CHLOE Pagkalabas ko ng banyo ay agad na kinuha sa akin ng nurse ang dalawang kit na ginamit ko at inilagay sa maliit na tray saka iniiabot sa doctor. Ako naman wala sa loob na napatingin kay Paulo na ngayon ay tahimik lang din na nagkatitig sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon na nakikita ko sa mukha niya pero isa lang ang alam ko, tiyak na gustong-gusto nitong malaman ang resulta ng pregnancy test na ginawa ko kanina lang. Tumayo pa ito para tulungan akong makaupo sa tabi nito. "Mrs...base sa prenancy test na ginawa mo ay positive ang result, magkaka baby na kayong dalawa." Masayang balita nito ng doctor sa amin ni Paulo. Inakbayan niya ako at saka siya mabilis na hinalikan sa ibabaw ng ulo ko. Hindi mawala ang ngiti sa mga lab nito ng marinig nito mula sa doctor ang magandang balita na

