Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
Tahimik ang loob ng sasakyan; tanging ugong ng makina at ang banayad na pag-alog sa bawat lubak ng kalsada ang pumupuno sa pagitan naming dalawa.
Ramdam ko ang matinding kaba ng sandaling iyon.
Kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Nais kong magtanong ngunit pakiramdam ko ay may malaking bara sa lalamunan ko ng mga oras na iyon.
Nakatingin ako sa bintana, pinapanood ang mga gusali at taong mabilis na nagdaraan nang malaya, walang iniintinding kasunduan, walang kasal na ipinapataw.
Samantalang ako, papunta sa kung saan, kasama ang lalaking magiging asawa ko sa papel… at bilangguan ko sa realidad.
Nakailang inhale exhale ako ng mga sandaling iyon para umayos ang daloy ng hangin sa aking dibdib. Ngunit Hindi ko magawa. Para akong mababaliw ng sandaling iyon hanggang sa marinig ko itong nagsalita.
“Relax,” bigla niyang wika, hindi man lang ako tinitingnan. “Hindi kita kikidnapin at Wala akong gagawin masama sayo. Hindi naman kasi ako interesado sayo.”
Hindi ako natawa. Ngunit nakaramdam ako ng insecurities. sa mga sinabi niya. “Hindi rin naman ako boluntaryong sumama. Isa pa, alam ko naman na hindi mo ako magugustuhan. Hindi lang talaga ako sanay na may kasamang lalaki sa iisang lugar. At tayo lang dalawa," paglilinaw ko sa kanya.
Sumulyap siya sa akin, may bahid ng amusement sa kanyang mga mata. “Touché.”
Huminto ang sasakyan sa isang mataas at modernong gusali sa gitna ng lungsod. Salamin ang dingding, malamig at walang bahid ng emosyon. eksaktong tulad ng lalaking katabi ko.
“Where are we? ” tanong ko.
“My place,” sagot niya. “Or at least… one of them.”
Napakunot ang noo ko. “Akala ko ba ‘spend time’ lang? ”
Bumaba siya ng sasakyan at binuksan ang pinto ko. “This is spending time. Welcome to my world. Isa pa, ayoko lumabas na kasama ka; baka mamaya pagtawanan lang ako ng mga taong makakakita sa akin.”
Matapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran na ako nito at naglakad papasok sa loob ng building.
Hindi na ako nito sinabayan sa paglalakad at mas nauuna ito sa akin. Kaya tahimik na lang ako sumunod sa kanya.
Pagpasok pa lang namin sa penthouse, agad akong sinalubong ng katahimikan. Walang litrato sa dingding. Walang palamuti. Lahat ay perpekto, masyadong perpekto. Parang walang taong tunay na naninirahan.
“Parang… museum,” bulong ko.
“Nagustuhan mo ba? ,” sagot niya. “Ayokong may bakas ng kalat ang buhay ko.”
May bakas ba ako sa magiging buhay niya? O isa lang akong bagay na ilalagay sa tamang pwesto?
Umupo siya sa sofa at tinapik ang upuan sa tapat niya. “Let’s set the rules.”
Rules.
Parang kontrata na naman.
Umupo ako, tuwid ang likod, handa sa kung anong susunod na suntok.
“Una,” seryoso niyang sabi, “walang pakialamanan. May sarili kang buhay, may sarili rin ako.”
Tumango ako. “Madali lang ‘yan.”
“Pangalawa,” dagdag niya, “Matapos ng kasal ayoko na may nakakaalam ng tungkol sa naging kasal natin dalawa, gagampanan natin ang papel na inaasahan sa atin. Sweet. Presentable. Perfect couple kapag kaharap ang pamilya ko ngunit hindi sa harap ng ibang tao.”
"Nais mo gawin pribado ang kasal? Pero paano natin gagawin iyon? Magagawa ba natin ilihim iyon?"
“Oo naman, ako na bahala doon. Hihingin ko ang tulong nina Mommy at Daddy para pagtakpan ang kasal natin dalawa sa publiko. Marami kami pera kaya hindi mahirap gawin iyon. Strangers,” walang emosyon niyang sagot.
Masakit, pero mas malinaw.
“At pangatlo,” tumingin siya diretso sa akin, “huwag kang iibig sakin dahil Hindi kita kaya saluhin.”
Napatawa ako, mapait. “Huwag kang mag-alala. Wala sa plano ko ‘yan.”
Saglit siyang natahimik. Para bang may gusto siyang sabihin pero pinili niyang lunukin.
“Good,” sabi niya sa huli. “Kasi ako rin.”
Tumayo siya at lumapit sa bintana, nakatanaw sa lungsod. “May paparating na event bukas. Charity gala. Kailangan kitang dalhin.”
“Parang tetest? tanong ko.
“Parang babala,” sagot niya. “Lahat ng mata nandoon. Kaya't wag na wag kang magkakamali."
Kinabukasan, halos hindi ko makilala ang sarili ko sa salamin.
Ang suot kong gown ay simple ngunit elegante. Ang buhok ko’y maayos na nakatali, ang mukha ko’y may bahagyang make-up. sapat para maging “karapat-dapat” sa tabi niya.
Paglabas ko ng kwarto, nandoon na siya, nakasuot ng itim na tuxedo. Nang makita niya ako, bahagya siyang natigilan.
Isang segundo.
Dalawa.
Pagkatapos ay bumalik ang kanyang malamig na ekspresyon.
“You’ll do,” wika niya.
Sa ballroom, agad kaming sinalubong ng mga tao. Ngiti rito, tango roon. Hawak niya ang aking baywang, magaan pero may kontrol, parang paalala kung nasaan ang lugar ko.
“Theo!"Sigaw ng isang babae, lumapit agad sa amin. Maganda siya. Makinis. Perfecto.
“Victoria,” bulong ni Theo sa akin, “meet Cassandra. My cousin.”
“Nice to meet you,” sabi niya sa akin, sinusukat ako mula ulo hanggang paa. “So ikaw pala.”
“Opo,” sagot ko, kalmado kahit gusto kong umatras.
“Interesting choice,” wika niya, nakangiti pero may lason. “Didn’t think Theo would settle.”
Settle.
Narinig ko ang bahagyang paghinga ni Theo “Careful, Cass.”
“Oh relax,” tumawa siya. “I’m just surprised.”
Hinila ako ni Theo palayo. “Ignore her.”
Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko ng sandaling iyon. Lalo na at lahat ng tao naroroon ay pamilya ni Theo.
Bumuntong-hininga ako. “Mukhang marami pa akong makikilala.”
“Get used to it,” sagot niya. “This world eats the weak.”
Lumipas ang gabi na parang isang mahabang palabas. Ngiti. Tawanan. Papuri. Ngunit sa bawat sandali, pakiramdam ko’y unti-unti akong nauubos.
Sa loob ng sasakyan pauwi, napasandal ako, pagod na pagod.
“Kanina,” bigla niyang sabi, “you did well.”
Napatingin ako sa kanya. “Papuri ba yan?
“Observation,” sagot niya. “
Ngumiti ako nang bahagya. “Hindi ako kasing hina ng iniisip mo.”
Tumango siya. “Good. Kasi kakailanganin mo ‘yan.”
“Para sasaan?
Saglit siyang natahimik bago sumagot. “Para sa akin.”
At doon ko naramdaman hindi lambing, hindi pag-asa. kundi ang simula ng isang digmaan na mas personal kaysa sa inaakala ko.
Pagdating ko sa kwarto ko nang gabing iyon, napaupo ako sa kama, nanginginig. Hindi dahil sa takot lamang, kundi dahil sa galit.
Hindi ako laruan.
Hindi ako alay.
At kung ito man ay laro, tulad ng sinabi niya….
Hindi ako papayag na matalo.