“Oh, they’re so cute!” sambit ni Didi nang makita ang mga tuta ni Fergie sa loob ng opisina nina Lio at Brandon. Nasa sulok ng opisina ang dog bed na kinalalagyan ng tatlong tuta at ni Fergie. “Want one?” alok ni Lio na tulad niya ay nakatalungko sa harapan ng dog bed at nilalaro ang mga tuta. “Pero ibebenta sila ni Brandon, ‘di ba?” “Yeah. I’ll buy one for you.” “No, thanks. Tingin ko hindi ko maalagaan ang bagong tuta sa ngayon,” tanggi niya. Hindi niya maaalagaan ang bagong tuta dahil malaki ang posibilidad na buntis siya sa anak nila ni Lio. Pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nakaka-take ng pregnancy test dahil laging nawawala iyon sa isip niya. Plus, she was almost a hundred percent sure that she was indeed pregnant. Bukod sa regular na pagsus

