BABAD na babad si Matthew sa harap ng salamin habang inaayos ang bawat bahagi ng buhok. Mahigit kalahating oras ang ginugol niya bago nakuntento sa ayos nito. Doon niya isinuot ang charcoal paisley tuxedo na isa sa mga binili nila sa mall. Bumagay iyon sa black coated pants niya sa pang-ibaba na may shiny finish. Hindi rin nagpahuli ang glossy wedding shoes na nag-compliment sa buo niyang kasuotan. Mula ulo hanggang paa ay kumikinang siya. Nag-uumapaw ang kanyang kaguwapuhan sa harap ng salamin. Dagdag pa ang long comb over hairstyle niya na talagang bumagay sa mahaba niyang buhok na abot hanggang leeg. Pati ang kaibigan niyang si Jeff ay kinuwestyon na ang seksualidad nang makita siya sa ganoong porma. “Pucha naman, oh! Hindi ko alam kung lalaki pa ba ako dahil pati ako tinamaan sa lak

