“Sigurado ka bang papasok ka ngayon?”Nag-aayos ako ng buhok sa harap ng salamin nang magtanong si Keziah. Katabi nito si Reign at abala rin sila sa pag-aayos ng suot na uniporme. Dito sila natulog kagabi para lang samahan ako. Matapos akong ihatid pauwi ni Franco, ang siya namang pagdating nilang dalawa. Malaki ang pagpapasalamat ko dahil late umuwi si Dad kaya hindi niya nalaman ang nangyayari sa akin. Nakahinga rin nang maluwag nang malaman na maaga ring umalis si Dad ngayon dahil malamang, mapapansin niya ako kung nagkataon na nagkasabay kami sa agahan. Marahan akong tumango. “Oo, Kez, papasok ako.” Ayoko namang maapektuhan ang academics ko. Mahirap mag-focus pero pipilitin ko. Hindi ko hahayaang broken na nga ako, tapos bagsak pa ako. Dobleng sakit naman nu’n! Nag-aalan

