Cancer

2348 Words
 CHAPTER 36   Puting kisame ang bumungad sa aking paningin nang idinilat ko ang mga mata ko. Naramdaman ko rin ang parang kung anong nakatusok sa kaliwang kamay ko. A dextrose. I’m in the hospital?   Hinawakan ko ang ulo ko nang sinubukan kong balikan ang mga nangyari.   I was in the executives floor. Talking to Bethany.   “Shiloah?” napalingon ako sa gawi kung nasaan nanggaling ang boses ni Bethany. “Shiloah, thanks God you’re awake!” nilapitan niya ako.   “Kanina pa ba ako rito?”   “Maghahating-gabi na. Ilang oras ka ng walang malay. Bakit ka pa ba kasi pumasok kung alam mo naman pa lang may sakit ka?!” pangangaral niya.   Hindi ako sumagot.   Sabay kaming lumingon nang bumukas ang pintuan at pumasok si Amanda.   “Beth-- my god, Shiloah!” malalaki ang hakbang na lumapit siya sa amin. Alam mo ba kung gaano mo kaming pinakaba? It’s a good thing you were with Bethany! Imagine passing out ng wala kang kasama? We wouldn’t know what happened to you! Nako, a! Hindi ko ito ipinaalam sa mga magulang mo. For sure, tita and tito will not think twice of rushing here!”   Hindi ko pinansin ang sermon nila. Inalalayan nila ako nang sinubukan kong umupo ng maayos.   “Tatawagin ko lang ang doktor--”   “’Wag na,” pigil ko kay Bethany “I’m… feeling better. Lagnat lang naman ‘yon.”   “Well, nahimatay ka lang naman dahil mataas lang naman ang lagnat mo,” pagtataray ni Amanda.   “Pero, magaling na ako.”   “We wouldn’t be sure with that kung hindi natin tatawagin ang doktor kaya sige na Bethany, lumabas ka na.”   “Wait,” pigil ko “Did you call him?” nahihiya kong tanong.   I remembered his name was the last work I muttered before passing out. Nagkatinginan silang dalawa ni Amanda.   “He was not answering his phone.”   Bumagsak ang paningin ko sa puting kumot na nasa harapan ko. Ganoon pa man, ayaw kong isipin nila na nalungkot ako dahil doon kaya pinilit ko ang sarili kong magpakita ng ngiti.   When the doctor came in, he told me to stay for a little while para mamonitor pa nila ang kalagayan ko but I assured him I’m fine kaya sa huli, ay wala rin silang nagawa nang pinilit kong magpa-discharge.   Okay naman na talaga ako.   “Sinasabi ko talaga sa’yo, Shiloah, kami ang mapapagalitan ni tita at tito dahil sa’yo, e! Baka mamaya over-fatigue na mangyari sa’yo!” dagdag sermon ni Amanda.   Makahulugan kaming nagkatitigan ni Bethany. Why does Amanda nags like a mom? Well, that’s what I like about her. Also, I think every friendship has that one friend who acts like a mom and takes care of us.   Sa kotse, patuloy pa rin sa panenermon si Amanda. Naririndi na ako sa paulit-ulit na mga sinasabi niya na parang gusto ko na lang takpan ang mga tainga ko. Siya ang hahatid sa akin pauwi. Ako sa front seat at si Bethany sa likod.   Sa byahe ay kinuha ko ang cellphone ko mula sa bag para tingnan kung may mensahe ba ito. Mayroon akong natanggap na text messages mula kay miss Allona at sa iilang mga katrabaho ko pero kahit isa doon ay wala ang mula kay Felix.   Pasimple akong bumuntong-hininga bago nagtipa ng mensahe para sa kanya.   To: Felix   Where are you? Are you home?   Ilang beses ko pa itong paulit-ulit na binasa bago pinindot ang ‘send’ button. Panay rin ang sulyap ko rito, umaasang magrereply siya. Pero hanggang makarating ako sa bahay ay hindi ito nangyari.   What’s happening?   Nagsisimula na akong hindi mapakali. Pinipilit ko na lang ang sarili kong kumalma. Little did I know that Bethany has been observing me silently since from the hospital. Nasa kwarto na ako ngayon, nakahiga habang siya ay naka-upo sa gilid ng kama ko. Amanda’s downstairs, naghahanda ng kakainin ko in case daw na magutom ako. Pinigilan ko siya dahil sabi ko’y hindi naman ako lumpo pero hindi siya nagpaawat.   “Shy…” mula sa cellphone ko ay nilipat ko ang paningin ko sa kanya. Base sa ekspresyong ipinapakita niya sa akin ngayon ay pakiramdam ko may gusto siyang sabihin pero nag-aalinlangan lang.   “What is it?” bahagya akong bumangon.   “Um.. actually, hindi totoong hindi sumagot si Felix. I-I mean, may sumagot p-pero…” bigo niya akong tiningnan “hindi siya. Ang ibig kong sabihin, s-someone answered his phone. A woman. Hindi ko sigurado b-but I think…”   Nanlamig ang buong katawan ko. Who could that be? Isa lang ang pangalang tanging naiisip ko.   “I asked where Felix was but she ended the call immediately without answering my question.”   Tumango ako.   “It’s okay. Kakausapin ko na lang siya kapag bumalik na siya sa office.”   Hindi ko mabasa ang reaksyon ni Bethany. Hindi nila ako hinayaang mag-isa na kahit matutulog na ay pinili pa rin nilang kasama ako. Kaya ngayon ay para kaming mga sardinas sa kama ko pero habang ang lalim na ng mga tulog nila ay dilat na dilat pa rin ang mga mata ko.   Bumangon na naman ang pamilyar na kirot sa puso ko pero hangga’t maari ayaw kong magalit. Nag-isip ako ng posibleng bagay kung bakit hndi si Felix mismo ang nakasagot ng cellphone niya. Baka may binili. Baka kumakain. Baka may ginagawang iba. Baka nagkataon lang.   Pero masasabi ko pa rin bang nagkataon lang ulit kung si Coraline na naman ang nakasgot ngayon?   “Hello? Who’s this?” tanong niya sa kabilang linya.   Nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko.   It’s unusual of him to be like this. Nag-aalala na ako kaya hindi ko napigilan ang sarili kong tawagan siya. Nagbaka-sakali lang naman ako. Pero bakit naman ganito?   “Sino ba ‘to? Felix is asleep right now kaya kung may gusto kang sabihin, tell me your name para masabi ko sa kanya na tumawag ka.”   Bumangon ako at pinunasan ang mumunting luha na nagsimulang pumatak sa mga mata ko.   “Hello? Hindi ka ba magsasalita? I will drop this call if you don’t have anything to say!”   She, indeed, dropped the call.   After a few second, my phone beeped. A multimedia message from Felix. Nanginginig ang mga kamay kong pinindot iyon and when I opened it, I felt like my heart dropped like a glass fell from a table and shattered into pieces.   It’s a photo of Felix. Half-n***d and fast asleep.   Tinakpan ko ang bibig ko para pigilang tumakas ang mga hikbi ko. Can I still consider this a coincidence? I don’t think so.   Ano’ng ibig sabihi noon? Did Felix slept with her? I don’t think he’d do that. I know he won’t. I trust him but… staring at this photo filled my mind with ill thoughts about him and her. Dahil ano pa ba ang dapat na isipin sa lagay na iyon? Kahit sino’ng nasa posisyon ko ay mag-iisip ng masama kapag nakita nila ang boyfriend nilang ganito ang ayos.   Binalingan ko ang mga kaibigan kong nasa magkabilang-gilid ko saka bago dahan-dahan umalis ng kama. Dumiretso ako sa kusina at uminom ng malamig na tubig.   Naglakad ako sa living room at nagpasyang doon na lang magpahinga. I need to rest. After all, kagagaling ko lang sa sakit. Bahagya akong nahiga sa sofa at tinitigan ang kisame.   I can’t have the answers I need kung wala akong gagawin. I need to talk to him. Ipinikit ko ang mga mata ko. Pagdilat ko ay busangot na mukha ni Amanda ang bumungad sa akin.   “Bakit ka dito natulog? Kung hindi mo pala kaming gusto katabi, sana sinabi mo!”   Inirapan ko siya at bumangon na.   “Ano’ng oras na?” tanong ko sa kanya pagkatapos humikab.   For some reason, I don’t feel sad as I was last night. Weird pero okay na rin. I can’t be sad. Marami akongdapat gawin.   “Huh? Uh, 6:30. Bakit?”   “I need to work.”   “Work? Magaling ka na ba?” pinagkrus niya ang kanyas braso.   Nginisihan ko siya. Nakita kong sumungaw ang ulo niya mula sa kitchen.   “Breakfast is ready,” she said. I stood up and joined her in the kitchen. “Ininit ko lang ‘yung braised beef na ginawa ni Amanda kagabi since I don’t have much time to prepare. Papasok ka ba?”   Tumango ako.   “Okay ka na ba? Shouldn’t you rest more? Ako na bahala mag-file ng--”   Pinutol ko ang sasabihin niya.   “No need. May files pa akong hindi natatapos kaya papasok ako.”   Sumunod si Amanda sa kitchen at hinila ang katabi kong upuan para maka-upo. Ganoon din ang ginawa ni Bethany. Sumandok ako ng kanin at ulam na inihanda niya.   "Shy, about what I told you last night..."   I waved my hand at her.   "It's okay, Beth. I will manage this," sabi ko kahit sa totoo lang ay ayaw ko itong pag-usapan ngayon. Umaga pa lang at mabuti ang pakiramdam ko. Hangga't maaari ayaw kong masira ito.   "Ano na naman 'yun? Bakit wala na naman akong alam, ha?" singit ni Amanda. "I felt like you two ousted me in this friendship. Hindi niyo na ako sinasali sa mga ganap at chismis," pag-iinarte pa niya.   Hindi namin siya pinansin ni Bethany at nagpatuloy sa pagkain dahilan kung bakit mas lalo siyang sumimangot.   Pagkatapos ng breakfast ay umalis na silang dalawa. Hinatid pa ni Amanda si Beth sa kanyang condo para makapagbihis at makapasok sa trabaho. Nahiya tuloy ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay inabala ko siya.   I opened my phone to see kung may message ba. Mapait akong ngumiti nang nakita kong malinis ito. Bakit pa ba ako umaasa? Umiling ako habang naglalakad papasok sa sasakyan ko. Nitong nga nakaraang araw ay nagko-commute ako papasok sa trabaho kahit malapit lang naman ito sa akin. Ewan ko, tinatamad ako. Ganoon siguro ang epekto sa akin sa pagbabagong nagaganap sa amin ni Felix.   Nakakatawang isipin na kung gaano ko siya katagal nakamtan ay ganoon naman kabilis siyang mawawala sa akin. Hindi ko pa nga nasasabing mahal ko siya ay bibitawan ko na yata siya. Napahawak ako sa dibdib ko nang naramdaman ko na naman ang kirot.   Bumuntong-hininga ako ag itinabi ang sasakyan ko sa harap ng isang coffee shop. Maaga pa naman kaya nagpasya akong tumigil muna dito. Ito yung pinagbilhan ko ng coffee and cupcake na para kay Felix na hindi ko alam kung nakain ba niya.   Umirap ako nang naisip kong si Felix na naman ang iniisp ko.   Pumila ako sa counter at tumingin-tingin ng gusto kong kainin. Hindi ako gutom pero nakakahiya naman kung tatambay na lang ako dito ng walang binibili, hindi ba?   "Uh, cinnamon roll and coffee machiato, please." Pagkatapos kong umorder ay naghanap ako ng bakanteng upuan. Actually, bakante pa naman ang lahat dahil maaga pa pero mas gusto ko yung sana pinakasulok, malayo sa mga customer na dadating.   Habang tinitingnan ang abalang kalsada ay naisip kong okay lang naman siguro kung ma-late ako. Gusto ko sanang magpalipas muna kahit ilang oras lang.   I took out my laptop from my bag and turned it on. Dito ko na lang gagawin muna yung gagawin ko sa opisina.   I took a sip from my machiato when someone's shadow covered me. Nangungunot ang noo kong tiningnan kung sino iyon pero bigla akong napatayo nang nakita ko ang malawak niyang ngiti.   "Eion!"   "Hi! Can I join you here?"   "Sure, sure."   Maayos niyang nilapag ang hawak niyang cheesecake at iced americano.   "Kamusta? Ang... Ang tagal natin hindi nagkita, a? Kahit sa office building, I rarely see you."   Sinulyapan niya ako saka nangingiting umiling.   "I already left," he simply answered.   Nagulat ako doon kaya hindi ako agad nakapagsalita.   "Sinunod ko 'yung sinabi mo. I wrote a resignation letter and now I'm a freelancer. An agency actually offered me a position. They liked the sample photos I took with your friend, Amanda," humigop siya sa kanyang kape bago nagpatuloy "Pero pinag-iisipan ko pa kung tatanggapin ko ba."   Whoa. Kaya naman pala kahit anino niya'y hindi ko mahagilap. He resigned.   "Ikaw, kamusta? Kayo na ba ni Felix?"   "H-huh?"   Ngumisi siya.   "That man likes you, Shy. It was just a wild guess, you know. When we met again in the office and he grabbed your hands first when I was about to, hindi ko mapaliwanag kung bakit niya nagawa 'yun, e. I just confirmed it after that bar incident and then when he invited himself to our lunch," natatawa niyang sabi.   I don't know how to react about this. Unang-una ay wala akong ka-ide-ideya tungkol sa posibleng nararandaman ni Felix sa akin noon pa dahil hindi naman talaga kami nakakapag-usap tungkol dito. Pangalawa, naaalala kong iniwan ko roon sa fast food resto si Eion para mailayo si Felix.   "I'm sorry about it, Eion," bumagsak ang paningin ko sa sahig. "I tried calling you on the following days but you're not responding to any of it."   Gusto ko pa sanang sabihin na nawala na rin iyon sa isip ko dahil abala ako pero nakakahiya. Isa pa'y ayaw kong isipin niyang wala lang iyon sa akin. Kahit paano naman ay kaibigan na rin ang tingin ko sa kanya.   "It's okay, Shy. Aaminin ko, masama talaga ang loob ko noon. Sinabi ko pa sa sarili ko na si Felix ang nang-aaway pero bakit siya pa rin ang hinila palabas? Pakiramdam ko noon ay mas kinakampihan mo siya."   Umiling ako.   "But, I realized... Siguro gusto mo rin siya."   Napalunok ako.   "I actually like you, Shiloah," pag-amin niya. "Not as a friend but, romantically."   Naglikha ng ingay ang kung anu-anong nakasabit sa pinto, senyales na may pumasok sa customer. Nagpatuloy rin sa pagsasalita si Eion pero napako na ang paningin ko sa dalawang taong pumasok.   Her arm is linked in his, nakangiti ang babae habang papalapit sa counter. Masiglang-masigla rin ang boses nito na para bang walang nararamdamang sakit.   Nilibot naman ng lalaki ang buong paligid ng shop. Sa pagbaling niya sa akin ay nagtama ang paningin namin.   Kumabog ang puso ko. Bumalik sa isipan ko ang litrato kagabi at parang maiiyak na naman ako.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD