Felix

2629 Words
Out of sympathy, people often give what they have to other people to who were less fortunate than them. Kung ilalagay sa mas reyalistikong halimbawa, isusubo na lang natin ang tinapay na binili, mas pipiliin nating ibibigay na lang sa batang pulubi dahil kawawa naman. Dahil mas maswerte pa rin tayo na kahit paano ay nabibili pa rin natin ang ating mga kailangan sa pang-araw-araw, hindi kagaya ng pulubi. It’s an analogy to Coraline and me. Akin ang tinapay, pero ibibigay ko na lang sa pulubing si Coraline. Although, hindi ko sinasabi na literal siyang pulubi. It’s just that, pansamantala ko munang ibibigay sa kanya ang akin dahil kawawa siya. Dahil mas nanganailangan siya. Dahil buhay ang nakataya. It has been weeks since that day but I still refuse to believe that everything was real. Bumalik na ako sa pagtatrabaho. Nakatambak ang mga papeles sa mesa ko. Kailangan ko na na itong matapos pero ang isipan ko ay nasa kung ano ang nangyari sa resort. That night, as Coraline were sobbing, we were all left in silence. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita at kung ano tamang salitang sasabihin. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko noong gabing iyon lalong-lalo na nang makita ko ang sinseridad sa mga mata ni Felix. Pati si Farah na parang sasabog na sa inis nang gabing iyon ay parang nalunok ang dila sa biglaang pagtahimik. Akala ko nga ay ipagpapabukas pa namin ang pagbabalik ng Metro dahil sa rebelasyong naganap pero hindi nagpaawat si Felix. Naisip ko na kung magpapaiwan siya ay marunong naman akong bumyahe mag-isa. I can go home alone but he still pushed through that we had to go back home. Together. “I am hoping for your consideration on my daughter’s condition,” pahabol pa ni Aileen nang paalis na kami. Hindi ko tumbok ang ibig niyang iparating pero may ideya ako kung ano iyon. That she hope Felix would be with his daughter. The whole ride, Felix and I were in deep silence. Hindi ko alam kung tama bang magsalita sa mga oras na iyon. Hindi ko alam ang kung ano ang dapat sabihin. He was just driving silently na para bang wala ako sa tabi niya. Pakiramdam ko ay malalim ang iniisip niya. And although he does not speak of it, alam kong bothered rin siya. Since that day, he became extra busy. Sa trabaho at sa kay Coraline. Once we were eating our lunch in the cafeteria when she called, asking for Felix. Ended up eating alone dahil umalis siya. Dahil kailangan siya. Sometimes, he’d just leave the office on random hours, nagmamadali. When I texted him where’d he go, he would just simply reply: Cora needs me. I didn’t know he’s that kind of person. Dahil nga madalas kaming magtalong dalawa noon, I just see him as a rude and cold person. My heart melted when I realized that he’s a soft person pala. A person who’s willing to come running if you need him. Last weekend, we scheduled a dinner date. I was so excited because it was the first time he’d asked me on a date officially. Because you know, I always refuse his invitation of eating a simple lunch with him. I remember I was so excited. Pinili kong suoting ang isa sa mga binili naming cocktail dress ni Amanda. I reserved this for a special occasion. Hindi ko naman akalaing susuotin ko pala ito sa first official date namin ni Felix. “Hi!” sinalubong ko siya ng halik pagbukas ko pa lang ng pintuan ko. He looked dashing even with his simple white button down shirt. Lumapad ang ngisi ko nang inabot niya sa akin ang bouquet ng rosas. “Here,” tinanggap ko ito. “Thank you,” halos pabulong kong sabi habang hindi pa rin natatanggal ang paningin sa mapupulang bulaklak. This is also the first