintay at nakaupo sa wheelchair. Maya-maya, nakita ko sila mama at ang kapatid ko, kasama na din si leah na paparating dito sa emergency room at nakita ko si mama na umiiyak habang nagmamadali siyang lumapit sakin. "Anak! Diyos ko, salamat naman buhay ka." pag-alala ni mama at niyakap ako ng mahigpit. "Okay lang ako, ma. Wag na kayong mag-alala." sabi ko sa kanya habang patuloy pa din sa pag-iyak si mama. "Bakit niyo po nalaman na nandito ako?" tanong ko kay mama subalit si leah ang sumagot. "May pumunta na pulis dun sa bahay niyo at ipinaalam niya samin ang tungkol sayo at kung nasan ka ngayon kaya agad kaming pumunta dito para makita ka." sabi niya sakin. "Thank you, leah ha kasi tinulongan mo ko." pagpapasalamat ko sa kanya dahil sa kabaitan niyang ipinakita sakin. "Ano ka ba! Wag kanang mag thank you sakin. Nasa panganib yung buhay mo kaya anumang mangyari ay handa kitang tulungan." sabi ni leah at ako'y ngumiti sa kanya. "Kuya, nag-alala po ako sa inyo. Sa susunod po mag-ingat na kayo." lungkot ni bobby sakin kaya lumapit siya at niyakap niya rin ako. "Okay lang ako, Bob. Wag kanang malungkot. Matatag si kuya, alam mo yan." "Alam ko po, kuya." sagot ng kapatid ko at hinalikan ko ang kanyang noo. Ipinaliwanag ko na sa kanila ang tungkol sa relasyon namin dalawa ni tristan at pati narin sa balak na pagdakip samin ng mga Dio El Varga. I tell to my mother everything about tristan and now hindi niya inakala na si tristan ay isa palang kriminal noon pero ipinaintindi ko sa kanya na isa lamang siyang biktima at nagbago na siya ngayon. Nang mailagay na si tristan sa kanyang room ay agad kaming pumunta doon habang si mama yung tumutulak sa wheelchair ko. Pagdating namin ay agad kaming pumasok sa loob at nakita kong nasa mabuting kalagayan na si tristan ngayon subalit napapansin kong mahina pa rin siya at matamlay. Lumapit kaming apat sa kanya at ako'y ngumiti kay tristan. "Justin." matamlay niyang boses at hinawakan niya ang aking pisngi habang nagkatitigan kami sa isa't isa. Napatulo tuloy yung luha ko dahil sa awa ko sa kanya. Nakita ko sa kanyang buong katawan na nabalutan siya ng bandage dahil sa dami ng mga sugat na tinamo niya at may mga pasa pa sa kanyang mukha. "Magpakatatag ka, tristan." malungkot kong sinabi sa kanya at siya'y tumango sabay ngiti sakin. "Alam ko, kaya nga nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sakin." he said. "You're wrong." sabi ko sa kanya. Napakunot ang kanyang noo at nawala ang kanyang ngiti. "What do you mean?" nagtaka si tristan. "Christopher save our lives. Kung hindi dahil sa kanya, mamamatay tayong dalawa. I tried my best to save you but I was failed that's why we have to thank him." hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. May taong biglang pumasok sa loob kaya kaming lahat ay napatingin sa kanya. "Goodevening po sa inyo." bati ni christopher sa amin at si mama ay tumingin sakin. "Um... anak, siguro lalabas lang muna kami ni bobby at leah ha para makapag-usap kayong tatlo." sabi ni mama sakin. "Sige po." sagot ko sabay tango sa kanya. Paglabas nilang tatlo ay saka naman lumapit sakin si christopher at ako'y kinausap niya. "Nakakulong na yung apat na mga kriminal at pati narin yung mga sugatan so there's no need to worry about." balita sakin ni chris. "So, tell me, magka ano-ano ba kayong dalawa?" he curiously ask me. "May relasyon kaming dalawa ni justin." si tristan yung sumagot instead na ako. Natahimik