Kabanata 84 A L I S O N “Dito ang kwarto natin,” ani Blake nang buksan ang master’s bedroom, agad akong napabaling sa kanya sa sinabi niya. “Iisang kwarto lang tayo?” gulat na tanong ko. Tumango lang siya bilang sagot at nagtuloy-tuloy na ng pasok sa kwarto. Agad akong sumunod sa kanya sa loob. Ang galing din ng isang ito, ah. “At sinong may sabi sa’yo na pwede tayong iisang kwarto lang?” Binalingan ako ni Blake ng may nagtatakang tingin. “Dalawa lang naman tayo dito. Akala ko ba matipid ka? Makakatipid tayo sa kuryente kung iisang kwarto lang tayo.” Tumikom ang bibig ko at hindi na napigilang mapa-irap. Ang mokong talaga na ‘to! Akala niya maniniwala ako na iyon lang ang iniisip niya? For sure may plano nanamang kung ano ang isang ito kaya ganito. “Ayoko. Hindi pwede. Wala sa u

