Chapter 05

1891 Words
Chapter 05 Deception Felicia's Point of View Napatakip ako ng peslak nang matamaan ako ng sinag ng araw. Parang wala akong energy pumasok ngayon, napagod yata kasi ako sa activity namin kahapon sa PE, para kasi akong magkakalagnat. Napailing ako. At saka naglaro rin kami kahapon. Kung hindi niyo natatanong, athlete rin ako. Nagstay muna ako sa kama ko ng ilang minuto, okay ng malate ako ng kaunti, bago ko napagpasyahan na gumayak na. Nakalimutan ko palang magsunscreen kahapon, kaya 'eto, nasunog ang magandang peslak ko! Nakakainis, parang gusto kong manampal, pero okay lang, I can still slay kahit ganito ako ngayon. Pumasok ako 'agad ng CR at naligo kaagad. I tried covering my face with foundation pero hindi ko kaya kasi makati, kaya ending, nagpowder na lang ako, magaan naman siya. No choice, ano pa ba! Naglagay ako ng vaseline para sa magang labi ko. Inayos ko lang ng kaunti ang mahabang buhok ko and done! After wearing my uniform ay dumeretso ako sa kusina. Puting shirt ang pang-itaas ko na may kasamang green na necktie, at green na skirt naman ang pang-ibaba ko na above the knee. Slayable pa rin akong tingnan, akala niyo ba malalamangan niyo ako? Naur! You know, para kapag nakita ako ni Kalister—joke lang, f**k ka! I'm just a normal girl, nagkakacrush ako katulad niyo. Actually, I don't understand kung bakit napaka-gentleman niya sa akin kahapon na sabi ni Sabrina ay hindi naman niya ginagawa sa ibang babae, kahit sa kanila. "Oh, aalis ka na?" tanong ni Mama sa akin nang makasalubong ko siya. Tumango naman ako. "Yup, kape lang ako saglit." Sabi ko at nagpa-init ng tubig. Kiniss niya ako sa pisngi at ngumiti. "Nakarecover na ba 'yong sinipa mo sa p***t?" Tanong niya na ikinatawa ko. I just nodded. "Nakarecover na. Nakalabas na kahapon lang." I rolled my eyes, making her chuckle. "OA, hindi naman kasi malakas, eh. Kailangan ba niyang mahospital?" Tanong ko. Yup, may sinipa ako sa p***t! Noong nakaraang buwan pa 'yon actually, matagal na. At kahapon lang nakalabas. Natakot nga sa akin nang makita niya ako kahapon. I won't do that to him kung wala siyang kasalanan! Eh, sinilipan ako! Tanga. "Sabihin mo lang sa akin kung may boyfriend ka na, ah, you're growing fast." Sabi niya at saka ngumuso. "Tama ka na, 'My! Hindi ka cute, akala mo talaga, eh." "Totoo nga, Felicia. I don't know what to do kapag nalaman kong may boyfriend ka na." "Ew, boyfriend? I won't eat that, wala ngang guwapo sa school. I mean, mayroon naman pero hindi ko type!" Napangiwi si Mama sa akin. "Kung makapagsalita, Isabela, akala mo maganda ka," sabi niya sa akin at kinurot ang tagiliran ko dahilan para mapadaing ako. "Nakikita ko status mo sa f*******:, ah, isumbong kita sa Daddy mo, eh," napanguso na lang ako. Naghanap ako ng plastic at pinagplaplastic ang tinapay nang hindi siya nakatingin at pinagtitimpla ako ng kape. "Ikaw, 'wag kang masiyadong nagkakape." 'Di pa namin napag-uusapan 'yong nangyari noong nakaraan. Nagsorry lang sa 'kin si Mama at pagkatapos noon wala na. Hindi siya nagpaliwanag sa akin, and it wasn't right. Paano ako matatahimik kung ganiyan? Kaya ko namang tanggapin kung ampon lang ako, alam ko, mahal nila ako. I will keep waiting hanggang settled na lahat. I won't pressure them to tell me the truth. Inalagaan nila ako for years, do you think madali sa kanila na sabihin sa akin ang totoo, kung may totoo. "I have to go, 'my, malalate na ako. Sa cafeteria na lang ako magbrebreakfast. I'll see you later, is that okay?" kiniss ko ang pisngi niya. "Sabihin mo sa driver ko, ako na lang ang magdrdrive. I'm driving for myself." "A-Ano? Felicia Isabela, sinasabi ko sa'yo, ah! Perwisyo ka talaga!" Pumunta ako sa garage nang makalabas ako ng bahay. 15 lang ako noong tinuruan akong magdrive ni Daddy, nagagalit nga si mudra ko. Si Mama ang nagbukas ng gate para sa akin. Sinenyasan niya pa akong mag-ingat ako. Napakunot ang noo ko nang mahagip ng mata ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan, nakasandal ito sa poste malapit sa bahay nila Tita Kath, hindi siya 'yong lalaki noong nakaraan, sino naman kaya ito? Hindi ko na lang pinansin. I have never seen him here before. I acted like I didn't saw him. Pinabayaan ko na lang as long as wala naman siyang ginagawang masama. Ganiyan naman ako kapag hindi ako pamilyar sa lugar at naghihintay ng sundo. So, why judge him 'di ba? Napatingin ako sa side mirror ng kotse ko para icheck siya, wala na siya doon kaya baka umalis na. I shrugged. Napataas ang isang kilay ko nang makababa ako ng kotse ko. "Oh my, anong nangyari sa peslak niya?" "f**k s**t, maganda pa rin kahit nasunog." "'Di ba, wala talaga siyang kapintasan!" Tumikhim ako at tahimik na tinahak ang koridor, hindi pa ako nakakalayo nang isang kamay ang humatak sa akin sa garden. Sinampal ko ng malakas ang lalaki nang makaharap ako sa kaniya. I glared at him. Kalalabas pa lang ng sinipa ko kahapon, gusto niya na yatang sumunod, eh! "You dumbass! Wala kang karapatang kaladkarin na lang ako dito nang hindi ka nagsasabi! Hindi ako kaladkaring babae katulad nang iniisip mo! Do you think it is good na kaladkarin mo na lang kaagad ang isang babae without her permission? Para ka lang nakipagtanan, eh!" Sigaw ko sa lalaki. Tumawa ako. "Oh my God, do you think nakakatuwa 'yon?! Are you proud of it? You're a p*****t! Wala kang respeto sa babae! Do you think as a son of your mother or a brother of your sister, matutuwa ka kaya kapag kinaladkad sila ng isang lalaki na hindi naman nila kakilala?" Dugsong ko pa. "Hindi ako nakikipagsex sa kung sino na lang diyan, virgin pa ako, kuya! Do you think magsesettle ako sa ganitong place?!" "I'm... sorry, Felicia," nakahawak sa pisnging sabi niya. Nanlaki ang mata ko. Napasinghap ako nang makita ko ang pisngi niyang namumula. Napangiwi ako at napalunok. Tumayo ako ng maayos. Napatingin ako sa malayo, regretting everything I said. Kung siya ba naman, pakakasta ako. Kidding aside, nasaktan ko yata siya. "I didn't know you would react like this, pasensya ka na kung nabastusan ka sa ginawa kong paghila sa'yo. I should've asked or something," "Kalister," pagtawag ko sa pangalan niya. "Nagpanic kasi ako, I'm sorry," "'Tangina ka," sinuntok ko ang braso niya. Napadaing ang lalaki. "I almost f*****g killed you! Kung hindi ka pa nagsalita, baka kung ano na ang nagawa ko sa'yo!" "Hindi ka kasi sumasagot sa messages ko sa'yo about sa project natin sa DIASS, kaya I decided to talk to you in person about it. I panicked, thinking that you won't notice me, kaya hinila na lang kita dito," sabi niya, napakunot ang noo ko. Napataas ang isang kilay ko. Strange, samantalang kahapon kung makalapit, akala mo matagal na kaming magkakilala. And he wasn't like this, malamig siya kung magsalita. Panicking is not his thing, 'yong totoo, okay lang kaya siya? I touched his forehead. Nagulat naman ito. "Nilalagnat ka ba, are you okay?" Tanong ko. "Wait, when did we have a project in DIASS? Why didn't I know? At magpartner tayo?" Tumango ito. "Yup, nagpost si 'cher J sa Google classroom." Sabi niya. "s**t, hindi ko yata nakita." Sabi ko sa kaniya. "I'm sorry, I think we should settle this later. Wala naman kasing sinabi si 'cher J kahapon na magkakaron pala tayo ng project," sabi ko sa kaniya. "Ayaw mo bang sumabay sa akin?" tanong ko sa kaniya. "Nope," he shook his