Want

2917 Words
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang naramdaman ko ang kung anong mabigat ang nakadagan sa parte ng tiyan ko. It was Felix’s arm. I winced when I turned to other side to look at Felix. My body stings. When I looked down, I am already dressed. If I don’t feel weird right now, I would definitely think that never happened. But Felix beside me is a proof that everything was real. He is in a deep sleep. With my fingertips, I traced his forehead, down to his eyebrows, his eyes, nose, and his lips. I stared at him longer than I was planning before going off of bed. Sumilip ako sa bintana at nakita kong lubog na ang araw. I walked out of the room tiptoeing, afraid that I might wake up Felix. Kanina ay pansin ko ang itim sa ilalim ng kanyang mga mata. He must be restless. Nasa may hagdanan na ako nang bumalik sa alaala ko ang pag-uusap naming dalawa. Ayos na ba kami? Hindi ko alam! Dapat ay tinanong ko muna siya kanina kung bati na ba kami. Well, he kissed me. Anong magagawa ko doon? I collected myself before finally going to the kitchen. Gabi na rin naman, might as well make something for dinner. Wait, babalik nga pala si Amanda rito. Should I just text her not to come? Pero kung gagawin ko 'yun siguradong magdududa siya at mas lalo lang siyang babalik rito. Pero anong gagawin ko,nandito si Felix. Anong sasabihin ko sa kanya pag nagkita silang dalawa? Grr! Bahala na! As if on cue, I heard clicking in my door. My eyes widened when I realized who it was. It's her. She's back. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. "Shiloah?" tawag niya. I cleard my throat. "Y-yes? I'm here..." Lalo lang akong nagulat nang hindi si Amanda ang pumasok sa kusina kundi si Bethany. "Bakit parang nakakita ka ng multo?" "H-huh? Wala. Why are you here? Tapos na ba ang working hours?" Pinagtaasan niya ako ng kilay at kumuha ng malamig na tubig sa fridge. "It's Friday. On some days, for sure nasa bar na tayo kasama niya but you're here and so we are also here," aniya saka lumagok sa basong nilagyan niya ng tubig. My eyes drifted to the entrance of the kitchen when she came in. "Oooh, you're glowing, a? Saglit lang kitang iniwan parang naging maayos ka na tignan. Anong nangyari? 'Wag mong sabihing sinubukan mong bitayin ang sarili mo pero nabagok ang ulo mo tapos nahimasmasan ka sa. Lahat ng kagagahang ginawa mo sa buhay mo?" natatawa pa siya. "You're not funny," sagot ko. "Okay lang. Hindi naman kasi ako clown para patawanin ka. Che!" Inirapan ko siya at inirapan niya rin ako pabalik. Hindi ko na lang siya pinansin at kumuha na lang ng libreng ingredients dito sa loob ng ref ko. "Magluluto ka?" tanong ni Bethany. Minsan, gusto ko na lang isiping nagtatanga-tangahan 'to e. Obvious na nga ang ginagawa ko, magtatanong pa talaga. "Check mo nga Bethany at baka may lagnat," pang-aasar ni Amanda. "Check mo nga 'yang kaibigan mo, Bethany. At baka may sakit 'yan sa utak." "Tumigil nga kayong dalawa, para kayong mga bata. Ano bang balak mong lutuin, Shy?" "Uh, I don't know. Chicken adobo? Chicken adobo should be okay lalo na't hindi naman ganoon ka special si Amanda." "Ewan ko sa'yo. Shower lang ako ha?" paalam niya. "Bakit kailangan mo pa magpaalam? Nakakabit ba sa akin ang banyo--" Natigilan ako nang narealize ko kung saan siya magsa-shower. Nasa kwarto ko nga pala ang gamit niya, at doon din ang tungo niya! Natutulog si Felix doon! "Amanda, wait!" pigil ko sa kanya. Naiinis niya akong tinignan. "Bakit ba?" "A-ako na ang kukuha ng pamalit mo. D-dito ka na lang sa common bathroom," kabado ko siyang nilapitan. "Pero bakit?" pagtataka niya. "Uh, wala lang. M-may ipis lang sa banyo doon sa taas. You're scared of cockroaches, right?" Nakahinga ako ng maluwag nang nakita ko ang pandidiri sa mukha niya but my heart raced when I heard the opening and closing of my room door. "Shiloah?" Sabay naming sinulyapan ni Amanda ang living room dahil sa pagtawag ni Felix sa akin. Rinig ang baritonong boses niya sa buong bahay, sigurado ako doon dahil pati si Bethany ay natigilan sa ginagawa. "Who was that..." she asked. "Shiloah, where are you," it was Felix once again. "H-here," sagot ko. Nakahinga ako ng maluwag nang nakita kong maayos siyang nakabihis. Otherwise, my friends would think nasty things. Nang nahanap niya ako ay saglit lang niyang tinitigan ang mga kasama ko bago dire-diretsong naglakad papalapit sa akin. "Akala ko umalis ka," aniya. Bahagya akong natawa. "Saan naman ako pupunta?" Kibit-balikat ang isinagot niya sa akin bago ako hinalikan sa noo at ikinulong sa kanyang mga bisig. "Aish. Ang sakit niyo naman sa mata," reklamo ni Amanda habang umaarteng tinatakpan ang mata niya. Tinulak ko tuloy palayo si Felix. Bethany, on the other hand, eyed me meaningfully. Mabilis na ni-lock ni Amanda ang pintuan pagkatapos nila akong hilahin dalawa papasok sa kwarto. "Oh my gosh, Shiloah! Anong ginagawa niya rito?" Amanda hissed. "I mean, bakit? Akala ko ba ayaw mo na sa kanya? That's what you told us! Kanina wala pa siya dito a? I mean, how did it happened? Halika nga rito!" hinila niya ang braso ko para mapaupo sa kama. "Uh... Well... When you left, someone came and I thought it was you but it turned out that it was him." "Nag-usap kayo?" Umiling ako. "Not necessarily usap, it was just um... how do you say this? Question and answer, something like that?" patanong kong sagot. Nakita ko sa mga mukha nila ang pagkagulo pero I don't want to go deep into details kaya hinayaan ko sila. "Where was he? Noong dumating kami?" Bethany finally asked. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin. "Oh my goodness!" Amanda stood up as she thought of something brilliant. "He was here. In your room. Right? Kaya pala ayaw mo akong papasukin dito!" akusa niya. Well, her accusation’s right. “Clarify everything you need to, Shiloah,” seryosong sabi ni Bethany. Marahan akong tumango. “I will, thank you.” “Sandali lang, Shiloah! So you and him…” tinuro niya ako at ang pinto “here? I mean, you and him… did you do it…?” Uminit ang mukha ko at binalingan ng paningin ang sahig. Hindi ako sumagot pero nagulat ako sa biglaan niyang paghampas sa braso ko. It made a loud slap sound. “Sabi ko na nga ba, e! Ang landi mo…” natatawa niyang pang-aasar. Saglit pa kaming nag-usap tungkol sa amin ni Felix. Pababa ay inaalala ko ang bilin nila sa akin. Even before this, I never heard them say ill things about Felix even after showing them the photo of him. Sa halip ay pinagsabihan lang nila ako na hintayin at kausapin siya. Ako lang talaga ‘tong matigas ang ulo. “Sorry pinakialaman ko na ‘yung ingredients dito,” ani Felix nang nakapasok kami sa kitchen. Sa mesa ay nakahanda na ang lahat. Kanin, ulam, tubig. Kami na lang ang hinihintay. The four of us had dinner together. Bawat subo ay pabalik-balik ang tingin ko sa kina na Bethany at Amanda na panay rin ang sulyap sa akin t kay Felix. This is very awkward, you know. Uminom ako ng tubig saka tumikhim. “Mandy, are you going to spend the night here?” basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin ngayon. Pinagtaasan niya ako ng kilay. “Why? Natatakot ka bang mahuli mamayang gabi?” halos batuhin ko siya ng kutsara nang ngumisi siya ng makahulugan. “Para sa ikapapanatag ng puso mo, hindi. I will drive Bethany home. It also seems like you don’t need me here anymore. You’ve got acquaintance,” aniya sabay sulyap kay Felix. Kaya naman nang lumalim ang gabi ay nagdesisyon silang umalis na. Iniwan ko muna saglit si Felix sa loob habang sumama ako sa kanilang dalawa sa labas para ihatid sila hanggang sa elevator. “Ang rupok mo naman, Shy. Sumuko ka kaagad, e” patuloy na pang-aasar ni Amanda. Inirapan ko siya. “If I know, ganyan ka rin.” “Talaga? Paano mo naman nalaman?” “Mandy, please stop already,” saway ni Bethany sa amin. “Bakit ako lang sinasaway mo?” sa nanlalaking mata ay hinawakan niya ang dibdib niya at umarteng nasasaktan. Hindi naman siya pinansin ng isa. I sticked my tongu out to her. “Call us if you need anything,” bilin pa ni Bethany bago pinindto ang ground floor button. Before the door finally closed, I waved my goodbye to them. Nang nawala na sila sa paningin ko ay huminga ako ng malalim at umikot para bumalik sa loob. Bukas ang television sa living room but he’s not there. Narinig ko ang lagaslas ng tubig sa kusina kaya naglakad ako papunta roon at nakita kong naghuhugas siya ng plato. Nangingiti akong sumandal sa may entrance habang nakakrus ang braso. Siya ang nagluto ng masarap na pagkain kanina tapos ngayon ay naghuhugas naman siya ng plato. It’s really nice to see a man doing things woman usually does lalo na sa panahon ngayon ay hindi na uso ang traditional gender-roles. “Kapag kinuha ba kitang kasam-bahay, magkano sweldo mo” tanong ko. Nilingon niya ako bago ngumiti. “Expensive. You will sign a lifetime contract with me to earn my service,” aniya saka pinatay ang gripo at pinatuyo ang basa niyang kamay gamit ang pamunas na nakasabit sa handle ng ref. Ngumiwi ako sa kanya. “Well, it should include every chores. Like cooking, cleaning, washing clothes… everything.” Umayos ako ng tayo nang nagsimula siyang maglakad palapit sa akin. Inakbayan niya ako at pareho naming tinungo ang couch. We sat down. “Sure. I could be your cleaner, driver, husband…” Siniko ko siya. Uminit ang pisngi ko at pakiramdam ko ay pulang-pula ako ngayon. “What are you saying…” kunwari kong tanong. He chuckled and pulled me closer to kiss my temple. “Are you going to stay for the night…?” pagbabakasali ko. “Do you want me to?” Yumuko ako nahihiyang tumango. He chuckled once more. Before, it’s rare to see him smile. But now, it feels illegal to hear his soft chuckles and laughs. Pareho naming nilingon ang center table kung nasaan ang telepono niya noong nag-ring ito. Kinuha niya ito at bumalik sa tabi ko kaya nakita ko ang caller I.D. nito. I even think na sinadya na talagang ipakita iyon sa akin. But unlike the other days, I felt calmer. “Hello,” sagot niya sa kabilang linya habang nakatitig sa akin. Nagpasya akong tumayo pero laking glat ko nang hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ako pabalik. “Wait up, Coraline,” he said and put the phone on-hold. “Where are you going?” “Upstairs. I will wash up,” sagot ko. “It’s okay. We’ll talk. Later.” Matagal niya akong tinitigan. Tila tinitimbang ang reaksyon ko. Kalaunan ay binitawan rin niya ako. “Susunod ako,” aniya na tinanguan ko naman. I want to give him his personal space. After all, may pinagsamahan sila ni Coraline and although apektado ako sa dito, iniisip ko pa rin na hindi ako pwedeng makialam. It’s called boundary. Coraline has unsolved issues to Felix, and so I am. Pero sa kanila lang iyon, at ang problema naming dalawa ni Felix ay amin lang kahit pa sabihin siya ang dahilan. I went straight to the bathroom to wash up tulad ng paalam ko sa kanya. I am doing this not because I am expecting something later but to clean myself. Unlike me, Felix always looks and smells fresh kahit na anong gawin niya buong araw. Nakakahiya namang tumabi sa kanya gayong natuyo na ang mga pawis ko mula pa kaninang umaga. I did my every night routine. When I went out of the bathroom, he was standing beside my bed, watching the picture frames hanged on the wall. “Can I use your bathroom?” “S-sure… May… pamalit ka ba?” Umiling siya. “Can you let me borrow one from you?” “Uhh, wait…” Nagmamadali akong naghanap sa loob ng closet ko. Felix is a huge man. Tingin ko ay large ang size ng short na para sa kanya. Ang mga mayron lang ako rito ay cotton shorts in medium size, swerte nang maituturing na nakahanap ako ng may kalakihan kong sports shorts. Agad naman siyang pumasok sa banyo pagkatapos ko itong iniabot sa kanya. Mabilis akong nagspray ng perfume sa parte ng leeg ko bago pumuwesto sa kama. Kinumutan ko ang sarili ko at agad nagpanggap na natutulog. A few moments later, I heard the opening and closing of he bathroom door. I closed my eyes tightly. “Are you asleep already?” he doubted. “Yes.” Napamulat ako nang narinig ko ang mahina niyang halakhak. I grinned when I saw him on my shorts. Malaki iyon sa akin pero nagmukha lang itong pambatang damit sa kanya. “Hindi ka na madamot sa ngiti at tawa mo, ah?” He eyed me curiously. “What do you mean?” umupo siya sa gilid ng kama. Bahagya akong bumangon bago siya sumagot. “You rarely smile nor laugh. If you do, madalas ay sarkastiko. But now, you’re different…” “Crazy…” he kissed my forehead. “I love you.” he whispered in my ear. Lumubog ako sa kama dahil sa hiya. I don’t know how to react! Until now ay hindi pa rin ako makapaniwala. “I said I love you, Shiloah.” Hinila ko ang kumot pataas at tinago ang mukha ko. “Shiloah?” “I heard you!” “Uh-huh?” “T-thank you…” “What?” natatawa niyang tanong. Impt akong napasigaw nang malakas niyang binawi ang kumot para makita ang mukha ko pero mariin akong napapikit para hindi siya makita. With a grin still hinted on his face, I heard him sigh. Then his arm snaked on my waist. He pulled me closer and hugged me tightly. “I did not sleep with her…” Hindi agad ako naka-imik. Pareho naming alam kung ano ang ibig niyang sabihin. Kanina lang ay ang tapang kong sagutin si Bethany na kakausapin ko si Felix tungkol rito pero ngayon siya na mismo ang nagbukas ng topiko ay parang nalunok ko ang dila ko. “We were at my parents’ house. Noong oras na iyon. Her house is just kilometers away from us kaya tuwin pinapakiusapan niya akong puntahan siya, kahit kailan ay hindi ako nagpalipas ng gabi roon,” ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga nang ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg. “I have no idea kung paano siya nakapasok sa kwarto ko but I assure you, Shy. I did not. I’m sorry…” “Shh…” I brushed his hair. My heart softened. Sometimes, an apology is all we need to remove the hate in our hearts. The evil thought that Felix abandoned me, that Coraline weighs more than me, this small talk we had proves that communication and comprehension really matters in a relationship. He conversed, he explained, and I accepted, I understood. Nakahinga na ako ng maluwag dahil pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik. “I don’t want you to have an idea that I am that kind of person, Shiloah. I have a mother and a sister. I will never do things that will surely break your heart.” I stayed silent. “Why are you not speaking?” I kissed his forehead. “Because it’s nice to hear your thoughts. I admit, I was jealous and hurt. Probably because I don’t understand these things at all. This is my first relationship-” “And your last,” singit niya. Pabiro kong hinampas ang braso niya. “Anyway, as I was saying, I don’t think we will end up in that worst situation only if you replied to me and answered my calls. Hindi naman sa sinisisi kita ha pero parang ganoon na nga.” Lumayo siya sa akin at sinsero akong tinitigan. “I’m sorry…” Nangingiti kong pinitik ang noo niya. “Bakit nga ba hindi mo nasasagot ang mga tawag ko?” Napaisip siya sa sinabi ko. “I can’t find it…” aniya. I furrowed my brows at him. “I remember putting it on the table but it was nowhere there when I tried to find it. Ginusto ko ring lumuwas pabalik rito pero natatakot akong iwan si Coraline kay Farah. My sister seems to be hotblooded these days. She hates the girl…” he announced. Napailing na lang ako sa narinig. Humikab ako at kinusot ang mga mata ko. “Let’s rest,” sabi niya. “Alright…” Bumangon siya at pinatay ang ilaw. Ako naman ay ni-on ang lamp. Nakapikit na ang mga mata ko nang naramdaman kong lumubog ang kama. I was ready to sleep when he called me. “Shiloah…” “Hmm?” “Let’s go out tomorrow.” Dinilat ko ang mga mata ko at binalingan siya. “To where?” Tumagilid siya sa gawi ko. Ginaya ko ang ginawa niya. Ngayon, magkaharap na kami. “To a date?” I tried to suppressed my smile but I failed. "Good night, Shy..." he whispered. "Good night..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD