Chapter 04
Transferees
Felicia's Point of View
"You shall belong to me."
Napabalikwas ako sa pagkakahiga, napatakip naman ako nang matamaan ako ng sinag ng araw. Inabot ko ang cellphone ko, pagbukas ko ay 6:53 AM na!
Kaagad akong tumayo, kamuntikan pa akong nadapa dahil sa pagmamadali, at saka nagkalat na naman 'yong pusa ng anak ni Nani, mahilig pa naman magbuhat ng kung ano 'yon. Iniwan ko rin kasi 'yong veranda na nakabukas, nagbrownout kasi kagabi, mainit.
Nagmadali na akong maligo nang makapasok ako sa CR, maligo na lang ulit ako pag-uwi ko. Oh, bakit, maganda at mabango pa rin naman ako kahit ilang araw akong hindi maligo! At saka nagshower naman ako kagabi.
"'Yong pusa niyo pala, Nani, nagkakalat sa kuwarto ko. Nadapa ako kanina, nagkasugat pa nga ako sa tuhod," nakabusangot na sumbong ko at saka sumubo ng tinapay.
"Anong pusa? Wala akong pusa-eh, eh, eh," tinapik niya ang kamay ko at kinuha ang tinapay na ibinulsa ko. "Umupo ka diyan, at kumain ka. 'Wag ka ngang nagmamadali, pangit sa babae ang nagmamadali, Felicia, ah." Panenermon niya sa akin, wala akong nagawa kung hindi umupo, kahit ilang segundo na lang ay malalate na ako.
"Eh sino 'yong nagkalat sa kuwarto ko? Impossible namang ako, eh, alas siyete pa lang ay nakatulog na ako. Eh, baka si Art, hindi ako naglock ng kuwarto."
"'Wag ka, mapagbintang kang bata ka! Alas sais pa lang, natutulog na ang anak ko, he! Eh baka naman 'yong pusa ng kapit-bahay natin. Nagtabi pa nga sila ng aso niya, ikaw," napangiwi ako. Tinatakot na naman ako ni Nani, eh.
"Tinatakot mo na naman ako, Nani, eh. Eh, sinong nagkalat doon? Sige ka, ipatawag ko si Ed Caluag! Hindi naman kasi nakakapasok 'yong mga pusa nila sa gate. Itanong ko nga si Tita Kath," natatawa niyang inilapag ang tinimplang kape para sa akin. "Kapag ako, nagpatawag ng Padre dito-"
"'La ka! Sino 'yang nandiyan sa likuran mo?!" Napatalon ako sa gulat. Napahawak ako sa dibdib at napatingin sa likod. Tumatawa niya akong tinapik. "Napakamagugulatin mo, ah. Kape ka kasi nang kape, eh,"
"Sinong nagtitimpla ng kape para sa akin?" Tanong ko at nagtaas ng kilay.
"Ako," napangisi ako.
Napahinto ako sa paglalakad nang matanaw ko na ang gate ng SIS, isang elite na eskwelahan para sa magaganda at mayayaman na katulad ko. Wala ng estudyanteng nakakalat, ako na lang.
Ipinakita ko lang ang ID ko sa guard at saka ako pinapasok. Tinanong pa nga ako ni Kuya guard kung bakit ngayon lang ako, sabi ko, traffic kahit hindi naman.
I sighed, caressing my arms when the wind touched my skin. Pakiramdam ko lang ah, kahit hindi sabihin sa akin ng hangin ay crush niya ako. Sayang lang at hindi ko siya macrushback, hindi ko siya nakikita eh.
Napataas ang isang kilay ko nang magsimula na namang magbulungan ang ilang estudyante sa pasilyo ng floor namin. Hindi ko na lang sila pinansin at dumeretso sa classroom.
"Kahit anong pangit ng araw, kung may magandang kagaya niya, parang wala lang, eh."
I smirked.
Napahinto ako sa paglalakad at napakamot sa leeg nang makasalubong ko si Kasandra. Napataas ang isang kilay nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Bakit ka mag-isa?" parang nag-aalang sabi niya. "Oh, palagi ka palang mag-isa, I'm sorry,"
Napangiwi lang ako. "Gusto mo bang sumali sa grupo ko-COF ko pala? Sige na, Felicia, may space pa naman, 'wag kang mahiya." Tumawa ang dalawang alipores niya.
