Anim na buwan na ang nakakalipas nang sinubukan kong ipaalam kay Caleb ang tungkol sa pagsisinungaling ni Trisha ngunit nabigo lamang ako. Hindi man lang siya nag-aksaya ng oras para pakinggan ako. "Bri, let's go na." Napatingala ako kay Keziah nang ayain niya akong lumabas na sa classroom dahil dismissal na namin. Wala naman akong ganang tumayo at saka kinuha ang bag ko. Sabay kaming lumabas sa classroom. Hinintay namin saglit ni Kez si Reign sa forest. Mas nauna kasi ang uwian namin kaysa sa kaniya kaya nagpahintay ito. Daldal naman nang daldal si Kez pero hindi ko ito pinapakinggan. Kunyari ay tatango at aakto akong naiintindihan ko ang sinasabi niya kahit ang totoo ay hindi. Ilang araw na akong ganito. Wala talaga akong gana sa lahat. Kahit pa makipag-usap nang matagal na madalas

