Panay katok ni Angel sa pinto ng silid ng kaniyang apo. Hindi naman magkandaugaga ang dalawa para hindi sila mahuli ng matanda na nagpupumilit na pumasok sa naturang silid. Agad namang kinuha ni Angel ang nakatago nitong susi at ginawa ang ninanais nito. Nakatitig ang binata at dalaga sa unti-unting pagbukas ng pinto ay siyang pag-alis ni Daniel na parang bula. “Kanina pa akong may naririnig na kausap ka?” Pamungad ni Angel pagkapasok nito. Habang ang mga mata niya ay tila may hinahanap. “Wala ka bang kausap?” “Ako po?” Lumingon pa ang dalaga sa paligid nito at panay pagpapanggap. “Ako lang po dito.” Sabay ngiti nito. Pakamot ulong tugon ni Angel. “Akala ko may ibang tao. Ang tanda ko na talaga kung ano-ano na ang aking naiisip.” Nilapitan naman siya ni Emmy at panay himas ng dlaga sa