She called that a COF kung sumusunod lang naman sila sa babaeng 'to at parang kontrolado niya ang moves nila? What a fool. "Okay naman na siguro sa'yo ang maging tagabuhat ng gamit ko 'no?"
"Seryoso ka ba, Kasandra? Nakakahiya naman. Thank you!" Sarkastik na tumawa ako. "If you don't have something sensible to tell me, just don't disturb me. Naghahanap ka lang ng sakit ng ulo, alam mo ba 'yon?" Tinapik ko siya at saka nilagpasan ang babae. "Anyways, ito oh, five pesos, treat yourself."
"I always dislike you, Felicia, kasi palaging kulang 'yong binibigay mo!" She demanded. "Next time, don't give me kasi baka maawa lang ako sa'yo! You poor!" hindi na lang siya magpasalamat at mayroon, wala talaga siyang human decency.
I sighed, pumasok ako ng classroom at dumeretso sa upuan ko. Not paying attention to my classmates. Naglagay ako ng earphones at nakinig ng music. Wala, ayoko lang marining ang walang kwentang opinion nila.
Pilipinas talaga, makapag-Japan nga bukas. Kung hindi puwedeng magboyfriend ng maaga, magboyfriend ng hapon.
'I'm Kuya, Janria... Ku-ya.'
"Aaah," I growled after hearing that.
I shook my head.
"Shet, rold! Bakit ganito, napakaaga pa para mabuntis!" Sigaw ng isang kaklase ko, malakas na nga ang volume, naririnig ko pa rin sila.
Napatingin ako sa pinto nang pumasok ang titser namin, kasama ang-sandali nga, napakarami naman yata nila? At saka ngayon ko lang sila nakita dito. Napakunot ang noo ko, napagawi ang atensyon nilang lahat sa akin nang makitang sa akin sila napatingin.
I raised an eyebrow. "What?"
My classmates started screaming after knowing that they are transferees. At sa section namin sila. Napairap ako, napaka-OOA nila, akala mo naman ay hindi nakakakita ng magaganda at guwapo, I mean, I'm here? Wala rin naman silang pag-asa diyan, ew.
"Kuyang naka-uniporme, anakan mo ako!" Sigaw ng isang kaklase ko. Napatingin ako sa kaniya, hindi na nahiya.
"Eh, lahat sila naka-uniform, paano na ang kipay mo niyan," nakataas ang kilay na sabi ko.
"'Wag ka, 'te! Kaya ko na 'to!"
"Are you nagpapatawa?! 'Di ka papatulan niyan, stupid!" sabi ng englishera naming kaklase na hindi marunong magtagalog, napangiwi ako. "They won't like you because you're ugly." Napanganga na lang ako at tinignan ang babae.
"Maganda ka ba, 'te?" I rolled my eyes.
"Quiet!" Sigaw ng teacher at pinagpag ang desk nito. "Grade 11, quiet! Ipapaprincipal ko kayong lahat, sinasabi ko sa inyo!"
"Okay lang po, sanay na po kami," mahinhin na tumawa ang isang lalaki na ikinatingin ko sa kaniya, napangiwi ako.
"Please, quite! Respect the teacher in front."
"Thank you, Felicia." Pinapasok silang lahat ng teacher sa loob.
"I have never thought that there are guys na may ganiyang pagmumukha," kinikilig na sabi ni Jonavy at saka kinulot-kulot ang buhok, kinagat ang labi bago pa kumindat.
"Isa pa, Jonavy, ah! Ibabagsak kita!"
"Si Ma'am April naman, e, killjoy! Sino ba naman ang hindi magiging malandi kung ang gwa-gwapo nila 'di ba," sumingit ang bestfriend niya. I won't wonder, kung malandi siya, malandi rin ang isa, magkaibigan sila, eh.
"Ilugar niyo nga 'yang kalandian niyo, sige na, kung ayaw mong sipain kita palabas ng classroom ko at 'wag ka ng pumasok sa klase ko." Napanguso na lang ito at saka tumahimik. "I'm sorry for the interruption. Please, introduce yourselves."
Dalawa, apat, anim, walo, sampo. Thirteen silang lahat. Ngumiti ang isang babae at saka nagwave ng kamay.
"I'm Sabrina Eloise. Pleased to meet y'all," isinabit niya ang braso niya sa braso ng isang lalaki at ngumiti. Tiningnan niya ang direction nila Jonavy. Napangisi ako.
"Sayang, girlfriend niya yata 'yan." Sabi ng isang kaklase ko.
Right. Women are possessive. They are territorial. What is for them is for them. Subukan nilang angkinin ang pagmamay-ari nila pero kung kaya nila. Dapat lang na markahan niya ang kung anong kaniya!
Anyways, if we're going to talk about her features. She's definitely a 10! Kulay asul ang kulay ng mata niya, at ginger naman ang kulay ng buhok niya. Walang siyang kolorete sa peslak kaya makikita mo ang kanipisan ng kilay niya, pero mahahaba ang pilik-mata niya. Pointed ang ilong nito at mapupula ang labi.
She's not that tall, what made her tall is her shoes. I think she's about 5'1 or something.
"Namaste, I'm Kirsten Veronica, almost 18 in December," pagpapakilala ng isang babae. Ngumiti ito at yumuko ng kaunti.
Napangisi ako, maganda naman siya. Kulay asul ang kulay ng buhok niya at nakabangs ito, bagay naman sa kaniya, samantalang kulay green naman ang kulay ng mata niya. She's a 10 for me, kailangan lang niyang mag-ayos ng kaunti.
"I'm Anastasia Esmeralda, pleasure to meet y'all!" ngumiti ito ng malaki at nagwave ng kamay.
I will be straightforward for awhile. She's really perfect for me! Nakalugay ang mahaba at kulay purple niyang buhok. Kung hindi ako nagkakamali, hanggang tuhod niya 'yon. Purple rin ang kulay ng mata niya that made her unique! Ngayon lang ako nagandahan sa isang babae ng ganito, alam niyo ba 'yon?
"I'm Nerissa Rashelle, just call me whatever you want." She rolled her eyes, crossing her arms.
Nakatali ang mahaba at kulay itim na buhok nito, nakabangs rin ito katulad ni Kirsten, pero bumagay naman 'yon sa face shape niya kasi kahit hindi ko naman sabihin ay maganda rin talaga siya. Ayaw ko lang talagang malamangan ako.
What I didn't like about her is that hindi bumagay ang kulay ng mata niya sa kaniya.
She have this strong presence, at hindi bagay sa kaniya ang mahinhin na feature.
It was green. I'm quite certain she didn't like it neither.
"I'm Sunniva Estella, everyone!" pakilala niya sa sarili niya at ngumiti ng matamis.
Napatingin ako sa mata niya. Admit it or not, parehas na maganda at kyut siya, para siyang anghel na nahulog mula sa langit. She carries a presence that can attract the attention of people.
Kulay rosas pala ang kulay ng buhok niya, hanggang p***t niya lang ito, samantalang kulay ginger naman ang kulay ng mata niya na kapag nasisinagan ng araw ay kumikinang.
"I'm Joaquin S-Sullivan, everyone. Kirsten Veronica is my sister, and I'm not single, and taken, taken away by your smile," palihim akong natawa kahit wala namang nakakatawa. Napatawa silang magkakaibigan.
I think he's the sunshine in their group. I won't deny it, guwapo naman talaga siya. Hindi sila magkaparehas ng kulay ng buhok ng kapatid niya pero parehas sila ng mata. White ang kulay ng buhok niya at mahaba ito ng kaunti.
Para sa akin, he's also a 10, makakapal ang kilay niya, kahit ang pilik-mata that made him more attractive, matangos ang ilong at mapula ang labi. Kumakain ito ng candy.
Napailing ako. I think he's about 6 foot tall or more than that. Para sa edad niya, tama lang ang katawan niya.
"Raphael Theodore, Anastasia's brother," kumindat siya sa akin at saka ako nginitian. Napatingin sa akin ang classmates ko, napahiyaw naman sila.
Gusto ba ako nito? Napairap ako. Guwapo siya, oo, inaamin ko pero hindi ko siya gusto. Kung katulad lang ako ng ibang babae ay baka ginagapang ko na ngayon ang sahig patungo sa kaniya, but I'm not.
Katulad ni Joaquin, he's also a 10, pero babaero! Purple ang kulay ng mata nito at may eyeglasses pero malayong ang kapatid niya ang nanalo sa round na 'to. Kulay white na may highlight nang green sa ibaba ang kulay ng buhok niya, mahaba 'yon at hanggang leeg.
"Yo, I'm Tristan Nikolas II, your prince charming." Sabi niya at ngumisi. Napahiyaw na naman sila. Naririndi na ako, kanina pa, alam ba nila 'yon?"
Anyways, Tristan's presence is pretty attractive. Yup, wala pa siyang ginagawa pero natutuwa na sila sa kaniya. Kahit ang pasimpleng pagbulsa niya lang ng kamay ay kinikilig na sila. At saka may killer smile rin kasi siya. What more pa kaya kapag tumawa siya?
Ginger ang kulay ng buhok niya, at nakamullet ito. Kapag ibang lalaki, 'tangina parang ginahasa ng demonyo, eh! Anyways, his eyes were green!
"Julian Kessler is the name," malamig na pakilala nang lalaki.
Napalunok ako, if I'm going to judge him, will he kill me? I mean, guwapo siya, pero not inside him. Pakiramdam ko, nambubusted ito ng babae, eh. I mean, we have the right to reject whoever we want to reject but I think he's the type of person na hindi ka pakikialaman sa lahat ng gusto mo.
Parehas silang nakamullet ni Tristan, magkaparehas naman sila ni Rashelle ng kulay ng buhok kahit ang mata, magkapatid siguro sila. They have resemblances.
"Isagani Ellison."
"Alistair Travis."
"Kairus Vaughn."
Nanlaki ang mata ko, mabibilis silang nagpakilala at parang walang nangyari. They just stated their names and then back to normal again. Napailing na lang ako. I think hindi nag-umagahan ang tatlong 'to. Kaya siguro sila walang energy kasi hindi sila nagbreakfast.
I sighed, napadako ang atensyon ko sa lalaking hindi pa nagpapakilala. "I'm Fourth K-Kalister," he stammered. Napakunot ang noo ko, at kalauna'y napataas ng kilay.
I was stunned. Kalister's eyes were deep and cold, it was green. Napatingin siya sa akin. Napalunok ako. I can't take my eyes of him. Napailing ako at saka napayuko na lang.
"Puwede bang tumabi sa'yo?" Nag-angat ako ng ulo nang tumabi sa akin si... sino nga 'to? Ah, si Sunniva. "I'm sorry, hindi naman ako weird sa 'yo 'di ba?" Ngumiti siya sa 'kin. "I'm Sunniva Estella," kinuha ko ang kamay niya.
"I'm Felicia... Felicia Isabela Saldivar."
After ng klase namin ay nag-ayos na ako ng gamit ko. Itong katabi ko, napakaingay. Walang ibang ginawa kung hindi kumain, idamay mo na rin silang lahat. Walang ibang ginawa kung hindi manghingi nang manghingi, nagugulo kaya ako.
"Felicia," 'hindi pa 'ko nakakatayo when someone grabbed me. Nilingon ko ang babae at napataas ng kilay. "I'm Sabrina." Sabi niya sa akin at inabot ang kamay.
Kinuha ko ito dahil ayaw ko naman na mapahiya siya.
"I'm sorry pala kanina kung nadadamay ka sa kaguluhan namin," nanlaki ang mata ko nang sabihin 'yon ni... what's his name again? Ah, Th-Theodore. "Pasensya ka na talaga," tumango lang ako.
"Okay lang naman kung gusto mo kaming palipatin, marami pa namang vacant na upuan-"
"Ah? Ga-gagi, o-okay lang...? Hindi naman ako nagagalit? Ah, ah..." tumawa ako at napakagat ng labi. "'Wag ka na pong magsorry, okay lang... talaga. Promise. Hindi ko naman kayo pinapalipat." Ngumiti ako at tumango. Why would they think something like that?! Wala naman akong sinabi!
"I'm sorry, OA lang kami, eh. Baka kasi nakakairita na kami," natatawang sabi niya na siyang nginitian ko lang.
Kinuha ko ang cellphone ko ng magring ito. Nagtext si Daddy.
From: Daddy ❤️?⁉️
Nakauwi ka na ba? Nasiraan daw ang driver mo sa daan, hindi ka raw niya masusundo. Do you know how to commute?
To: Daddy ❤️?⁉️
Not yet po. And no. Dito na lang ako magtatanghalian kung ganoon.
From: Daddy ❤️?⁉️
Okay.
Sineen ko na lang ito at saka ibinalik sa pocket ang cellphone ko. "Saan kayo maglalunch? Puwedeng sumabay?" Parang nanlamig ang buong katawan ko, regretting what I asked. Nakakahiya, parang gusto kong ibalik 'yong sinabi ko.
"Sige! Okay 'yon! Gusto ka rin naming makilala!" Sigaw ni Sunniva, kaya napatingin sa 'min ang iba. "Oops."
×××××××××××××××××××××××××××××××××××