si christopher sa kanyang narinig at wala siyang masabi. Siguro naintindihan na niya ang lahat at kung ano ang rason bakit tinanggihan ko ang kanyang panliligaw sakin kaya alam kong nasaktan na naman siya ngayon kasi nakita ko yung pagkabigo sa kanyang mukha. "I'm sorry." humingi ako ng tawad kay chris dahil naawa ako sa kanya at ako'y nadala na naman ng konsensya ko. "No, I understand. Malinaw na sakin ang lahat, justin. It's okay." ngumiti siya sa akin pero hindi ako naniwala sa ngiti na iyon dahil alam kong nadudurog na yung puso niya. "Anyway, pasalamat ka tristan dahil wala ka sa listahan ng mga target sa grupo ng Dio El Varga, kundi kasama kana ring makukulong kung nananatili ka parin sa grupo nila. Matagal kana pala daw sumuko ayon sa mga nakausap kong mga suspect." kuwento ni chris sa kanya. "Tama ka. Matagal nakong sumuko pero dibale, salamat chris kasi niligtas mo kami ni justin." "Walang anuman. Ginawa ko lang yun para sa taong mahal ko." sabi ni christopher kay tristan at nang maintindihan ko na kung sino ang kanyang tinutukoy ay ako'y napatingin sa kanya. "Ngayon ko lang nalaman na mahal mo rin pala si justin." sabi niya kay chris. "Yes, totoo yan. Pero hindi naman siya magiging sa akin dahil ikaw yung pinili niya so I decided that I should better let him go because he deserves you. Promise me, ingatan mo si Justin." nang marinig ko ang kanyang sinabi ay nakaramdam ako ng pag-alala dahil baka iiwan na ako ng tuloyan ni christopher kaya naisip kong kausapin siya tungkol dito. "What do you mean? Tatapusin mo na ba yung friendship natin?" tanong ko kay chris. "No, I won't. Hindi ko kakalimutan ang friendship natin dalawa but I think right now we need space for each other. Gusto ko na maging happy kayong dalawa at magkaroon kayo ng magandang buhay. Gusto lang kitang parayain para maka-move on na rin yung nararamdaman ko sayo. Don't worry, I'm still here to support you. What ever may happens, I'm still your best friend." sagot niya sakin. "Thank you, chris. Salamat sa pagmamahal na binigay mo sakin kahit na sinayang ko yun lahat. Alam kong nasasaktan ka ngayon dahil sakin kaya I hope you find someone better than me. A person who deserves for your love and who doesn't waste your effort." sabi ko kaya mas lalong bumuhos yung luha ko dahil sa hanggang dito nalang pala yung pagkikita namin dalawa. "Can I hug you before I go?" he asked so I hug him tightly as we both cried to each other. "Goodbye." he whispered to my ear. "Sorry." I apologize again. Pagkatapos nang aming mahigpit na yakap sa isa't isa ay pinunasan namin yung mga luha namin at kami'y nagtawanan dahil sa pagiging emosyonal namin dalawa. "Ano ba yan. Wag na nga tayong umiyak." sabi ko kay chris habang nakangiti ako sa kanya. "Oh sige, Justin. Aalis nako. I have to go. Di nako magtatagal pa." paalam niya sakin. "Sige. Ingat ka." saad ko. "Ikaw din." sagot niya. "Paalam din sayo tristan. Nice to meet you nga pala. Pagaling ka." sabi ni chris sa kanya. "Sige, salamat uli chris. Don't worry, I promise you, iingatan ko si justin." ngiti ni tristan sa kanya. "Thank you." pagpapasalamat ni chris bago siya tumalikod at umalis sa loob ng room. I'm still worried about christopher. Talagang napakalungkot ng kanyang mga mata at alam kong nahihirapan siyang iwan ako. Sana maging okay na siya and I hope mahanap na niya ang tunay na ligaya because he deserves that.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD