(Emmy’s POV) Nandoon na ako sa puntong alam ko nang iisa ang aming pakiramdam at yun ay may namumuong pagmamahalan sa aming dalawa. Pero habang nilalasap ko yung halik niyang iyon ay dama ko ang unti-unti niyang pagkawala kaya minulat ko ang aking mga mata. “Hindi!” “Kailangan kong umalis, magkikita na lang tayo.” At iyon naiwan na naman ako sa kawalan. Napahawak ako sa aking mga labi, yung pagmamahal ay naiwan na kay tamis kagaya ng kaniyang paghahalik sa akin. Napansin ko na lang na napangiti akong mag-isa. Ito ba kaya yung sinasabi nilang pagkakagusto? Pagmamahal? Pinagpatuloy ko ang pag-uwi dala yung matamis kong ngiti. Kung hindi ako nagkakamali ay may sinundo naman si Daniel. Bungad sa akin ni Lola Angel. “Mukhang masaya yung apo ko ah?” Mahilig talaga siya sa paghabi ng mga s