head. "CR lang ako saglit... Janria." Napakunot ang noo ko when he called me a different name. I was just going to ask what he meant nang tumakbo na ito paalis. I can sense something different about him, parang hindi siya ang Kalister na nakilala ko kahapon. Nagbago ba siya? Nadatnan ko ang subject teacher namin sa Statistic na naglelesson na. Hindi niya lang ako pinansin and continued teaching. Nilingon ko si Sunniva na kumakain na naman, napakunot ang noo ko nang sila lang ang nandito. Wala sila Theodore. "Bakit ka nalate?" Tanong sa akin ni Sabrina na ikinanguso ko. "Just ask Kalister about it, nakakainis, kinaladkad ako noon sa garden dahil sa project namin sa DIASS, partner kami. Eh, kayo? Sinong partner ninyo?" tanong ko habang nakatingin sa pisara. "What did you say?" Nilingon ko si Kirsten. Kinalabit niya ako. Nakakunot ang noo nito at nagtatakha. "Kalister's not here," dugsong niya na ikinakunot ng noo ko. "Walang project sa DIASS," sabi sa akin ni Sunniva na tumigil sa pagkain. "Gaga, mayroon! Hindi ba kayo nagcheck ng Google classroom? At saka anong sinasabi niyong wala si Kalister? Nakausap ko nga siya, nagpapanik," napataas ang kilay ni Rashelle. "It must be a ghost," sabi niya nang hindi ako tinitingnan. Napa-ayos ako ng pagkakaupo. "Walang cellphone si Kalister." Sabi niya at nilingon ako. "What?!" malakas na tanong ko kaya napatingin sa 'min ang classmates namin. "Quiet!" Sigaw nang teacher na nagpatahimik sa 'min, kaya 'eto kami, nagbubulungan nila Sabrina. "Eh, sinabi lang sa akin ni Kalister." "Tanga ka, wala nga sabi si Kalister, minumulto ka ba ng kaluluwa niya, 'te?" Napakamot ako sa sinabi ni Sabrina. "Kasama niya sila Travis, ano bang nangyayari sa'yo? Para kang nabubuang!" Sabi niya pa sa akin at saka ako kinurot. Napakamot ako sa noo. "O baka naman kasi sa sobrang pagkamiss mo sa kaniya, kung ano-ano nang nasasabi mo?" Sabi ni Anastasia na ikinangiwi ko. "Result ito ng pagiging gentleman niya sa'yo kahapon, eh, he was never gentleman to us?! Napakadaya niya!" Dugsong niya and rolled her eyes. "I'll tell him about this. Ship ko na kayo." "Subukan mo, at baka hindi ka na sikatan ng araw. Sinasabi ko talaga sa'yo, kapag talaga nalaman niya 'tong katangahan ko ngayong araw. Hindi ko na kayo kaibigan." Pagbabanta ko sa kanila. "Eh, hindi naman ako namamalik-mata!" "Test me," sabi ni Kirsten at ngumisi. I rolled my eyes to her, at nagpokus na lang sa nagtuturo. Wala akong maintindihan! It must really be a ghost, nagmumukha akong tanga dito dahil sa punyetang 'yon! Patay siya sa akin kapag nakita ko siya. And the satisfaction when the teacher called Kirsten to answer what was written in the blackboard. Gusto kong tumawa nang malakas para mang-asar sana pero hindi ko magawa dahil baka ako ang sumunod sa kaniya. Sumesenyas ito ng tulong but we just avoided her, I'm just following them here. "Deserve," I mouthed. Noong maglunch na ay nagpaalam akong pumunta nang CR para magretouch lang sana saglit nang makasalubong ko si Kasandra, hindi niya ako pinansin na siyang ikinangisi ko. Napatigil lang ako saglit nang napansin kong namumula ang pisngi niya. "Bakit namumula 'yang pisngi mo? Did someone slapped you or something?" Nang-aasar na tanong ko sa babae, pero ang totoo niyan ay nag-aalala ako sa kalagayan niya, parang namamaga. "Tumahimik ka nga, at baka masabunutan kita," tumango na lang ako dahil baka ayaw niya talaga ng drama ngayon, pero nakakapagtakha lang dahil wala ang dalawang alipores niya? Nakakapanibago. I just shrugged. "I don't want to know what happened to the mean girl." ×××××××××××××××××××××××××××××××××××
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD