Nag-iwas ako ng paningin at nagmamadaling niligpit ang mga gamit ko. I have to get out of here.
“I’m sorry, Eion. I have to leave,” paalam ko.
“H-huh? Bakit? May nangyari ba?”
Mabilis akong umiling. Nakita ko sa mukha niya na naguguluhan siya sa biglaan kong pagmamadali pero wala na akong oras para magpaliwanag sa kanya. Isinilid ko sa bag ko ang mga gamit ko at tumayo na.
“Shy, wait,” pigil sa akin ni Eion pero umalis na ako sa harap niya.
Ramdam kong nakapukol ang paningin sa akin ni Felix pero hindi ko na siya pa binigyang pansin.
Malalaki ang hakbang kong tinungo ang pintuan pero bago ko pa magawa iyon ay hinigit na niya ang braso ko.
“Shiloah…” tawag niya.
Sinamaan ko siya ng tingin pati na rin ang babaeng nasa likuran niya. Pagkagulat ang nakarehistro sa mukha ni Coraline. Ano? Hindi ba niya inaasahan na magkikita kami rito?
Malakas kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Felix at lumayo sa kanya.
“Let’s talk…”
Mabilis ang paghinga ko. Palagay ko, ano mang oras ay sisigaw na ako. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Pagmulat ko ay nakangiti na ako.
“Good morning! Ang taas ng sikat ng araw ‘no? Sana lang talaga maganda ang araw niyo.”
“Shiloah, please…” sinubukan niya akong hawakang muli pero umatras ako.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang ginawang pagtayo ni Eion.
“What’s happening, Shiloah?” tanong niya nang nakalapit siya sa kinatatayuan namin.
“What are you doing here?” nababahiran ng inis ang boses ni Felix nang itinanong niya ‘yun kay Eion.
Napasulyap silang pareho sa akin nang hinawakan ko ang braso ni Eion para pigilan siyang sumagot.
Natatakot akong baka saan na naman ito mapunta lalo na’t nasa gitna kami ng shop. Ang mga customer na pumapasok pati na rin ang mga naka-upo sa mga mesa ay panay ang tingin sa amin. Nakakaabala na kami.
“Ang ganda mo today, Coraline. Ang… sigla mong tingnan. Napaisip tuloy ako kung may cancer ka ba talaga? Parang…” tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa “wala naman. Ano nga ulit ‘yung cancer mo?”
“W-what?”
Umiling ako. “Stomach cancer, was it? Hmm… Parang hindi naman stomach cancer ang meron ka. Baka naman cancer ng isang relasyon ang meron ka, tapos na-misdiagnosed ka lang,” mahina akong humalakhak.
“Shiloah…” makahulugang tawag ni Felix. Umirap ako.
“I hope you’re happy, Felix,” sabi ko pero ang paningin ay na kay Coraline. Bahagya akong ngumiti at tinalikuran na sila.
Nanginginig ang mga kamay ko nang pumasok ako sa sasakyan. Isinandal ko ang noo ko sa steering wheel nang may kumatok sa bintana ko. It’s Eion. Ibinaba ko ito para marinig ang sinasabi niya.
“Are you okay?” he asked.
Umiling ako dahil hindi naman talaga ako okay. Bakit ako magsisinungaling hindi ba?
“What happened?”
“It’s a long story but um… can we talk on some other time? I… I need to work,” sabi ko kahit sa totoo lang ay ayaw ko lang naman talagag sabihin. This is between me and Felix. Hangga’t maaari, ayaw kong makisali ang mga kaibigan ko. I don’t want to be like his family.
Matagal niya akong tinitigan bago tumango.
“Alright,” aniya.
“Thank you,” bulong ko.
I drove to the office at habang tinatahak ko ang daanan papasok ng opisina ko ay panay ang hinga ko ng malalim dahil sa sakit na nararamdaman.
Ganito pala ang pakiramdam kapag nagseselos? Hindi ko kasi alam. Kung alam ko ba na ganito ang mararamdaman ko kapag papasok sa isang relasyon, pipiliin ko pa rin ba si Felix?
Pabagsak akong naupo sa swivel chair ko. Sumandal ako sa back rest nito at tinitigan ang mga abalang empleyado sa labas.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bag ko pero mas lalo ko lang sinaktan ang sarili ko nang wala naman itong kahit isang text mula sa kanya. Ibinaling ko ang paningin ko sa madilim niyang opisina. Ilang araw na ba siyang hindi pumapasok?
Selfish na ba akong maituturing ngayon?
I just miss the person…
I glanced at the wall clock after hours of working. Lagpas tanghali na at isa-isa ng bumabalik ang mga empleyado mula sa panananghalian pero kahit isang beses ay hindi pa ako nakakalabas ng opisina’ng ito.
Makakakain pa ba ako sa lagay na ito?
I was signing some papers when my telephone intercom beeped.
“Shy…” boses ni Bethany.
“Yes?”
“Pinapatawag ka sa office.”
“Oh? Alright. I’ll be there.”
Hindi na ako nagsayang ng oras at agad na akong umakyat doon.
“Bakit daw?” tanong ko kay Bethany nang magkasalubong kami sa labas ng opisina.
Nagkibit-balikat siya. “But I think, bad news? I’m not sure pero… just… brace yourself.”
What could that be?
Kumatok muna ako sa pinto at hinintay na sumagot si miss Allona bago pumasok.
“Good afternoon, miss!” bati ko.
She smiled faintly and gestured the seat in front of her.
“Good afternoon, dear,” she greeted back. “Okay ka na ba? I was worried sick when they told me you fainted! My gosh, napaisip tuloy ako kung pinag-o-overwork ko kayo.”
Natawa ako. “Wala iyon, miss. It was just a slight fever.”
Tumango siya. “So how are you feeling now? You could have rested more kung masama pa rin ang pakiramdam mo.”
“I’m feeling better now, miss. Don’t worry,” I chuckled softly.
Malakas siyang napabuntong-hininga.
“I am actually feeling guilty right now,” aniya.
“Why? May problem ba sa company?”
Umiling siya. “Shiloah, dear,” pag-aalangan niya “I know kagagaling mo lang sa sakit but I am sorry to break the sad news.”
Hinawakan niya ang pareho kong kamay at sa paraan ng pagtitig niya sa akin ay may kutob na ako sa kung tungkol saan ito.
“The directors and stakeholders have decided. They chose Felix. May mga bumuto naman sa’yo pero mas lamang lang si Felix because the directors believe that he is much capable dahil na rin sa credentials niya…” hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni miss Allona dahil pakiramdam ko ay nabingi ako.
Sa pangalawang beses ay parang bumagsak sa sahig ang puso ko.
Pwede pala itong mangyari? Ang masaktan ng paulit-ulit sa parehong araw.
“Anyway, I just wanted to tell you in advance,” sabi niya na para bang kung nalaman ko sa ibang araw ay hindi ganito ang mararamdaman ko.
Felix and I never talked about this. Kung ano ba yung plano namin kapag ang isa sa amin ang makakuha ng posisyon. Aaminin kong natakot ako sa maging ganito ang kinalabasan, at heto na nga ang kinatatakutan ko.
So many times I refused to think about this because I know I will always end up concluding that Felix is more credible than me. Totoo naman. Nung nasa bahay kami namin, noong nag-uusap kami ng mga kaibigan ko, akala ko matatanggap ko e. Akala ko hindi ako masasaktan kapag nangyari ito. Akala ko kaya kong ibigay sa kanya ang pangarap ko.
Akala ko…
“So, what is it?” tanong ni Bethany nang napadaan ako sa reception desk niya.
“Felix got it,” I smiled bitterly.
“What?”
Tumango ako. “It’s okay. I’ve always known it will end up like this.”
“What’s your plan?”
Tinitigan ko siya diretso sa mata.
“I will resign, Bethany.”
Nanlaki ang mata niya sa mga salitang namutawi sa labi ko.
“What? Are you serious?!” she hissed. Lumabas siya sa kanyang desk at hinila ang braso ko palayo doon.
“Yes.”
“Pero bakit? Is this enough reason to leave?”
Marahan akong tumango.
It is, Bethany. Because what do you do in a place you are not needed anymore? Leave.
Bumagsak ang mga balikat niya.
“Shiloah…” hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako para yakapin. Hinaplos ko ang likod niya.
“Stop overreacting, Bethany. I will leave the company but not you life,” natatawa kong sabi.
“But I will miss you here! Seryoso ko ba diyan?” nilayo niya ang sarili niya.
“Unfortunately, yes.”
Nalulungkot niya akong tinitigan.
Did I made a hasty decision?
Nadala lang ba ako ng bugso ng damdamin?
The answer is, no.
I’ve made up my mind. Aalis na ako sa kompanyang ito. Hindi ko maaatim na magtrabaho pa rito habang pinapanood ang ibang taong nagtatrabaho sa posisyon pinangarap ko. Dahil si Felix ito. Kahit sabihin pang mahal ko ang tao.
The company doesn’t need me, that’s why they chose Felix.
Felix doesn’t need me.
It’s heartbreaking but maybe none of these were meant for me. Maybe I am meant for something else. Maybe I belong somewhere else.
It’s hard to bid farewell to the company I treasured for how many years. Habang nagsusulat ng resignation letter ko ay nagbabadyang tumulo ang mga luha ko pero kinagat ko ang dila ko para pigilan ito.
Please, I don’t have time for tears right now.
This is where I’ve started to establish my career. Miss Allona took care of me and treated me like a friend more than a mere employee. She’d probably be surprised, be hurt, or feel like I betrayed her but… this is life and I have to do this.
Habang buhay akon magpapasalamat sa kanya sa oportunidad na ibinigay niya sa akin.
Iniabot ko sa HR department ang letter ko at matamlay na lumabas ng building. My co-employees might think this is too sudden but this can’t be helped.
I stopped in front of the building and glanced at it one more time before finally driving home.
I’ve feared for the worst but, I am also hoping for the best.
“Shiloah, I’ll be going out muna for the meantime. May importanteng appointment lang ako today at babalik rin ako around… hmm… let’s say evening?”
Hindi ko siya pinansin. Sa halip, ay nagpatuloy ako sa panonood ng sitcom na palabas sa telebisyon habang inuubos ang laman ng isang junk food.
“Naririnig mo ba ako, Shy?” Inirapan ko siya at umirap rin siya pabalik. “Aalis na ako, ha! May pagkain akong iniwan sa refrigerator, heat it in the oven na lang.”
“Do you think I’m paralyzed or something? I can cook my own food, Mandy. You don’t have to do any of these…”
“Take care,” she said, completely ignoring what I said. “Also, please don’t try to hand yourself, okay?”
“What?!”
“Stay alive. Babalik din naman ako agad,” aniya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
Nang narinig kong sumara ang pinto ay pinatay ko ang TV at malakas na bumuntong-hininga.
Ilang linggo na ang lumipas simula nung umalis ako sa trabaho at walang araw na dumaan na nilubayan ako ni Amanda. Isa lang ang alam ko kung paano niya nalaman, of course it was Bethany’s doings. Nagulat na lang ako pag-uwi ko noong araw na iyon ay mas malungkot pa ang mukha niya kaysa sa akin.
Amanda had been sleeping with me since then. Natatakot na nga ako minsan dahil hinid niya ako nilulubayan ng tingin. Even when I go to the bathroom, she’d knock every minute.
Minsan ay dumadaan dito si Bethany. She’d spend an hour or so to check on me. Siguro ay natatakot silang dalawa sa kung ano ang pwede kong gawin sa sarili ko. Kinuwento ko rin kasi sa kanila kung ano na ag nagyayari sa amin ni Felix. I told them Coraline sent me a picture and showed it to them. Amanda was enraged obviously. I also remember what she told me that night.
“If that Coraline really is sick, everyone in the elite circle would probably know! After all, kilala siya at ang pamilya nya. It’s weird na walang kumakalat na ganyang kwento!”
Nanatili iyon sa isipan ko pero kalaunan ay itinigil ko rin. I don’t want to dwell in that anymore because it is not healthy for me. Kung ang kapalit nito ay kapayapaan ng isip ko, pwes ‘wag na lang. It is a good thing, I guess, to be aware of my own mental state, because if not, I’d be drowning in deep misery.
Fortunately, I am sane and it has never occurred to me to harm myself. I’m doing fine, I guess.
“But you know, Shiloah. It is not good to jump into conclusions. You were not there at tulad ng ng sabi mo noon, Felix clearly doesn’t want to be acquainted with her anymore. Kung hindi niyo lang nga nalaman ang kondisyon niya ay kahit isang beses hindi siya sasama sa kanya, right?”
“Bethany’s got a point, Shy. Siguro dapat na hintayin mo na lang muna si Felix? Might as well talk to him and ask him for the truth. I will also try to hear from my other friends kung may alam ba sila tungkol dito. Nagdududa talaga kasi ako, e.”
That’s all they’ve said after I showed them the picture of Felix. Pero hindi nakikinig ang taong nasaktan. Wala akong balak sundin ang utos nila. Ayaw ko nga siyang kausapin. I’ve decided to detach myself to Felix. Hindi ko alam kung nasaan siya. Wala akong balak alamin kung kamusta na siya. I also changed my contact number. Magkanya-kanyang buhay na lang kami.
But destiny has it’s own way of writing things.I was pulled out of my own reverie when the door intercom rang.
“What is it again, Amanda?!” sigaw ko kahit hindi ko alam kung maririnig niya ba ako mula sa labas.
Wala akong balak tumayo. She knows the password kaya bakit niya pa kailangan pindutin ang intercom?
Naiinis akong tumayo nang paulit-ulit nitong pindutin ang intercom. Mabibigat ang hakbang kong tinungo ang pintuan at walang anu-anong binuksan ito.
“Bakit ba?! May nakalimutan ka b--”
Natigilan ako at nanlaki ang mga mata ko nang hindi si Amanda ang bumungad sa akin.
He took a step forward and towered over me. Napalunok ako nang ipinukol niya ang mga malalamig niyang titig sa akin. The man in front of me is none other than…
“F-Felix…”