Sabay-sabay kaming lumabas ng hotel at sumakay ng kotse papunta sa bar na sinasabi ni Nikkie. Tahimik lang ako habang nagkukuwentuhan silang dalawa sa tabi ko. Paminsan-minsan ay tumatawa si Nikkie, at sa bawat halakhak niya ay parang may kumakabig sa dibdib ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Kahit na ramdam ko ang mga patalim na tumatatak direkta sa puso ko. Pilit ko man iwaglit ang sakit na nararamdaman ko. Pero sa bawat segundo, mas lalo akong nahihirapan. Pagdating namin sa bar ay agad kaming sinalubong ng malakas na tugtog at makukulay na ilaw. Maraming tao, halo-halong tawa, usok, at amoy ng alak. Umupo kami sa isang mesa malapit sa gilid. Umorder si Nikkie ng inumin para sa aming tatlo. Nang dumating ang baso ko, saglit ko itong tinitigan bago uminom. Ramdam ko ang pangingin

