Napatitig naman si Daniel sa nanunod na si Emmy. “Gusto mo talagang panuorin ito?” Tumango naman ang dalaga habang kumakain ito ng pocorn. “Maganda ba ito?” Lumingon ang dalaga sa kaniya sabay marahang tugon nito. “Manuod na lang tayo.” Kaya sinunod na nito ang gusto ni Emmy… Paano ba nagsimula ang lahat? Nakatitig si Kimneth sa mga kandilang nasa mahabang mesa. Hinanda niya ang mga iyon kasi ngayon ang anibersaryo ng kanilang kasal ni Ellai. Tanging mga nakasinding iyon ang nagpapaliwanag sa paligid. Mga petals ng rosas ay makikita sa daan, lalo na ang isang bugkos ng mga bulaklak na nakalapag sa upuan ni Ellai. “Bakit wala pa siya?” tanong ni Kimneth sa sarili habang takam na takam ito sa hapunan na hinanda niya. Panay usog at pag-abot ng pagkain ang ginagawa nito pero hindi niya