time I received flowers and it felt extra special dahil mula ito sa kanya. “Tara na?” tanong niya. “Sandali.” Mabilis akong tumalikod at nilapag sa kitchen table ang rosas. Mayroon akong mga vase dito pero wala na akong oras para hanapin iyon ngayon dahil medyo malayo pa ang retaurant kung saan nagpa-reserve si Felix. I swayed out clasped hands as we drew closer to his car. Nang naayos na niya ang seat belt niya ay biglang tumunog ang cellphone niyang nasa dashboard. Dahil sa ilaw nito ay nakita ko kung kaninong pangalan nanggaling ang mensahe. Kinuha ito ni Felix para tignan ngunit agad ring binalik. Pasimple akong nag-iwas ng tingin at nag-isip ng ibang bagay para hindi masira ang mood ko. Pagpasok namin sa restaurant ay agad kaming sinalubong ng nakangiting staff. Iginiya niya kami sa aming mesa kung saan agad namang ni-serve ang pre-ordered na pagkain ni Felix. It’s steak and wine night for the both of us. “I’m actually planning to buy gifts for miss Allona and sir Paul pero hindi ko alam kung anong magandang bilhin para sa kanilang dalawa.” Isang linggo mula ngayon ay ikakasal na silang dalawa. Ang bilis talaga lumipas ng mga araw. Parang kailan lang simula nang nalaman naming may relasyon pala silang dalawa at heto ako ngayon, nag-iisip na nag pangregalo sa ikakasal. “Hmm…” he sliced the steak in front of him and then he switched our plates “do you want me to go with you? We can look for it together,” he said. “Really? Pero baka kasi marami kang ginagawa by the time na maisipan kong maglibut-libot sa mall. Alam mo naman, kumpara sa ating dalawa, mas marami kang inaasikaso,” hindi ko sinasadyang maging makahulugan ang sinabi ko pero huli na para bawiin pa iyon. He looked at me intently. “I’m sorry, Shy.” Parang kinurot ang puso ko. Alam ko sa sarili ko na wala siyang dapat ihingi ng pagpapaumanhin dahil hindi naman niya ginusto ang alin dito. “Aayusin ko ‘to,” dagdag pa niya. “I-it’s okay, I understand,” ibinaling ko na lang ang paningin ko sa platong nasa harap ko at nagsimulang kumain. “Come on, love. Tell me honestly if you are upset.” Kabado akong humalakhak. Nahihirapan ako, oo. Pero alam kong nahihirapan din siya. Pareho lang kaming dalawa kaya hindi hangga’t maaari ayaw kong maging unfair. Kaya kahit gustong-gusto ko na magtampo, hindi ko sasabihin sa kanya iyon dahil ayaw kong madagdagan pa ang iniisip niya. This is mentally draining after all, lalo na’t malapit na rin i-announce ang resulta kung sino ang karapa’t-dapat na maluklok as a Director. “Ano ka ba, okay lang talaga. Naiintinidihan ko. S-sabihin ko naman sa’yo kapag n-nagtatampo a-ako, e,” pagsisinungaling ko. With that, his phone rang. He answered it and put it in loudspeaker. In the background, I heard someone crying and the other person vomiting. “Tita?” Felix called. “Felix,” hagulgol nito “Can you come over? Coraline has been vomiting nonstop…” nagkatitigan kami ni Felix. Bumilis rin ang t***k ng puso ko dahil sa takot na baka kung ano na ang nangyari. “…I-I d-don’t know what to do, hijo.” “Calm down, tita. Paalis na ako. Sandali lang,” aniya. He ended the call. Huminga yaa ng malalim. “Shy…” Tumango ako. “You can go,” I smiled a little kahit na parang kinurot ang puso ko. “I’m sorry…” he whispered. “It’s alright.” “Ihahatid na muna kita-” mabilis akong umiling. “Hindi na, uubusin ko na lang muna ‘to,” turo ko sa steak “sayang naman kung hindi ko kakainin.” “Paano ka uuwi?” “I can just get a cab, or kung hindi ay tatawagan ko na lang si Amanda. It’s weekend she could be somewhere partying, magpapasundo ako.” “Alright. Call me when you’re home,” mabilis niyang hinalikan ang noo ko bago walang lingong lumabas ng restaurant. Bumagsak ang mga balikat ko habang tinatanaw siya papalayo sa akin. Halo ang nararamdaman ko. Tampo at awa. Tampo para kay Felix. Pero parang hindi ko na rin alam kung para kanino ba talaga ang awang nararamdaman ko, sa kanya ba dahil hindi ko lubos maisip kung gaano kahirap ang pinagdadaanan niya ngayon o kung sa sarili ko ba, na halos manlimos na lang ng oras. Ganito ba ang nararamdaman niya sa resort? Kasi kung oo, ang hirap na man ng ganito. Gusto kong maging madamot pero hindi pwede. Gusto kong maiyak pero ayaw ko. “Anong nangyari?” salubong na tanong ni Amanda nang sinundo niya ako. Halos manginig ako sa lamig ng aircon pagkapasok ko sa sasakyan niya. Nagpasya akong maglakad-lakad bago umuwi. Wala naman talaga akong balak magpasundo sa kanya kaya lang ay umulan ng malakas. Bawat para ko sa taxi ay may pasaherong laman kaya wala akong choice kundi tawagan siya para magpasundo. Sa byahe ay panay ang tanong niya kung anong nangyari pero nanatili akong tahimik. Simula nung umuwi ako nang Batangas ay ngayon na lang ulit kami nagkita dahil sa sobrang abala ko sa trabaho. Paminsan-minsan ay nagkakasalubong kami ni Bethany sa loob ng building pero hindi pa talag kami nakakakapag-usap. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanila ang mga nangyayari sa buhay ko. “Thank you, Mandy…” hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at lumabas na ng kose niya. “Shiloah? Sandali, what happened?” habol niya bago ko masaran ang pnto. “Can we talk about this tomorrow? Gusto ko ng magpahinga…” “Huh? Uh, o sige…” bigo niyang sagot. Tipid akong tumango at umalis na sa harap niya. Dumiretso ako sa kusina ko para uminom ng tubig nang nakita ko sa kitchen table ang mga rosas. Kumuha ako ng vase at inilagay ang mga iyon doon saka pagak na ngumiti. Pagod ang katawan ko pero ang utak ko ay hindi natigil sa kaiisip sa lahat ng ito. Inabutan na ako ng bukang-liwayway ngunit dilat pa rin ang mga mata ko. Mabuti na lang at Linggo ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakatanggap ng reply mula kay Felix. Kagabi bago ako nahiga ay pinaalam ko sa kanya na naka-uwi na ako kagaya ng sabi niya. Tanghali na pero panay pa rin ang lngon ko sa cellphone ko sa pag-asang tatawagan niya ako. Napatuwid ako ng upo sa sofa ko nang biglang tumunog ang intercom ko. Dali-dali akong tmayo at nangingiting binuksan ang pintuan dahil inakala kong si Felix iyon pero ganoon na lang ang pagkabigo ko nang mukha ni Bethany at Coraline ang bumungad sa akin. Bagsak ang mga balikat ay niluwagan ko ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok sila. “Wow! Ang warm na man ng salubong mo sa amin. Halatang miss na miss mo talaga kami!” sarakstikong sabi ni Amanda. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na lang sa pagkaka-upo sa couch ko. Malakas akong bumuntong hininga habang pinapanood si Coraline na ilapag ang pizza at carbonated drink sa coffee table ko. “Ang tamlay mo. May problema ba?” “Hay nako! Kagabi sinundo ko iyan, basang-basa ng ulan ang loka! Tinanong ko kung anong nangyari hindi ako sinagot kaya nga nandito tayo ngayon para chikahin iyang kaibigan mo, e!” Nagkatitigan kami ni Bethany. Isang beses pa ako bumuntong-hininga bago kumuha ng isang slice ng pizza’ng dala nila. Kinagatan ko iyon bago nagsalita. “You remember Coraline?” panimula ko. Tumango si Bethany. “Oo naman. Paano ko naman siya makakalimutan e kung hindi siya dumating hindi mo pa marerealize na nahuhumaling ka pala sa natural enemy mo!” humalakhak siya pero nang nakita niyang hindi ako natutuwa ay agad ring natahimik. “’To naman, ang seryoso… Bakit ba kasi? Anong