Isa: Taong gubat

1800 Words
“SUMAKAY KA NA SA LIKURAN KO. DALIAN mo na!” Nag-aalangan man ay wala na akong ibang nagawa kundi ang sundin ang lalaking kasama. Tama naman siya, eh. Wala kaming ibang pupwedeng gawin lalo pa't nagkasugat-sugat na rin ang mga paa ko dahil sa ilang beses kong pagbagsak sa lupa na mayroong sandamakmak na mga maliit na bato. Toti ang pangalang ipinakilala sa akin ng lalaki. Mahina man ang pagtitiwala ay sinubukan ko na ring sumugal. Hindi man kilala ay isa lang ang alam ko, parehas kaming may tinatakbuhan. Parehas kaming may tinatakasan. Sa ganoon ay mas napalagay ako. Hindi naman siguro ako nito ipapahamak dahil kailangan naming magpatuloy. Nagmamadali akong sumakay sa likod niya. Sinigurado ko ring nakahawak ako nang maigi. Mahirap na at baka mamaya sa sobrang lampa ko, kahit na nakasakay ako ay mahulog pa rin ako sa dinadaanan naming matutulis na bato. Ayokong mamatay. Iyan lang naiisip ko sa sitwasyong ito kaya kahit magkasugat-sugat man ang paa ko, hindi ko na iindahin. “Bakit ka tumatakbo?” kuryusong tanong ko kay Toti na mukhang desididong-desidido ngang makalayo. “May hinahabol ako,” sagot niya. Hindi na ako umimik lalo pa't wala ako sa lugar para mang-usyoso. Mahirap na rin kapag ibinalik niya ang tanong na iyon sa akin ay baka hindi ko rin masagot. “Ikaw?” Sandali siyang napahinto. Sumulpot na naman tuloy ang kabang kanina ko pa binabaon sa kung saan. Baka mahabol kami ni papa! Baka mapatay niya ako! “Bakit ka tumatakbo?” Napalunok muna ako ng ilang beses at saka nakahinga nang maluwag noong nagpatuloy na siya sa paglalakad. Inisip kong magtatanong siya kaya para akong nabunutan ng tinik sa bigla na nitong pananahimik. “May humahabol sa akin,” mabilis kong sagot. Death. Hindi na rin naman nang-usyoso pa si Toti kaya naman mabilis ding natahimik ang paligid. Doon ko nagsimulang maisip ang ginawa. Tumakbo ako paalis ng bahay ng walang kahit anong dala. Tumakbo ako paalis ng bahay at sa kakahuyan ko pa napiling tumakbo. It wasn't a great idea but atleast I tend to survive, right? May kaonting pagsisi man ay wala na rin akong oras para umatras at bumalik. Siguro, ilang araw lang naman. Ilang araw lang at babalik rin ako sa amin dahil paniguradong kalmado na ang lahat. Ang kailangan ko na lang ngayon ay ang panindigan ang sinasabi ko. Ang sana lang, may babalikan pa ako. Tumakas ako sa bahay na hindi man lang plinano nang maayos ang sarili. Wala akong kahit katiting na plano — ang gusto ko lang ngayon ay makaalis. Ang kailangan ko lang gawin, tandaan ang mga dinaanan namin ni Toti para maging madali sa akin ang paglabas sa kagubatan. Medyo mahirap-hirap lang iyon lalo na dahil gabi at sobrang madilim na. “Alam mo ba 'yung dinadaanan natin, ha?” bulong ko sa lalaking kasama. Kanina pa kasi kami naglalakad pero wala ako ni isang ideya kung titigil pa ba kami. Sa telebisyon ko lang nakikita ang mga lugar na katulad nito pero talaga pa lang nakakakilabot. Katulad sa napapanood, parang parati itong pinamamahayan ng kung ano. “‘Wag mong tatakutin ‘yung sarili mo, baka mamaya atakihin ka dyan bigla.” Hindi ko man ganoong kilala ang lalaki ay nakatanggap pa rin ito sa akin nang malakas na batok. “Sino naman ang nagsabing natatakot ako?” puno ng pagmamalaki kong sabi. Doon ay mabilis niya akong inutusang bumaba. Nag-alala rin ako na baka masyado akong mabigat kaya sinunod ko siya. Mabilis ang naging pagbaling nito sa akin, saka biglang nanlaki ang mga mata. “S-Sino yang nasa. . .” Huli na para tuluyan niyang matapos ang sinasabi dahil kumaripas ito agad ng takbo. Sa sobrang pagkataranta ay pumalahaw ako ng sigaw habang nakapikit ring tumatakbo. Mayamaya pa ay mahihinang halakhak na ang naririnig ko mula kay Toti. “Priceless!” Inirapan ko lang siya saka patuloy na naglakad. Bakit niya naman ako bibiruin ng gano'n? Close ba kami? Napipikon na ako kaya pinili kong mas bilisan ang paglalakad. Paano ba naman kasi hindi pa rin siya nakakamove-on na ginawa niyang nakakatawa 'kuno'? Nagliwanag ang mukha ko nang may nakita akong malaking bahay sa malapit. Sarado na ang ilaw sa loob pero maliwanag pa rin ng malaking ilaw sa labas ang bahay. Gusto ko pa sanang matakot at isiping nasa isang horror film ako kaya lang kulay sky blue ang bahay. Definitely a cutie! Nagtatatakbo ako gamit ang pagod at sugat-sugat ng mga paa. Nakasunod naman sa akin ang tahimik ng si Toti pero mukhang excited rin sa bahay na nakita. Katulad ko, mukhang hindi rin siya natakot makakita ng bahay sa gitna ng kakahuyan lalo na't sky blue ang kabuuang pintura nito. “This. . . is weird,” ani Toti nang makarating. “Mas weird ka!” singhal ko naman at pinagplanuhan na ang pagkatok. Medyo nakakahiya lang dahil gabi na at paniguradong tulog na rin ang tao sa bahay na ito. Hindi katulad sa inaasahan, pagkatapos lang ng tatlong katok ay bumukas na ang pinto at niluwa nito ang isang makisig na lalaking wala pang saplot pang itaas. Dali-dali akong sumigaw at nagtakip ng mata. Bahagya pa nga akong nabatukan ng pesteng si Toti dahil napaka-OA ko raw. “Saan ka ba sumigaw? Sa gulat o sa abs nung lalaki?” bulong pa nito sa akin na hindi ko na lang pinansin. You see? Mukhang kailangan ko ng balde-baldeng pasensya sa lalaking ito. Kakakilala ko pa lang pero masyadong feeling close. Kung hindi ko lang tinuturing na utang na loob ang pagbuhat nito sa akin ay pinaalis ko na ito ngayon din. “Calm down. Isang sigaw pa maririnig na kayo ng mababangis na hayop dyan sa labas at lalapain na lang kayo bigla,” seryosong sabi ng lalaki sa loob ng bahay na naging dahilan ng mabilis na pamumutla ko. “Camping?” pagtatanong pa nitong muli. “Ah. . .” “Yes. Actually, nawawala po ata kami kaya nu'ng nakita namin 'tong bahay. . . agad kaming nagpunta. Medyo gabi na rin po kasi,” tuloy-tuloy na sabi ni Toti na hindi na ako binigyan ng pagkakataon para magsalita. Doon ko lang naisip ang ginawa niya. Mabuti nga’t pinigil ako nito sa pagsasalita dahil paniguradong madudulas ako at ikakanta ang katotohanan. “I see. Pasok kayo,” sabi ng lalaki na may ngiti sa mga labi. Natatakot man sa posibleng mangyari ay wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod. “Kulay sky blue ang bahay, Aira. Pangit naman kung sky blue ang bahay ng isang serial killer,” nagawa ko pang biruin ang sarili. Tahimik kaming pumasok sa lugar at mas lalo lang akong nakampante. Malinis ang lugar at talagang tinitirhan. Hindi ito abandonadong lugar kung saan nagtatago ang kung sino mang aswang o ano. “Sanay na akong may nawawalang campers tuwing gabi. Masyado kasing malawak ang kagubatan, marami ring pasaway na bata.” “Hindi ho kami pasaway,” saad ko na ikinatawa lang ng dalawang lalaking kasama. “I'm Maxwell, at talagang dito ako sa gitna ng kagubatan nakatira. Medyo weird lang pero actually. . . nag-i-enjoy naman ako rito. Isa pa, parang nagmistula lang akong 24/7 inn dahil sa mga campers,” paliwanag pa nito. Inabutan niya kami ng juice na nasa tetrapack at malilit na mga brownies na makikita mo rin sa supermarket. “Iyan rin talaga ang binibigay ko sa lahat. Noong una kasi, binibigyan ko ng lutong pagkain. . . takot na takot at baka raw lasunin ko kaya, kapag nagpupunta ako sa syudad, bumibili na ako ng mga ganyan.” Nginitian ko lang siya, medyo nahihiya rin kasi ako lalo pa't masyado siyang mabait. Magtatanong pa lang sana ako kay Toti pero nang bumaling ako rito, tinatabi na niya ang balot ng brownies na hawak niya. “Kinain mo na?” Ngumiti lang ito sa akin at nag-aprub sign, “Gutom ako, eh.” Bumagsak na lang ang balikat ko sa kawalan ng pag-asa kay Toti. Hindi ko alam kung saang lupalop ito ng mundo galing at parang alien − sa kilos maging sa pagsasalita. Itinuloy ko ang pagkain kasabay ng pakikinig sa mga kwento ni Maxwell. Ayon sakanya, siya na lang raw ang mag-isang nakatira sa bahay pero hindi naman daw siya naiinip lalo pa dahil wala siyang ibang ginawa kundi manood sa Netflix o hindi naman kaya mga vlogs, bukod pa sa trabaho nito. “Teka, may wifi ka? May signal rito?” hindi makapaniwala kong sabi. Sino ba naman kasi ang maniniwala? Kailan pa nagkaroon ng signal sa gubat? “Mayro’n! Gusto mo maki-connect ka pa, eh. Pwede niyo gamitin 'yun para i-chat 'yung mga friends niyo at magpasundo," sabi nito habang kumakalikot na sa laptop. “Hey! Alam mo kung bakit meron? Hindi naman kasi malayo ang lugar na ito sa syudad. Isa pa, hindi rin ito nasa matarik na bundok!” Napaisip ako roon, may punto nga siya. Masyado rin talaga akong naging judgemental. “Ano na? Go get your phones and iko-connect ko kayo sa−” “Wala po kaming phone.” Kasabay ng pagsasalita kong iyon ay ang pagbaling ko kay Toti na ngayon ay humihilik na kahit nakaupo lang ito. Napagod siguro sa pagtakbo. “What do you mean wala? Saan ba talaga kayo galing?” Naningkit ang mga mata nito na para pa akong sinisindak bago tumawa. Agad kong tinutop ang aking bibig. Alam ko sa sarili kong hindi ko dapat magtiwala sa kung sino kahit pa sobrang bait nito sa akin − sa amin. “Please. Let us stay for a while,” sabi ko na lang lalo pa at iyon naman talaga ang pakay ko maging si Toti. Nabigla roon si Maxwell katulad ng inaasahan ko. Ilang segundo niya kaming sinuri pagkatapos ay ngumiti. “Minor de edad ka? Baka kasuhan naman ako ng mga magulang mo niyan,” sabi nito na siyang nginitian ko lang. *** Maaga akong nahimigmigan mula sa pagtulog noong may malakas na katok akong narinig. Hindi pa lumalabas ang haring araw, may nambubulabog na. Agad kong pinilit ang sarili kong tumayo saka lumabas sa maliit na kwartong pinaukupa sa akin ni Maxwell kagabi. Si Toti naman ay nanatili sa isa pang kwartong naroon. Tatlo ang kwarto rito pero si Maxwell pa lang ang nakikita ko. Tiyak na mas matanda ito sa amin kaya posibleng may pamilya na ang lalaki. Sa laki ng bahay ay hindi mo iisiping mag-isa lang ang naninirahan dito. Hindi ko na rin nagawang makapagtanong pa kagabi dahil na rin siguro sa pagod at antok na nararamdaman. “See? Buhay ka, Aira. Maxwell is a good person,” kumbinsi ko sa sarili ko noong kahit paano ay may napatunayan. Kung masama itong tao, siguro naman hindi ko na nagawang imulat ang mga mata ngayon, hindi ba? Gulo-gulo akong naglakad papalapit sa pinto. Mukhang tulog pa ang mga kasama ko kaya wala akong choice kundi pagbuksan ang kung sino mang nang-iistorbo ng tulog. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad na sa akin ang isang napakalakas at matinis na hiyaw kaya wala akong ibang nagawa kundi magsisisigaw rin. Bwisit na buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD