BIGLANG ginising si Matthew ng malamig na palad na humawak sa kanyang braso. Nang maramdaman ng katabi ang kanyang pagkagising ay awtomatiko itong nagsalita. “Matt, puwede mo ba akong samahan sa labas?” Napaharap agad siya rito. “Lalabas ka?” “Yeah,” anas ng babae, “parang gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.” “Tara.” Sabay pa silang tumayo at maingat na lumakad palabas upang hindi magising ang mga batang nasa kabilang papag na katapat ng higaan nila. Nasagi pa ng babae ang picture frame ng mga magulang niya na nasa lamesang katabi ng kama nila. Mabuti na lang nasalo iyon ni Lauren bago pa ito tuluyang bumagsak. Inusog na lang nito sa bandang dulo ang mga litrato at sumunod na sa kanya. Saglit siyang lumingon sa orasang nakasabit sa kanilang sala. Lampas alas-kuwatro pa lang a

