Chapter 6

1628 Words
***Irene POV*** NAHIGIT ko ang hininga kasabay nang pagkabog ng dibdib ko habang nakatingin sa malaking lalaking nakapiring at nakagapos ang kamay sa likuran. Halos kaladkarin na ito ng mga tauhan ni Ka Serbio. Puro dugo rin ang suot nitong puting long sleeve polo. "Rupeng, samahan mo sila na dalhin sa bodega ang bihag. Siguraduhin mong mahigpit ang pagkakagapos sa kanya at magtalaga ka rin ng bantay," utos ni Ka Serbio. "Masusunod, Ka Serbio," nakangising turan naman ni Mang Rupeng at binalingan ang mga tauhan na humahawak sa lalaking walang malay. "Sumunod kayo sa akin." Naglakad si Mang Rupeng sa kabilang bahagi ng gilid ng malaking bahay kung nasaan ang bodega. Sumunod naman sa kanya ang tatlong tauhan na hirap na hirap sa pag-akay sa walang malay na lalaki. Sumandal ako sa pader at sinapo ang dibdib na kumakabog. 'Ano ba iyong nakita ko? Sino ang lalaking iyon at bakit sya bihag ni Ka Serbio?' "Wala munang matutulog ngayong gabi at magbantay kayo sa paligid para makasiguro na walang nakasunod." "Oo." Humugot ako nang malalim na hininga at malalaki ang hakbang na bumalik sa bahay.. Pabiling-biling ako sa higaan at hindi makatulog. Okupado ang isip ko sa lalaking bihag ni Ka Serbio at ng mga tauhan nya. Halo-halo ang nararamdaman ko sa nakita. Takot, pangamba at awa sa lalaking bihag. Marami ding tanong sa isip ko. Gaya ng sino ang lalaking iyon at bakit sya bihag ni Ka Serbio. May atraso ba sya? Sa huli ay dinalaw na rin ako ng antok. Pero nakatulugan ko na ang pag iisip sa lalaking bihag. . . "PUYAT na puyat, inday, a," puna sa akin ni Pao habang naglalakad kami patungo sa canteen. Bumuntong hininga ako. "Oo, napuyat ako kagabi." "Ano naman ang pinagka-puyatan mo? Siguro may ka-chat kang boylet, no? Sino sa mga pumuporma sayo ang ka-chat mo?" nanunuksong wika naman ni Cherrie Ann. "Hindi, no. Wala akong ibang ka-chat kagabi. Kayo lang ang ka-chat ko," tanggi ko. "E ano nga ang pinagka-puyatan mo?" usisa pa ni Wena. "Nag movie marathon ako kagabi. Maganda iyong movie e, kaya tinapos ko hanggang ala-una," pagsisinungaling ko. Hindi ko pwedeng sabihin na napuyat ako sa pag iisip dahil kukulitin nila ako. Hindi ko rin pwedeng ikwento sa kanila ang dahilan. Ala una na ako nakatulog kagabi sa pag iisip. Hindi ko na nga rin namalayan kung anong oras na nakauwi si tatay. Paggising ko kinaumagahan ay nasa bahay na sya at nagluluto ng almusal. . . Patingin-tingin ako kay tatay habang naghahapunan kami. Maaga kaming nag hapunan ngayon dahil may gagawin pa raw sya sa malaking bahay. Kanina ko pa sya gustong tanungin tungkol sa bihag. Tumingin sa akin si tatay at kumunot ang kanyang noo. "May sasabihin ka ba, Irene? May kailangan bang bayaran sa school nyo?" "Ah, wala po, tay." "Wala pala. E bakit kanina ka pa ganyan makatingin sa akin?" Dinampot ko ang baso at uminom ng tubig saka tumikhim. "Tay.." Muli syang tumingin sa akin. "Sino po iyong lalaking bihag kagabi?" diretsong tanong ko. Natigilan si tatay at napahinto sa pagkain. "Lumabas ka kagabi?" Lumunok ako at bahagyang yumuko. "O-Opo.." "Hindi ba ang bilin ko sayo na huwag ka nang lalabas sa gabi," medyo mataas ang boses na turan nya. "E.. ang iingay po ng mga aso kagabi. Na-curious po ako kaya lumabas ako," paliwanag ko. Mabigat na bumuntong hininga si tatay at tumiim ang tingin sa akin. "Ano pa ang nakita mo kagabi?" "Iyon nga po.. iyong lalaking binaba ng mga tauhan sa van. Naka-piring sya at nakagapos habang kinakaladkad patungo sa bodega." "Ano pa?" "Wala na po. Umuwi na po ako dahil natakot ako." "Irene, makinig ka sa akin ng mabuti." Tumingin ako kay tatay. Seryoso ang bukas ng kanyang mukha at matiim ang kanyang tingin. "Anoman ang nakita mo kagabi ay huwag na huwag mong ipagsasabi sa kahit na kanino sa labas." Lumunok ako. "Pero sino nga po sya, tay? At bakit po sya bihag ni Ka Serbio at ng mga tauhan nya?" "Hindi ko sya kilala. At may malaki syang atraso kay Ka Serbio kaya sya bihag ngayon," tugon ni tatay at nagbawi na nang tingin. Tama nga ang hinala ko na may atraso ang lalaking iyon. "Pero tay, kung may atraso po iyong lalaki di ba po dapat dinala sya sa presinto?" "Ibang klase ng tao si Ka Serbio, Irene. Kapag ang isang tao ay may atraso sa kanya ay sya mismo ang nagpaparusa dito." Hindi ako nakaimik at nakatingin lang kay tatay. "Makinig ka lang sa akin. Kung anoman ang nakita mo kagabi ay huwag mong ipagsasabi sa kahit kanino sa labas. Maliwanag?" "Opo." Hindi na nagsalita si tatay at nagpatuloy na sa pagkain. Tinuloy ko na rin ang pagkain ko at hindi ko na isinatinig ang gusto ko pang itanong. Nakaramdam ako ng awa sa bihag. Kahit na ba may atraso sya ay hindi makatarungan na bihagin. Parang hindi ko kayang isipin ang ginagawa sa kanya sa loob ng bodega. Siguradong ginugulpi sya base na rin sa nakita kong mga dugo sa kanyang damit. . . SINARADO ko ang pinto ng bahay at naglakad patungo sa casa. Nakita ko kanina na umalis si Ka Serbio kasama ang ilan nyang mga tauhan kaya pwede akong pumunta sa casa mag isa kahit hindi kasama si tatay. Si tatay kasi ay nasa bayan. Bumili sya ng pagkain ng mga manok. "Kuya, papasok ako, ha," paalam ko sa isang tauhan na nasa likod ng malaking bahay at naninigarilyo. Ngumisi naman sya at tumango. Tinungo ko ang back door na tagos sa kusina at nakita ko roon si Aling Manda. "Aling Manda," untag ko sa ale. Lumingon sya sa akin mula sa paglalabas ng mga pinamili sa malaking bayong. Maraming iba't ibang klase ng lutuin ang nasa malapad na mesa. Gulay, isda, karne at kung ano-ano pa. "Ikaw pala, Irene." Lumapit ako sa kanya. "Mukha marami na naman po kayong lulutuin, a." "Marami kasing mga tauhan. Mas marami nga sila ngayon. Umalis lang yong iba kasama si Ka Serbio." "Wala po ba kayong katulong? Tutulungan ko po kayo," presinta ko. "Si Alma ang katulong ko. Papunta na sya rito." "Tutulungan ko pa rin po kayo. Marami-rami po ito, e. Ano po bang mga ulam ang iluluto nyo?" "Nag request si Ka Serbio ng sinigang na lapu-lapu. Sa mga tauhan naman gusto nila ginataang tulingan, chopseuy at menudo." Nagpresinta na akong igayak ang mga rekado ng menudo. Hindi naman tumutol si Aling Manda at hinayaan na lang ako. Mayamaya pa ay dumating na rin si Aling Alma.. "Ako na po magtatapon nyan," presinta ko at kinuha ang malaking plastic bag na may lamang mga basura na pinagbalatan ng mga gulay. Tapos na kaming maghiwa ng mga rekado at ngayon ay lulutuin na lang ang mga putahe. "Doon mo na lang sa drum sa may mangga itapon yan, Irene." "Bakit po? Nasa gilid po ng bodega ang drum ng basurahan." "Wala na doon ang drum. Nilipat na sa may puno ng mangga. Saka bawal daw munang lumapit sa bodega dahil may ginagawa," ani Aling Manda. Natigilan naman ako. "Ano pong.. ginagawa sa bodega?" tanong ko. "Yan ang hindi ko alam. Basta sinabihan lang kami ni Alma na hindi muna kami pwedeng lumapit sa bodega. Tanging mga tauhan lang at ang tatay mo ang pwedeng lumapit doon." Mukhang walang alam si Aling Manda at si Aling Alma sa kung ano ang meron sa bodega. "Sige po, ilalabas ko na po itong mga basura." Binitbit ko na ang malaking plastic bag at lumabas na sa backdoor. Nagpalinga-linga muna ako at nakita ko ang isang tauhan na may kausap sa cellphone. Hindi na sya ang tauhan na nakita ko kanina na naninigarilyo. Naglakad na ako patungo sa puno ng mangga na ilang metro lang ang layo. Naroon nga ang malaking drum ng basura na dati ay nasa gilid ng bodega. Pagkalagay ko ng basura sa drum ay bumalik na ako sa malaking bahay. Nakita ko ang tauhan na naglakad palayo patungo sa mga halamanan sa gilid ng malaking bahay. Nakangisi pa sya habang may kausap sa cellphone. Mukhang girlfriend nya ang kausap nya. Imbes na dumiretso pabalik sa loob ng kusina ay dumiretso ako sa kabilang bahagi ng malaking bahay kung nasaan ang bodega. Ilang araw na akong curious na makita ang bihag na lalaki. Gusto ko lang syang makita. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid dahil baka may mga tauhan na sumita sa akin. Sakto namang wala kaya lumapit na ako sa bodega. Malaking bodega ito na tatlong beses ang sukat ng bahay namin. Yari ito sa semento na may kisame pa ang bubong at ventilation. Nakapasok na ako dito ng maraming beses na. Noong elementary ako ay dito pa kami naglalaro ng mga kalaro ko na mga anak ng trabahador sa plantation. Natigil lang ang pagpasok namin dito dahil pinagbawalan na kami. Marami na kasing nakatambak na mga gamit dito. Napatigil ako pagpunta sana sa pintuan ng bodega nang makita ang isang tauhan na nakaupo sa mono-block habang nag ce-cellphone. Umikot na lang ako sa kabilang bahagi ng bodega kung saan may bintana. At doon ay nakita ko nga sa loob ang malaking lalaki. Nakasalampak sya nang upo sa sahig at nakasandal sa poste ng bodega kung saan nakagapos ang kanyang katawan. Nakayuko sya at mukhang tulog. Bugbog sarado ang hitsura nya dahil halos kulay pula na ang kanyang puting polo dahil sa dugo. Meron din syang mga sugat sa leeg at pisngi. May bahid pa ng natuyong dugo sa gilid ng kanyang ulo. Gumalaw ang lalaki at nagtaas ng ulo. Narinig ko ang malalim na ungol nya na tila nasasaktan. Mayamaya pumaling ang ulo nya sa direksyon ko at nagtama ang aming mga mata na nagpakabog sa dibdib ko. "Anong ginagawa mo riyan?" Napapitlag ako sa gulat at lumingon. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD