Chapter 10

2186 Words
Napangiti siya nang makita niya sina Aling Susan at ang anak niya pagkarating niya sa bahay nila. Kahit matanda na si Aling Susan ay magiliw pa rin itong nakikipaglaro sa anak niya. Tawa nang tawa ang anak niya habang kinikiliti ito ni Aling Susan. “’Andito na ako,” anunsyo niya para kahunin ang atensyon ng dalawa. “Mama!” Tumakbo ang anak niya sa kanya at nagpakarga. “Kumusta ang lakad mo, ‘Nak?” tanong ni Aling Susan. “Maayos naman po, ‘Nay. Umulan po ulit kaya umuwi na po ako agad,” saad niya. “Magluluto na po ako ng pananghalian natin.” “Ay, oo, may karne ng baboy pala riyan sa lababo,” imporma nito sa kanya nang akmang maghahanap siya ng puwede niyang lutuin. “Naku po, ‘Nay, bumili na naman po kayo? May puwede pa naman pong lulutuin dito,” nahihiyang sambit niya sa matanda. “Ayos lang ‘yon, ‘Nak. Dito rin naman ako kakain kaya walang problema,” anito saka ito nagbigay ng matamis na ngiti sa kanya. “Sige na nga po,” sumusukong sagot niya. Ngunit napapailing na lang siya sa sitwasyon nila sa buhay. Hinarap na niya ang pagluluto ng pananghalian nila at pasasarapin niya nang husto ang luto niya. Mula nang turuan siya ni Aling Susan na magluto ay doon niya napagtanto na may talento pala siya sa larangan ng pagluluto. Pati si Aling Susan ay napansin iyon. Madali raw siya matuto at sadyang nasa kanya na raw iyon at hindi pa lang niya nadidiskubre. Masaya pa rin na nagbibiruan ang maglola kaya hindi nangungulit ang anak niya sa kanya at habang nagluluto ay panaka-naka siyang napapasulyap sa mga ito. Nang ilang sandali lang ay tapos na siyang magluto. “Nakaluto na ako, kain na po tayo. Anak, kain na tayo,” tawag niya sa mga ito na sinabayan na rin niya nang paglalagay ng pagkain sa mesa. Lumapit naman agad ang mga ito sa mesa at nagsimulang magsandok ng makakain. “Hmmm…Ang sarap. Ang galing mo na talagang magluto,” papuri ni Aling Susan sa luto niya. “Magaling po kasi ang nagturo sa akin,” wika niya naman na ang tinutukoy ay ito mismo. “Mas magaling ka na nga kaysa sa akin, e,” hirit pa rin nito sa pagpuri sa kakayahan niyang magluto. “Naku, mas magaling pa rin po kayo, ‘Nay, dahil kayo naman ang nagturo sa akin,” anya. “Kaya salamat po sa pagtuturo sa akin. Baka balang-araw ay makakapagpatayo na po ako ng restaurant ko nito dahil sa mga natutunan ko sa inyo.” “Magandang plano ‘yan, ‘Nak,” masaya at nakangiting pagsang-ayon nito sa naisip niyang ideya. “Opo. Basta makaipon lang po ako ng pang-capital, puwede po tayong maging partner.” “Oo naman, ‘Nak. Gusto ko ‘yan. Bakit hindi,” sabi nito. Napapangiti siya dahil sa plano niyang iyon. Nakikini-kinita na niyang magiging matagumpay iyon kapag dalawa sila ni Aling Susan ang magma-manage ng sarili nilang restaurant balang-araw. “Kumain pa po kayo, ‘Nay,” anya rito nang mapansin niya na kaunti na lang ang laman ng plato nito. “Busog na ako, ang dami ko nang nakain,” tanggi nito na hinihimas-himas pa ang tiyan. “’Nak, babalik na ako sa bahay ko, naiwan ko pala ang gamot ko.” “Ay, opo. Ako na po ang bahala rito. Magpahinga na rin po kayo at bukas na lang po ulit,” sabi niya rito. Gusto niyang makapagpahinga rin ito nang mabuti dahil may sakit na rin ito na iniinda sa katawan. Iniligpit na rin niya ang kanilang pinagkainan at pagkatapos ay humiga sila ng kanyang anak para matulog. Gusto rin niyang makapagpahinga sandali saka siya maglilinis ng kuwarto nila ng anak. Kinabukasan pagpasok niya sa trabaho ay sinalubong siya agad ni Kristy. Mukha yatang may gusto itong sabihin sa kanya. “Kumusta ang day off mo?” bungad na tanong nito agad sa kanya. “May chika ako sa’yo.” Sinulyapan niya ito saka inirapan nang bahagya. Sinasabi na nga ba niya, tama ang sapantaha niya kanina nang makita itong excited na lumapit sa kanya. “Umagang-umaga, tsismis agad ang bungad mo sa akin?” Sumimangot ito sa tinuran niya. “Uy, hindi naman ako tsismosa saka hindi naman talaga tsismis ang sasabihin ko sa’yo. Gusto ko lang naman ipaalam sa’yo na hinahanap ka ni Mr. Pogi kahapon.” Napaismid siya sa narinig. “Araw-araw naman nang nagpupunta ‘yon dito? Siguro nanliligaw na ‘yon sa’yo, ‘noh?” sunod-sunod na tanong nito. “Hindi, ‘noh! Saka hindi ‘yon puwede manligaw,” salubong ang mga kilay na pagtatama niya sa inaakala nito. “Bakit naman hindi? Wala ka naman asawa at saka binata pa naman siguro ‘yon,” wika nito. “Basta. ‘Wag ka nang maraming tanong.” Wala siyang balak sabihin dito ang nalalaman niya. “Hmmm, sige na nga. Tiyak, mayamaya nandito na naman ‘yon,” pahayag nito. Pero hindi niya pinansin ang sinabi nito. “Hindi ka ba kinikilig?” “Bakit naman sana ako kikiligin? Saka baka may appointment meeting lang ‘yon dito,” pagbibigay niya ng katwiran. Pero hindi naman siya ipokrita. Minsan nakakaramdam din naman siya ng kakaibang saya sa tuwing nakikita si Marko. Iyon nga lang dahil hindi na talaga pupuwede. Nakita niyang bahagyang napaisip ito saka nagsalita. “Sabagay. Kahapon may kausap nga siyang lalaki na nakasuot ng amerikana. Tapos seryosong-seryoso silang nag-uusap.” “Sabi ko sa’yo, ‘di ba? Hindi ako ang ranta no’n dito, kundi dito lang talaga siya nakikipag-meeting,” pilit na pagkumbinsi niya kay Kristy baka sakaling tigilan na siya sa pangungulit. “Kaya tigilan mo na ako sa kabubuyo sa kanya.” Natahimik ito nang ilang sandali saka bumuntong-hininga. Nakita niyang napapalabi ito na waring may iniisip na malalim. Pero hindi na ito nagsalita pa ulit. “Magtrabaho na tayo,” yakag niya rito. Tumalima naman ito agad lalo na nang may pumasok na customer. Naging maganda ang takbo ng trabaho niya maghapon lalo na at hindi siya nilalapitan ni Kristy. Hindi kasi umaalis sa tabi niya si Mela. Pabalik-balik ito sa puwesto niya. “Dapat sana isa ka sa mga bride’s maid ni Ate, eh. Kaya lang sabi mo naman na ayaw mo. Nanghihinayang tuloy ako,” pagbanggit ni Mela sa nalalapit na kasal nina Mina at Clint. “Bible bearer kasi si Kian. Baka hindi iyon maglakad kapag hindi ko ‘yon inalalayan sa aisle,” pagpapaliwanag niya. Hanggang sa mapansin niya ang pagkunot-noo nito na ipinagtaka niya. Ngunit hindi siya nagtangkang mang-usisa dahil inakala niyang baka may malalim lang itong iniisip. “Alam mo, Clarise, parang…parang…” sabi nito na hindi maituloy-tuloy ang gustong sabihin na wari bang may pag-aalinlangan itong isatinig. Hindi siya nagsalita, bagkus ay hinintay niya itong bumuka ulit ang bibig nito. “Alam mo parang may kamukha si Kian.” Buhat sa sinabi nito ay gumuhit ang gitla sa noo niya dahilan para matahimik siya at hindi makaimik. At ayaw niyang sumagot patungkol sa bagay na iyon. “Pero hindi ko lang masigurado kung kanino ko nakita…hmmm, never mind, forget it. Hala, maiwan na kita rito. Lalapitan ko lang ang mga customer,” biglang pagbawi nito sa sinabi. Medyo nakaramdam siya ng kaba dahil sa pag-ungkat nito sa bagay na iyon. Ngayon lang ulit naungkat ni Mela ang bagay na iyon na matagal na niyang iniiwasan. Huminga siya ang malalim at ibinuga ito nang malakas para sa ganoon ay maibsan ang nararamdaman niyang pagka-aligaga. Malapit na matapos ang oras ng trabaho niya nang lumapit si Kristy. “Mukhang hindi nagpunta si Mr. Pogi ngayon, ah?” sabi nito na kababakasan nang panghihinayang ang tinig. “Bakit namimis mo?” pabalang na tanong niya rito. “Bakit ikaw, hindi ba?” balik-tanong nito sa kanya na ikinataas ng isang kilay niya. “Why should I?” mataray na tanong niya ulit dito. Dahil sa klase ng tanong nito ay hindi niya napigilan na makaramdam ng inis kaya biglang nagpanting ang tainga niya. “Ops, relax. High blood ka agad,” natatawang saad nito. “Masyado kang sensitive. Paano ka makakahanap ng mapapangasawa niyan kung ganyan ka?” “Hindi ako naghahanap ng mapapangasawa,” walang emosyong wika niya. “Bumalik ka na sa trabaho mo, tumitingin si Ma’am Mela rito, oh,” agad na panakot niya kaya kagyat itong lumayo sa kanya saka kinakabahan na nagpalinga-linga sa paligid upang tingnan si Mela. “Hmp! Binibiro mo naman ako. Halos tumalon ang puso ko sa kaba. Wala naman si Ma’am Mela, ah?” reklamo ni Kristy na hawak-hawak ang dibdib nito dahil sa naramdamang nerbyos nang takutin niya. Subalit, hindi niya ito pinansin. “Oh, nakahabol si Mr. Pogi, ah?” pahayag nito na sa labas nakatingin ang direksyon ng mga mata nito. Napatingin rin siya sa entrada ng coffee shop ngunit wala naman siyang nakita na anino ni Marko. Nilingon niya si Kristy saka niya pinandilatan ng mga mata. “Bumabawi ka sa akin, eh,” naiinis na sita niya rito. “Meron naman talaga siya,” saad nito. “Uy, ninerbyos siya? Na-excite ka rin na makita siya, ‘noh?” “Tse! Hindi, ah!” mariin na tanggi niya. Ngunit hindi naniwala si Kristy sa kanya at ngumingisi pa itong bumalik sa puwesto nito. Napapailing na lang siya nang wala na ito sa tabi niya. Kung alam lang nito na hindi na binata si Marko siguro ay titigil na ito, pero ayaw niyang ilahad iyon kay Kristy dahil madaldal ito at tiyak na pipigain siya sa pang-uusisa kung paano niya iyon nalaman. At iyon pa ang ayaw niyang mangyari. Ilang sandali lang ang nakalipas ay natapos din ang oras ng trabaho niya. Naupo muna siya saglit sa locker area nila para magpahinga dahil nararamdaman niya ang pananakit ng mga binti niya. Inilapat niya ang likod sa pader at pumikit sandali. Nang makaramdam na siya nang kaunting kaginhawaan ay saka siya tumayo at kinuha ang kanyang gamit at lumabas na ng locker area nila. Nagpaalam na rin siya kay Mela na uuwe na. Dahil medyo nananakit pa ang mga binti niya ay dahan-dahan lang ang lakad niya papunta sa sakayan ng jeep. Ngunit hindi pa man siya masyadong nakakalayo sa coffee shop ay may biglang tumawag sa kanya. “Clarise!” Hinanap ng mga mata niya ang pinanggalingan ng tinig na tumawag sa kanya pero hindi niya makita kung sino iyon kaya ipinagpatuloy niya ulit ang paglalakad. Naisip niyang baka kapangalan lang niya ang isa sa mga taong nasa paligid niya na tinawag ng kung sino man. “Clarise, wait up!” Sa pangalawang pagkakataon ay may tumawag ulit sa pangalan niya ngunit hindi na niya pinagtuunan pa nang pansin iyon. Hanggang sa may tumawag ulit sa kanya sa pangatlong beses. “Clarise, saglit.” Doon na siya napatigil dahil parang siya talaga ang tinatawag ng isang boses lalaki kaya lumingon siya. Napasinghap siya nang mapagsino ang naglalakad. Si Marko. Anong ginagawa niya rito? “Uuwe ka na?” tanong nito nang makalapit ito sa kanya. “Oo. Bakit?” “Ihahatid na kita,” presinta nito na ikinataas ng kilay niya. “No, thanks,” malamig ang ekspresyon sa mukha at mariin na tanggi niya rito saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Sumunod naman ito sa kanya. “Okay, kung ayaw mo, magmeryenda na muna tayo saglit, please?” pakiusap nito. “Ayoko. Kailangan ko nang umuwi,” muling pagtanggi niya. “Saglit lang naman tayo,” pagpipilit pa rin nito. Nakukulitan na siya at naalibadbaran na rin siya sa kakasunod nito sa kanya. Hangga’t maari ay ayaw niyang makasama ito dahil may takot at pangamba siyang nararamdaman. “Please?” Ngunit hindi talaga siya nito tinantanan hanggang sa makatawid siya sa kabilang kalsada. “Ito, ha? Tandaan mo ‘to. Pagbibigyan kita ngayon pero sa susunod ay hindi na,” deretsahang saad niya rito. “Bakit naman? Paano kung ayaw ko?” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito kaya tinalikuran niya ito agad at tinalunton ang hagdan paakyat sa overpass. “Wait up! Clarise!” pigil nito sa kanya na hinawakan pa ang braso niya. Sa pagkakadaiti ng kamay nito sa balat niya ay mayroong parang isang boltahe ng kuryenteng biglang dumaloy sa buong katawan niya na hindi niya maintindihan kung saan nanggaling. Kaya agad niyang binawi ang braso niya mula sa pagkakahawak nito habang nakatitig ito sa mukha niya at ganoon din siya. “Let’s go?” untag nito nang hindi pa rin siya tumitinag sa kinatatayuan niya at nakatitig lang siya mukha nito. “Traffic na rito.” Buhat sa sinabi nito ay dagli siyang napatingin sa paligid, nakakasagabal na pala talaga sila sa daraanan ng mga tao dahil nakaharang sila sa gitna. Hinila siya nito pabalik sa pinanggalingan nila kanina. Parang wala sa sariling napahinuhod na lang siya sa paghila nito sa kamay niya. Sa huli ay pinagbigyan na lang niya ito dahil mukhang wala sa bokabularyo nito ang sumuko at hindi tumatanggap ng salitang ‘hindi’”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD