Nakatitig lang ako kay Declan habang ibinababa niya ang baso. May ngiti sa labi ko pero sa loob-loob ko ay parang may gumuguhong pader sa dibdib ko. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko, o kung may saysay pa bang umatras. Masyado nang huli para mag-isip. Naroon na ang ginawa ko, at kailangan ko na lang harapin ang mangyayari. “Chloe, uuwi na talaga tayo ha,” wika niya habang inilalagay ang baso sa mesa. Tumayo siya at inalalayan ako. “Sandali lang,” mahina kong sabi. “Medyo nahihilo lang ako.” Napansin kong bigla siyang napahawak sa sentido niya. Kumunot ang noo niya na parang may nararamdamang kakaiba. “Okay ka lang ba? ” tanong ko agad, pilit na itinatago ang kaba sa boses ko. “Ewan ko,” sagot niya. “Parang biglang sumakit ulo ko.” Napaupo siya ulit sa upuan at ipinikit ang

