Ilang beses ko nang ni-rewind ang tape pero hindi ko pa rin maipaliwanag ang bigat na bumalot sa dibdib ko. Nakaupo ako sa sahig ng kwarto, sa paanan ng kama, hawak ang cassette player na tila ba may buhay. Pinikit ko sandali ang mga mata, habang sinubukang huminga nang malalim.
“Gabo… kung pinapakinggan mo ‘to… ibig sabihin wala na ako.”
Alam ko ang boses ni Pia. Iyon ang boses na ilang beses akong pinatahan, sinabihan ng “kaya mo ‘yan.” Pero sa tape na ‘to, may ibang laman ang tinig niya—hindi ito ‘yung Pia na iniwan ko. Ito ang Pia na parang may pinipigilan. May tinatago.
At ang mas nakakagulo ng isip ko—hindi siya ang huling boses na narinig ko sa tape.
Pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan, sumingit ang isang boses na lalaking malalim, malamig, at hindi ko kilala. May bahid ng pagpigil, pero may pagbabanta.
“Pia, may oras ka pa.”
Napamura ako.
“Put—sino ‘yon?”
Tumigil ako. Parang may pumasok na sipon sa loob ng bungo ko. Hindi ko alam kung guni-guni lang ba ‘to, o kung totoo nga ang lahat.
Hindi ito guni-guni. Pinatugtog ko ulit. Pinause. Tapos, inulit na naman. Ang boses sa tape. Boses ni Pia. At ang lalaking ‘yon. Hindi ko siya kilala… pero may kung anong pakiramdam na parang matagal ko na siyang narinig.
Saan?
At bakit alam niya ang tungkol sa akin? Sa amin?
“Who the hell are you?” bulong ko sa recorder, as if the damn thing would answer back.
Pinindot ko ulit ang rewind. Hininaan ko ang volume. Doon ko narinig ng malinaw—yung lalaking boses… may diin. May urgency.
“Sabihin mo sa kanya ang totoo.”
“Sabihin ang ano?” tanong ko habang nakakunot ang noo.
Tumayo ako. Naglakad-lakad. Paikot-ikot. Sabay napakapit ako sa ulo ko.
“Hindi ‘to totoo. Hindi ‘to nangyayari.”
Pero totoo. Totoong may tape. Totoong may ibang boses bukod kay Pia. Totoong may sinasabi siya na hindi ko maintindihan pa.
At kung may totoo sa lahat ng ‘to… ibig sabihin may bagay nga akong hindi pa rin alam.
At maaaring… hindi ko rin matatanggap.
CLICK.
Pinaandar ko ulit ang tape. Paulit-ulit. Hinigpitan ko ang hawak sa cassette player habang nakasandal sa pader.
“Gabo…”
Narinig ko ang bahagyang panginginig sa boses niya. Hindi ito tulad ng dati. Hindi talaga ito ang Pia na kilala ko.
“…kung pinapakinggan mo ’to, ibig sabihin wala na ako.”
“Wala ka na?” bulong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko. “Anong ibig mong sabihin, Pia?”
Tumigil ako. May bahid ng takot sa bawat pantig. Parang may gustong sabihin si Pia… pero hindi niya masabi. O baka… hindi siya pinayagan.
“Gabo… may hindi ka pa alam.”
Napaatras ako. Nakapikit ako, hawak ang sinturon ng pantalon ko para hindi ako manginig. Ilang segundo akong nakatulala.
“Sabihin mo na, Pia…” bulong ko. “Ano ‘yung hindi ko alam?”
Wala. Katahimikan ulit.
Hindi ko alam kung mas mabuti pang wala akong marinig… o masaktan sa katotohanan. Pero ang ayaw ko—ang kinatatakutan ko—ay ang posibilidad na ako ang dahilan kung bakit hindi niya nasabi ang totoo.
Biglang bumasag sa katahimikan ang isang boses. Lalaki. Malalim. Matalim.
“Pia, may oras ka pa. Sabihin mo sa kanya ang totoo.”
Napaatras ako, parang may suntok na dumapo sa dibdib ko.
“Sino ka?!” sigaw ko sa tape. “Sino ka?!”
Pero syempre, wala akong sagot na nakuha. Tanging tape recording lang. Pero ‘yung boses na ‘yon… hindi ko alam kung bakit, pero parang… narinig ko na dati. Sa panaginip? Sa alaala? O…
Sa sarili kong isipan?
Lumipat ako ng upo sa gilid ng kama. Hawak pa rin ang player. Basang-basa na ng pawis ang palad ko. “Bakit, Pia?” bulong ko.
