Chloe POV Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Hating gabi na rin kaming nakauwi ni Paulo galing ng condo unit nila. Mabuti na lang at walang nakakita sa amin na sabay kaming dumating sa bahay kung hindi ay kailangan pa naming mag dahilan. Hinatid pa niya ako sa mismong loob ng kuwarto ko at ng umungot itong sa kuwarto ko siya matutulog ay hindi na ako pumayag. Mag-uumaga na rin at mahirap na baka pareho kaming tanghaliin ng gising ay hindi pa ito makabalik agad sa sarili nitong silid. Pagkabangon ko mula sa kama ay nakaramdam agad ako ng pag-asim ng sikmura. Pilit kong pinipigilan ang pagduwal dahil bukod sa naduduwal ako ay maliliyo rin ang pakiramdam ko pero ng hindi ko na mapigilan ay tuluyan na akong napatakbo sa loob ng banyo. Halos mailabas ko na ang lahat ng laman ng sikmu

