Kabanata 83 A L I S O N Masasabi kong naging maayos naman ang mga sumunod na mga araw. Nagkaka-usap pa din kami ni Kenzo paminsan-minsan kapag dumadalaw kami ni mama sa kanila o kapag siya naman ang dumadalaw sa amin. Nakalabas na din ang papa niya mula sa hospital at paunti-unting nakakarecover na ang pamilya nila mula sa trahedyang nangyari sa kanila. Kung may pagkakaibigang nanatili, may pagkakaibigan ding tuluyan nang nasira. Tuluyan nang lumayo ang loob sa akin ni Camila, hindi na siya sumasama sa amin nina June at Jewel, noong una nagtataka ang dalawa sa pagbabago ni Camila pero kinalaunan nasanay na din sila na hindi ito sumasama sa amin. Masaya naman ako dahil may mga bago na siyang kaibigan ngayon. At mukhang maayos naman siya. Basta maayos siya ay ayos na din ako doon. Mas n

