Chapter 5

2183 Words
Nadatnan niya si Aling Susan na nagtutupi ng mga damit nila ng anak niya. Nanlalaki ang mga matang lumapit siya rito dahil hindi niya inaasahan na pati ang mga damit nila ay aayusin pa nito. “’Nay, bakit n’yo po ginawa pa ‘yan. Nakakahiya na po sa inyo,” sabi niya rito na umupo sa tabi nito pagkalapag ng bag niya sa lamesa. “Ako na po ang bahala sa mga gawaing bahay.” “Kuh, para ito lang. Para wala ka nang gagawin pagdating mo. Alam kong pagod ka sa trabaho. At saka wala rin naman kasi akong magawa dahil tulog na si Kian. Hinihintay na lamang kita,” mahabang pahayag nito. “Kumain na po ba kayo?” kapagkuwan ay tanong niya rito habang tinutulungang itupi ang kanilang mga damit ng anak niya. “Oo. Tapos na kami ni Kian. Kumain ka na. Nagluto ako,” turan nito. “’Nay, salamat po sa lahat, ah. Hindi ko po makakayanan ang lahat ng ito kung wala po kayo na umaalalay sa akin,” anya rito na bakas ang lungkot sa kanyang tinig. “’Wag mo nang alalahanin iyon, anak na ang turing ko sa’yo kaya ko ginagawa ‘to,” nakangiting sambit nito. Biyuda na si Aling Susan at may isang anak ngunit sakit naman niya sa ulo ang anak nito dahil napabarkada sa mga mahihilig sa bisyo tulad ng pag-inom ng alak, at sa murang edad nito na disi otso ay nabuntis. Ngunit, ganunpaman ang nangyari ay hindi pa rin nagbago ang anak ni Aling Susan na patuloy pa rin sa pag-inom ng alak hanggang sa madisgrasya ang anak nito sakay ang motorsiklo na naging dahilan ng pagkalagas ng anak sa sinapupunan nito. Mula noon ay mas lumala pa ang gawain ng anak ni Aling Susan na hindi maganda. Lagi itong umaalis ng bahay at babalik na lang kung kailan nito maalala. Hanggang iyon na ang simula na mapalapit siya nang husto sa matanda dahil silang dalawa na lang ang nagdadamayan sa mga problema nila sa buhay, hanggang sa hindi na siya itinuring na iba. “Ano po ba ang niluto n’yo, ‘Nay?” tanong niya saka tumayo patungo sa lamesa nang matapos na silang magtupi ng mga damit nila. “Nagluto ako ng paborito mo. Paksiw na saluyot,” sagot nito. “Wow, ang paborito ko. Matagal na akong hindi nakakain ng ganyan,” takam na takam na sambit niya. Agad siyang kumuha ng plato at kutsara saka nagsandok ng kanin at ulam. “Kain po tayo.” “Sige lang, ‘Nak. May pritong isda pa riyan.” “Sa susunod po, ‘Nay, ako naman po ang bibili ng ulam natin. Palagi na lang po kasi kayo ang bumibili,” medyo nahihiyang saad niya. Minsan kasi talaga ay ayaw ni Aling Susan na gumastos siya at paglaanan na lang daw niya ang para sa anak niya na mariin naman niyang tinatanggihan dahil kalabisan na ang pagmamagandang-loob nito sa kanilang mag-ina na ayaw naman niyang samantalahin. “Kung iyan ang makakagaan sa kalooban mo, ‘Nak. Pero ito ang sasabihin ko sa iyo kapag nagigipit ka, huwag ka nang bumili, ha?” saad nito. Iyon ang paulit-ulit na habilin nito sa kanya. “Lib it to me.” Napangiti siya sa huling sinabi ni Aling Susan. Naging expression na nito iyon na sa tuwina ay ikinangingiti niya. “Opo, ‘Nay. Salamat po talaga.” “O, siya, ako’y magpapahinga na rin. Ikaw rin magpahinga na. Bukas ulit,” pagpapaalam nito saka tumayo na. Napatayo rin siya upang samahan ito hanggang sa may b****a ng pintuan. “Salamat po.” Ngumiti lamang ito sa kanya bago siya tinalikuran at lumipat sa sariling bahay. Iniligpit niya muna ang kanyang pinagkainan saka inayos ang kanilang mga damit saka pumasok sa banyo at naglinis siya ng katawan. Mahimbing na mahimbing na ang tulog ng kanyang anak. “Mabuti na lang at ibinigay ka ng Diyos sa akin, anak. Kung hindi ay mag-isa lang ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang kinahinatnan ng buhay ko ngayon,” pagkausap niya sa anak niyang natutulog. Kinintalan niya ito ng halik sa noo saka tinabihan sa pagtulog. Hindi pa siya inaantok. Naiisip niya ang kanyang mga magulang. Malapit na pala ang death anniversary ng mga ito. “Namimis ko na kayo, Mommy, Daddy,” bulong niya sa kawalan. Nang biglang may mainit na likido ang tumulo sa gilid ng mga mata niya. Hindi pa rin talaga nauubos ang luha niya tuwing naalala niya ang kanyang yumaong mga magulang kahit limang taon na ang nakalilipas. Tulad ng dati ay nakikipagtitigan na naman siya sa kisame hanggang sa hindi niya na namamalayan na iginupo na siya ng antok. Alas sais palang ng umaga ay nakaluto na si Clarise ng umagahan nila ni Aling Susan. Palaging ganoon ang routine nila. Sa bahay niya kakain si Aling Susan para hindi na ito magluto pa. Paminsan-minsan din ay isinasama na niya sa mga labahin niya ang mga maruruming damit nito para hindi na ito mapagod nang husto dahil alam niyang may sakit na rin ito. At saka iyon na rin ang paraan niya nang pagtanaw ng utang-na-loob dito. “Mama.” Napalingon siya sa tumawag sa kanya. “Goodmorning, baby. Gising na pala ang prince charming ng buhay ko,” turan niya saka nilapitan ang anak at hinalikan sa pisngi. “Gusto mo na ba kumain?” “Mamaya po, Mama, hindi pa po ako nagugutom,” sagot ng kanyang anak. Umupo ulit ito sa kama. Mukhang inaantok pa yata dahil pahikab-hikab pa ito. “Nagpapakabait ka ba kay Lola Susan?” tanong niya habang inihahanda ang kanyang baon na pagkain sa pagpasok sa trabaho. “Opo, Mama. Mabait po ako kay Lola. Hindi po ako nangungulit kasi baka mapagod si Lola Susan sa akin.” Napangiti siya sa sinabi ng anak niya. Tumimo talaga sa murang isip ng anak niya ang lahat ng mga habilin niya rito kapag ang mga ito na lamang ng nanay-nanayan niya ang magkasama. “Very good talaga ang anak ko. Salamat, anak, kasi mabait kang bata at sana patuloy kang lumaking mabait,” sabi niya sa anak. “Saka, anak, ang isa pang bilin ko ‘wag mong kalilimutan, kapag kaya mong gawin ang isang bagay ay huwag mo ng iutos sa lola mo, okay?” “Opo, Mama.” Gusto niya kasi na lumaking independent ang kanyang anak kahit na nasa murang edad pa lamang ito. Naisip niya kasi, hindi habang panahon na kasama nila si Aling Susan at hindi sa lahat nang oras ay magkasama sila. Ayaw niyang maranasan ng anak niya ang naranasan niya na walang alam sa buhay ultimo ang magluto ng kanin ay hindi siya marunong kaya nahirapan siya nang biglang parehong namatay ang mga magulang niya. “Clarise, ‘andito na ako,” narinig niyang tawag ni Nanay Susan. “’Nay, pasok po kayo, kakain na rin po tayo,” yaya niya rito saka mabilis na naghain ng almusal nila. Nang bigla niyang mapansin ang bitbit nitong isang maliit na kaserola. “Ano po ‘yan?” “Nagluto ako ng afritadang manok. Magbaon ka nito,” ani Nanay Susan. Binuksan nito ang takip ng kaserola kaya umalingasaw ang mabangong amoy ng ulam na dala nito. “Hmmm, ang bango. Na-miss ko po ang luto n’yong ‘yan, ‘Nay Susan,” sambit niya. “Request iyan ni Kian kahapon. Gusto raw niya ng ulam na karne ng manok na may kulay,” sagot nito saka nilapitan ang anak niya at kinarga. Dinala niya ito sa hapagkainan at ipinagsandok ng pagkain. “Apo, tikman mo ang ulam na ginawa ko. ‘Di ba, ito ang gusto mo?” “Opo, Lola. Gusto ko po,” excited at magalang na sagot ng anak niya. Inasikaso ito ni Nanay Susan habang siya ay nagsandok din ng pagkain niya. “Kumain na rin po kayo, ‘Nay. Ako na po bahala kay Kian,” agap niya sa pag-aasikaso sa anak niya para makakain na rin ito. Kumakain na rin mag-isa ang anak niya, kailangan lang ng kaunting alalay dahil baka biglang mahulog ang plato nito na may laman na pagkain, minsan kasi ay natatabig nito nang hindi sinasadya ang plato nito. Masaya silang nagsalo-salo na tatlo nang umagang iyon. “O, baby, aalis na si Mama para magtrabaho, ha? Magpakabait ka kay Lola,” bilin niya sa anak. “Opo, Mama.” Hinalikan niya ang anak niya. “Alis na po ako, ‘Nay.” “Mag-iingat ka,” bilin nito. “Opo,” pagkasabi niya iyon ay lumabas na siya ng bahay at nilakad ang labasan hanggang sa sakayan ng jeep. Kahit alas diyes y medya pa ang pasok niya ay alas otso palang ay pumapasok na siya. Hindi niya kasi tantiyado ang trapiko sa daan. Minsan maluwag, pero kadalasan