problema?” tinabihan niya ako sa couch. Si Bethany naman ay piniling maupo sa sahig. Kumain rin siya ng pizza habang inaaabangan ang kung ano mang sasabihin ko. “I was with Felix in the mall day after we got home from Kalinga and I saw her there. She was with Felix’s sister--” “Felix has a sister?!” eksaheradang tanong ni Amanda. “Whoa. That man really is a mysterious one. Hindi ko alam ‘yun, a?” Sinamaan ko siya ng tingin dahil interapsying ginagawa niya. She grinned and made a peace sign. “As I was saying, I met her and Felix’s sister. She’s Farah by the way. Mabait naman siya sa akin. Except her mom. Apparently, she and Coraline’s mom were best friends and she want Coraline for his son,” I saw their jaws dropped open. “She directly told me that.” Malakas akong bumuga ng hangin. “There are so many annoying things happened to me in that resort, you guys. But you know what’s more nerve wracking? The night we left for home, Coraline’s mom announced that her daughter is sick Like sick. As in cancer.” “For real?” hindi makapaniwalang si Amanda. Sumimangot ako at tumango. “Is that why you were soaked in rain last night?” Muli akong kumagat sa pizza ko. “Yes. We were on a date. Felix and I. Pero hindi pa nga umiinit ang p***t ko doon sa restaurant ay tumawag na ang mommy ni Coraline. Sobbing and asking Felix to come over quickly because her daughter is vomiting.” “Pfft. Bakit? Bakit si Felix ang pinapunta. Mas kailangan ba nila si Felix doon kesa ng doctor?” Napaisip ako sa sinabi ni Bethany. Oo nga ‘no? Bakit ngayon ko lang ‘to naisip? “Baka naman kasi kailangan ng moral support,” pagbibiro ni Amanda “Baka kailangan ng tagaligpit ng suka ni Coraline, ganoon,” malakas siyang humalakhak. “Oo nga. Baka kailangan ng cheer doon. Like ‘Go, Coraline! Isuka mo pa ‘yan’” dagdag naman ni Bethany. Umapir pa siya kay Amanda. Napa-iling na lang ako sa kalokohan nilang dalawa. Pero kahit ganoon, gumaan ang loob ko kahit paano. This is why I am always thankful for the two of them. Because they always make sure that no matter how heavy my cloud gets, they are the rainbow that shines through after I poured my rain. Kinabukasan ay maaga akong nagising na masama ang pakiramdam. Mabigat ang ulo ko at sinisipon. Umaalon rin ang paningin ko. Dahil siguro sa ulan ‘to nung isang gabi. Pagkatapos kong maghanda para sa trabaho ay agad akong uminom ng gamot dahil sigurado akong lalagnatin ako. At kahit matamlay ang katawan ko at parang mabubuwal ako bawat hakbang ko ay hindi ako nagpaawat na hindi makapasok. Pinilit ko ang sarili ko sa pagbabakasakaling naroon na si Felix pero magtatanghalian na ay wala pa rin siya. Inabot ko ang remote control ng air-conditioner para patayin ito dahil halos manginig na ako sa sobrang lamig kahit hindi naman ito ganoon kalakas. Tumunog ang telephone intercom ko. Si Bethany ‘yon. “Pinapapapunta ka ni Miss Allona dito sa taas.” “Sige, papunta na.” Mabagal ang paglalakad ko. Pakiramdam ko kasi ano mang oras ay matutumba ako. Mahirap na, walang sasalo sa akin. “May sakit ka ba?” tanong ni Bethany nang lumapit ako sa tanggapan niya. Umiling ako kahit na naliliyo na ang paningin ko. Nararamdaman ko ang init na binubuga ng ilong ko. Gusto kong umupo pero malayo sa akin ang upuan. Hindi na ako makakaabot doon kapag sinubukan ko pang maglakad. Napakapit ako sa desk niya nang naramdaman kong hindi ko na talaga kaya. “Shiloah? Are you okay? Oh my god!” she placed her hand on my forehead “Nilalagnat ka!” Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. “Felix…” bulong ko. “What? Shiloah!” It’s the last thing I heard and everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD