***Irene POV*** "IRENE!" "T-Tay.." kinakabahang sambit ko nang makita si tatay na salubong ang kilay na nakatingin sa akin at si Mang Rupeng na matalim naman ang tingin. "Anong ginagawa mo rito sa bodega?" tanong ni tatay. Lumunok ako. "Sinisilip ko lang po ang bihag." Tumiim bagang si Mang Rupeng at tumingin kay tatay. "Gaston, paano nalaman ng anak mo ang tungkol sa bihag? Sinabi mo? Hindi ba't kabilin-bilinan ni Ka Serbio na hindi natin ito sasabihin sa kahit kanino, kahit sa pamilya natin." Hindi agad sumagot si tatay at tumingin lang sa akin. Pero nararamdaman kong galit sya. "M-Mang Rupeng, hindi po sinabi sa akin ni tatay ang tungkol sa bihag. Nakita ko na po sya noong una pa lang sya na dinala dito," sabat ko. Bumaling muli sa akin si Mang Rupeng na salubong ang kila