Kung ganito kabigat ang laman ng tape… bakit hindi niya nasabi sa akin noong buhay pa siya?
O... kung buhay pa nga ba siya?
Baka hindi pagtataksil ang ugat ng lahat. Baka may mas malalim pa talagang dahilan. Isa bang pangako? Pagtatanggol? O takot?
At kung ganon… kanino siya natatakot?
FLASHBACK:
“Gabo…” bulong niya habang nakaunan sa dibdib ko. “Kung may gawin akong mali, matatanggap mo pa rin ba ako?”
“Anong klaseng tanong ’yan?” ngumiti ako noon, hinawakan ang pisngi niya. “Bakit, anong gagawin mo?”
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin, parang may gustong sabihin pero pinipigilan. Noon, inakala kong drama lang. Pagod. Emosyon. Walang malalim na dahilan.
Pero ngayon… ngayon ibang-iba ang tingin ko sa eksenang ’yon.
Ang takot sa mata niya. Ang lamig ng kamay niya. Ang paraan ng paghaplos niya na parang huling beses na.
RRRRRT.
Napatalon ako. Ang cassette player ay nahulog sa sahig. Tumunog ang cellphone ko.
UNKNOWN NUMBER.
Napatingin ako sa screen. “Hindi… huwag ngayon. Hindi pa ako handa.”
Pero hindi ako pinakikinggan ng mundo. Tumunog ulit. Mas malakas.
Huminga ako nang malalim. Pinulot ang cassette player. Tinitigan ang telepono.
Tila ba may pulso na tumutugma sa ringtone. Parang kinakausap ako ng mga alaala.
Pinindot ko ang green button. Dahan-dahan.
“Hello…?”
Mahina kong sambit, pilit kong pinipigilan ang panginginig ng boses ko habang nakatitig sa lumang cassette sa aking kamay.
“Gabo.” Malalim. Mabagal. At pamilyar… pero imposible.
Napako ako sa kinatatayuan ko. Parang nilamig ang buong katawan ko. “Sino ‘to?”
“Hindi mo na dapat binalikan ang apartment.”
“P—Pia ba ’to?” bingi kong tanong, kahit malinaw na hindi babae ang kausap ko sa kabilang linya.
Tahimik.
“Kung alam mo lang kung anong sinimulan mo…”
Napatayo ako. “Anong sinimulan ko?!” sigaw ko. “Anong ibig mong sabihin?!”
Ngunit ang boses ay hindi na nagsalita. Tumigil ang hangin sa paligid.
“Gabo,” sabi ng lalaki muli, mas malamig na ngayon. “Dapat hindi ka na bumalik.”
“Bakit?! Sino ka ba ha?! Bakit mo alam ang pangalan ko?!”
Hindi na siya sumagot.
Lumapit ako sa bintana. Wala. Katahimikan sa labas. Pero may naramdaman akong gumagapang sa batok ko. Parang may nakatingin mula sa dilim.
“Kung hinahanap mo ang totoo…” bulong ng boses bago tuluyang nawala, “handa ka bang tanggapin kung sino ka talaga?”
Napasigaw ako, “Sino ka ba talaga?!”
Pero ang sagot ay hindi na dumating. Tanging ingay na lang ng linya ang naiwan.
Hawak ko pa rin ang cassette habang nakatitig sa teleponong muling naging tahimik. “Sino ka…” mahina kong ulit.
Napaupo ako sa sahig, sa gitna ng mga nakakalat na alaala. Tape, sulat, litrato. Para silang puzzle pieces na hindi magtagpo-tagpo.
Pumikit ako. Ang tunog ng boses ni Pia kanina—malambing pero halatang pagod na pagod. At ang boses ng lalaking ’yon—matinik, matalim, parang may galit.
May sinasabi sila pareho, pero may hindi sila kayang sabihin.
“Anong ginagawa mo sa’kin, Pia…” bulong ko, “ano ba talaga ang iniwan mo sa akin?”
Tumunog ulit ang phone. Isang segundo lang. Parang glitch. At bago tuluyang mawala ang linya…
…narinig ko siya.
“Gabo…”
Tumigil ang mundo ko.
“Pia?!” halos mapasigaw ako. “Pia, ikaw ba ’yan?!”
Pero ang tanging tugon… ay hikbi.
Mga hikbing malalim. Sinasakal. Hindi iyak ng taong natatakot—iyak ng taong alam niyang wala na siyang pagpipilian.
“Pia! Sabihin mo sa’kin nasaan ka!”
“Gabo…” mahinang ulit niya. “Patawarin mo ’ko.”
Click.
Nag-blackout ang cellphone ko. Walang signal. Walang baterya. Walang sagot.