ay trapik at saka may kahirapan ding sumakay sa jeep dahil punuan. Kaya mas maige nang maghintay sa trabaho kaysa maghabol siya sa pagpasok dahil mahuhuli na siya. Ayaw na ayaw niya nang nale-late sa trabaho dahil nahihiya siya sa mga amo niya na nagbigay ng pagkakataon sa kanya para makapagsimula nang kailangang-kailangan niya ng mapagkakakitaan. Pagdating niya ay sarado pa ang coffee shop dahil maaga siya ng isang oras bago ang opening time nila. Umupo muna siya sa isang tabi para makapagpahinga kahit paano dahil napagod siyang maglakad kanina mula sa babaan ng jeep. Ilang minuto na siyang nakaupo nang may biglang tumawag sa pangalan niya. “Clarise? Is that really you?” anang isang hindi pamilyar na boses. Nilinga niya ito ngunit hindi niya masyadong mamukhaan kung sino ang papalapit sa kinauupuan niya. “Don’t you remember me?” turo nito sa sarili. Pero matagal siyang nakamata lang dito dahil hindi niya pa rin talaga makilala kung sino ito. “It’s me Bianca,” pakilala nito sa sarili. Doon na nanlaki ang mga mata niya nang sabihin nito ang pangalan sa kanya. “Oh! H-hi, k-kumusta?” “No. Ikaw ang kumusta? I haven’t heard about you since your parents died,” sabi nito saka hinawakan nito ang kamay niya sabay umupo sa tabi niya. “I am really sorry for what happened to them.” “I-it’s okay. Matagal na naman nangyari iyon,” nahihiya at nag-aalangan na sagot niya. Naiilang siya habang katabi ito. Kung tutuusin ay hindi niya malapit na kaibigan si Bianca noong nasa kolehiyo sila. Ito pa nga ang mortal niyang kakompetensiya sa klase nila noon. Kaya hindi niya mawari kung totoo sa loob nito ang pakikipagsimpatya sa nangyari sa kanyang mga magulang. “How have you been? You’ve changed a lot,” puna nito. Hindi niya alam kung nabalitaan din nito ang nangyari sa kanilang negosyo ng mamatay ang mga magulang niya. “Eto, nagtatrabaho ako riyan sa coffee shop bilang kahera,” sagot niya. Pero wala siyang nakitang pagkutya o pang-uuyam sa mga mata nito bagkus ay isang simpatya ang nababasa niya sa mukha nito. “Good for you,” anito na may kasamang isang matipid na ngiti. “Alam mo bilib ako sa’yo.” Gumuhit ang gitla sa noo niya na napatitig dito. “Why did you say so?” Imbes na sumagot ay bumuntong-hininga muna ito bago nagsalita. “Maybe we could hang out sometime to have some chitchat?” Mas lalo siyang nagtaka sa sinabi nito. Tumawa ito nang pagak. “I know, we were not that close before. But things are different now. I’m sorry for what I’ve done to you before. Immature pa kasi ako noon,” tuloy-tuloy na pahayag nito at kababakasan talaga sa mukha niya ang pagkagulat sa inaakto at sinasabi nito. Nginitian niya ito. “It was all in the past. And I guess we should forget the childish and immature things that we did to each other.” “I bet,” agap na saad agad nito. “So—” “Clarise!” Naantala ang dapat ay sasabihin pa sana nito nang may tumawag sa kanya. Sabay pa silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. At nakita niya si Kristy na nakatayo sa may b****a ng coffee shop na pinagtatrabahuan nila. “Halika na,” tawag nito sa kanya. Dumating na pala si Mela. “Go. We could catch up some other time,” ani Bianca na may nakapagkit na ngiti sa mga labi. “Or maybe, I could drop by your workplace if I have time.” “Yeah, sure. I would love to,” sagot niya saka sinabayan ng tayo upang maghanda nang pumasok sa trabaho. “So, I’ll go ahead.” “Yeah. Bye,” sabi nito at tumayo na rin sa kinauupuan nila. Binigyan muna siya nito ng isang ngiti bago tumalikod at naglakad palayo sa kanya. Sinundan naman niya ito nang tingin. Ibang-iba na si Bianca ngayon kaysa noong nasa kolehiyo pa sila. Mas lalo itong gumanda at sopistikada ang dating. Hindi kagaya niya na nalugmok sa kahirapan. Ang dating parang mars mallows sa lambot na palad niya ay parang magaspang na spongha na ngayon. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagkahabag sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD