Chapter 3

2065 Words
Marko was on his way to work when he noticed a woman selling something on the side of the road. Maganda ang babae. Maputi at makinis ang kutis nito. Naisip niyang hindi bagay ang babae sa kalye. Saka napansin niya na sa paraan ng kilos at tindig nito ay parang pang-mayaman. Ibang-iba sa karaniwang nakikita niyang nagtitinda sa tabi ng daan. Ngunit, ang mas kumuha ng atensyon niya ay ang maumbok nitong tiyan. Pinagmasdan niyang maige ang babae. Napansin niya rin na ang suot nitong duster ay may tagpi-tagpi sa laylayan. Hindi maintindihan ni Marko ang sarili pero bigla siyang nakaramdam ng awa sa babae. Hindi niya matiis ang nakikita kaya itinabi niya ang sasakyan at bumaba. Nilapitan niya ito. Mas lalo pa siya naawa nang makita niya na may mga paso rin ng tilamsik ng mantika sa magkabilang braso nito. Ngunit ganoon na lang ang pagkunot ng noo niya nang makita niya ang reaction ng babae pagkakita sa kanya. Parang gulat na gulat ito nang makita siya. Pero ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Nagulat lang siguro ito dahil unusual para dito ang may mamili sa paninda nito na nakasuot ng amerikana. Pinakyaw niya lahat ang mga paninda nito. Ang balak niya ay ibibigay na lang niya sa kaniyang mga empliyado. Bahala na kung magtanong o magtaka man ang mga ito. Pagdating niya sa opisina ay inihabilin niya sa guard na tumawag ng kasama at kunin ang mga pagkain at ipamahagi sa lahat ng empliyado. As he expected, nakita niya ang pagtataka sa mukha nito na ipinagkibit-balikat na lang niya at tuloy-tuloy na sumakay sa elevator. HINDI makapaniwala si Clarise na naubos nang ganoon kaaga ang paninda niya. Pero nagulat talaga siya dahil hindi niya inaasahan nang makita niya ang lalaking iyon. Mabuti na lang at agad niyang nakalma ang sarili. Napaka-guwapo pa rin nito kahit nag-mature kaunti ang itsura nito. Naalala pa niya noon nabansagan itong ‘Crush ng Campus’ noong siya’y first collage pa lamang. “Clarise?” Natigil ang pagmumuni-muni ni Clarise nang marinig niya ang pagtawag ni Aling Susan sa pangalan niya. “Aba’t ang aga mo yata nakauwe ngayon?” “Opo. May namakyaw po kasi lahat ng paninda ko kaya po maaga ako nakauwe,” masayang pagbabalita niya. “Maige naman kung ganoon para makapagpahinga ka naman ng maayos. Aba’y tatlong buwan na lang ay manganganak ka na,” may pag-aalala sa boses na saad ni Aling Susan. “Oo nga po, eh,” pangsang-ayon niya sa sinabi nito. Nang sumunod na araw ay doon pa rin siya pumuwesto. Malakas kasi ang kita sa puwestong iyon dahil daanan ng mga empliyado na papasok sa kani-kanilang trabaho. Hanggang sa dumating ang kaniyang ka-buwanan at nagsilang siya nang isang malusog na batang lalaki. Pinangalanan niya ito ng ‘Kian’ hango sa ultimate crush niya na isang member ng sikat na banda noong dekada nobenta na ‘Westlife’. Walang pagsidlan nang saya ang kanyang nararamdaman nang mahawakan niya ang kaniyang anak. Napaka-guwapo nito. Kamukha-kamukhang nito ang ama. Nang makabawi siya ng lakas ay nagdesisyon siyang maghanap ng kahit anong klaseng trabaho. Ang importante sa kaniya ay matustusan niya ang pangangailangan ng kaniyang anak. Mabuti na lang at pumayag naman si Aling Susan na ito muna ang titingin sa anak niya pagnagtatrabaho na raw siya. Hindi nagtagal ay mapalad siyang natanggap sa isang coffee shop bilang isang kahera. Masaya siya dahil mababait ang mga naging amo niya. Maayos din ang sweldo kaya tiyak nang may pangtustos siya sa pangangailangan nilang mag-ina. Five years later HABANG naglalakad sa loob ng isang mall si Clarise ay may bigla na lang bumangga sa kanya na naging dahilan kaya natapon ang hawak niyang grocery bag. “I’m so sorry, Miss. Hindi ko sinasadya,” anang baritonong boses “I-It’s okay, Mister.” Hindi na siya nag-abala pa na tingnan ang may-ari ng tinig dahil agad niyang pinulot ang natapon na grocery bag. Pero maagap ang lalaki at kinuha niyon agad saka iniabot sa kanya. “Here.” “T-thank you.” Ganoon na lang ang panlalaki nang kanyang mga mata ng masilayan ang mukha nito. Nagimbal siya dahil namumukhaan niya ang lalaki. Ngunit agad din niyang kinalma ang sarili para hindi nito mahalata ang naging reaction niya. Limang taon na ang nakakaraan pero hinding-hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon ng lalaki. Ngunit, bahagya siyang nailang nang mapansin niya ang paraan ng pagkakatitig nito sa mukha niya. “Hey, you know what? You look familiar to me,” nakakunot-noo nitong tanong sa kanya. “Have we met before?” Iiling palang sana siya nang biglang, “I remember now. Ikaw ‘yong babaeng buntis na nagtitinda ng mga meryenda sa gilid ng daan five years ago, right?” Alanganin siyang tumango. Hindi niya inaasahan na matatandaan pa siya nito gayong napakatagal nang panahon ang nakalipas. “How are you? Hindi na kita nakita na nagtitinda nang mga sumunod na buwan, ah.” “H-ha? A-ano… A-ano kasi n-nanganak na ako no’n at hindi na rin ako nagtinda pa ulit,” utal-utal na sagot niya. Nag-aatubili rin kasi siyang sagutin ang tanong nito dahil nag-aalangan siya kung tama ba na makipag-usap siya rito. “Oh, I see. By the way, I’m Marko,” kapagkuwan ay pakilala nito sa sarili, sabay lahad ng kamay nito sa kanya. “I-I’m Clarise,” anya na hindi alam kung tatanggapin ang kamay nito o hindi. “Sige po. M-mauuna na po ako.” “Sandali lang. Gusto mo bang magmeryenda muna tayo? ‘Yon ay kung walang magagalit?” Pagpigil nito sa kanya nang akmang aalis na siya. “W-wala naman,” anya. Huli na nang ma-realized niya ang sinabi niya na walang magagalit. Napamura tuloy siya ng lihim. Paano pa niya ito tatanggihan? Sa dating kasi ng pagsabi niya nang ‘wala’ ay parang pumayag na rin siya. Hindi niya naman kasi inaasahan na mag-aabala pa ito para lang yayain siyang magmeryenda. “C’mon, ngayon lang naman,” pagpupumilit nito nang hindi na siya kumibo. Wala na siyang nagawa kundi paunlakan na ito. Ngayon lang naman, depensa niya sa isip. Dinala siya nito sa isang mamahalin na restaurant. Marami itong kuwento kaya hindi boring kasama. Lihim siyang nangingiti dahil masarap pala itong kausap. Habang nagsasalita nga ito ay panay naman ang titig niya sa guwapo nitong mukha. Ang suwerte ng asawa nito, bahagyang may inggit na naisip niya. Nang matapos silang magmeryenda ay nagpresinta itong ihatid siya pauwi pero mariin na niyang tinanggihan ang alok nito. Mabuti na lang at hindi na ito nagpumilit pa, na ikinapanatag naman ng loob niya. Nasa bahay na siya ay naiisip pa rin niya si Marko. Haist! Bakit ko ba siya iniisip?Bihirang pagkakataon lang iyon at tiyak hindi na kami magkikita pa ulit, paghihimutok niya gamit ang isip. Maagang pumasok si Clarise sa trabaho dahil siya ang opening nang araw na iyon. Tulad ng araw-araw niyang routine ay nilinis niya maige ang counter habang wala pang customer na dumarating. Pagkatapos ay sinunod naman niyang inayos ang mga panukli niya sa kaha. Nang walang anu-ano ay nakarinig na siya ng pagbukas ng pintuan, alam niyang may pumasok na customer. Ang isang kasamahan niya ang umasikaso rito. Narinig niyang tinanong ng kanyang kasama kung ano ang order nito, pero hindi ito nagsabi ng order bagkus ay narinig niyang binanggit nito ang pangalan ng isa nilang amo na si Ma’am Mina. Nagtaka man ay hindi na lang niya binigyan nang pansin. Pinagpatuloy lang niya ang pag-aayos ng pera sa kaha. “Hey! Dito ka pala nagtatrabaho?” Napapitlag siya nang biglang may nagsalita sa harap niya. Nang iangat niya ang kanyang ulo ay ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makilala kung sino ito, sumabay pa ang malakas na pagbayo ng puso niya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil sa gulat. Magsasalita pa sana ulit ito nang biglang lumapit sa kinaroroonan nila ang isa niyang kasama na siyang kinausap nito kanina. “Sir, pasok daw po kayo sa opisina ni Ma’am,” anang katrabaho niya. Saglit lang itong lumingon sa kasama niya saka tumango. Himinga muna ito nang malalim saka bumaling sa kanya ulit. “I’ll see you later,” tanging nasabi nito bago tuluyang tinumbok ang opisina ng kanilang amo. Napakunot-noo naman siya sa sinabi nito. See you later? ulit niya sa sinabi nito habang sinusundan niya ito nang tingin pero sa isip-isip niya lang. Na-curious tuloy siya kung ano ang ginagawa nito roon. Of all places, sa pinagtatrabahuan pa talaga niya sila nagkita ulit? Buong akala niya ay iyon sa mall na ang huli. Mukha yatang pinaglalaruan siya ng tadhana. Mabuti na lang at nagsimula nang magdatingan ang kanilang customer kaya kahit paano ay naging abala na siya sa trabaho at saglit nakalimutan si Marko. Hindi na nga rin niya namalayan kung umalis na ito o naroon pa rin sa opisina ng kanilang boss. Napangisi siya. Bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon? Dapat nga iniiwasan ko ‘yon, eh, piping paninita niya sa sarili. Nang hindi sinasadyang napagawi ang paningin niya sa isang mesa ay ganoon na lang siya napanganga, bagama’t nagulat siya ay agad naman niyang nakontrol ang reaction niya. Paano ba naman kasi, ang lalaking kanina pa laman ng isipan niya ay nakatingin pala sa kanya. Napamura tuloy siya sa isip. Amused na amused itong nakatingin sa kanya. Nandito pa pala ang lalaking ‘yan? Akala ko nakaalis na, kakainis! Nakita pa yatang ngumingisi ako kanina. Bigla ay nakaramdam siya nang pagkapahiya sa sarili nang maalala iyon, kaya agad niyang nilihis ang kanyang paningin sa ibang direksyon. “Mukha yatang may sarili tayong mundo, ah?” Ganoon na lang siya napapitlag nang may magsalita sa harap niya. “Ba’t ba lagi kang nanggugulat?!” pagtataray niya para pagtakpan ang pagkapahiya niya rito. Base sa sinabi nito ay halatang nakita nito ang pagngisi niya at parang kanina pa ito nagmamasaid sa kanya. Hindi siya tumitingin sa mukha nito dahil gusto niyang itago ang pamumula nang kanyang pisngi. “Hindi naman, ah? Baka magugulatin ka lang talaga?” depensa nito. “Ano bang ginagawa mo rito? Bumalik ka na sa mesa mo!” inis na pagtataboy niya rito. Nakakainis hindi ako makapagtrabaho nang maayos. Bukod sa pagkapahiyang naramdaman niya ay nakikisabay pa ang puso niya sa mabilis na pagtibok niyon. “I just want to say goodbye…for now.” Napataas ang kilay niya sa tinuran nito. Ano ‘yon close na agad? Ngunit hindi na niya nagawang tumugon dito dahil may isang grupo ng mga customer nila ang pumasok. At ipinagpasalamat naman niya iyon dahil na-save siya kay Marko. Hindi pa rin kasi bumabalik sa dati ang t***k ng puso niya nang biglang lumapit ito sa kanya. Hanggang sa mga sumunod na sandali ay tuloy-tuloy pa rin ang dagsaan ng mga customer kaya hindi na niya namalayan na umalis na pala ito sa tabi niya. Napakibit-balikat na lang siya. Mabuti na rin ‘yon. Pasado ala-una na ng hapon nang medyo humupa na ang dagsaan ng customers. Puwede na siyang mag-lunch break. Tuwing weekend talaga ay lagi siyang nalilipasan ng gutom. Nakakaramdam na nga siya ng pagkalam ng sikmura kanina pero marami pa kasi silang nagdadatingang customer kaya hindi niya magawang mag-break time. Kasalukuyan niyang inaayos ang mga pera sa kaha para makakain na rin siya nang biglang may pumasok at hinahanap siya. “Sino po si Miss Clarise?” tanong ng isang lalaki na may dalang isang paper bag na may tatak ng isang mamahaling restaurant. Itinuro siya ng kasamahan niya. Nagtataka naman niyang tiningnan ito habang ito’y papalapit sa kinaroonan niya. “Ma’am, para sa inyo po.” Iniabot nito sa kanya ang paper bag. Pero hindi niya tinanggap iyon. “Sa akin?” tanong niya na itinuro pa ang sarili para makasiguro na siya ang hinahanap nito. “Opo,” siguradong sagot nito. “Pero hindi naman ako um-order niyan?” “Ma’am, may nagpapabigay lang po niyan, ipina-deliver lang po sa’min,” anang lalaki. Nag-aatubili man niyang tanggapin iyon ay kinuha na lang niya. Nakakahiya na rin kasi sa nag-deliver, masyado na itong naabala. Tiningnan niya ang laman niyon. Pagkabukas niya ay natakam na siya agad sa amoy palang ng mga pagkain. Ngunit ang umagaw nang atensyon niya ay ang isang maliit na papel na nakadikit sa ibabaw. Nagtatakang binasa niya iyon. Eatwell and enjoy your lunch. Nagsalubong ang kilay niya nang mabasa ang pangalan ng nagbigay, si Marko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD