Kabanata 81 A L I S O N Hindi nga ako nagkamali dahil pagdating namin sa tapat ng classroom namin ay parang tangang nagtititili ang dalawa. Inirapan ko sila dahil alam kong sinasadya nilang magpaka-OA para asarin ako at mapahiya. Kahit kailan talaga ang dalawang ito. Ipinagpasalamat ko na lang din na wala pa doon si Camila nang dumating kami ni Blake. Baka sinisimulan na niya ang pag-iwas na sinasabi niya lang sa akin kanina. Hindi ko maiwasang malungkot dahil isa siya sa mga taong pinapahalagahan ko. Pero wala naman akong magagawa kung ito ang gusto niya. Kung mas magiging komportable siya sa ganito ay dapat lang na irespeto ko na lang iyon at huwag ng subukang makialam pa. Baka sa tingin niya mas makakabuti ito para sa kanya. Naiintindihan ko naman siya. Ayaw ko din naman na kapag nak

