Kabanata 79 A L I S O N Habang naglalakad palayo sa cafeteria saka ko lang unti-unting napagtanto kung ano ang nagawa ko. Dahil sa ginawa ko alam na ng madami ang totoong estado namin ni Blake at paniguradong kakalat na din ito sa buong school. Baka nga nakita din nina June at Jewel ang nangyari kung naroon din sila sa cafeteria nang mangyari iyon, o kung wala man sila paniguradong makakaabot din sa kanila ang balitang iyon. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanila mamaya tapos si Nathalia pa. Bigla ko ding naisip si Kenzo, aabot din kaya sa kanya ang nangyari kanina? Sa lakas ng boses ko kanina paniguradong hindi lang ang mga taong nasa table nila Blake ang nakarinig sa akin. Kung bakit ba naman kasi ako nagreak ng gano’n. Masyado akong nagpadala sa galit ko at nagpadalos

