“Salamat, pinagbigyan mo ako na magmeryenda tayo,” sabi nito nang nakaupo na sila habang hinihintay ang order nila. “Wala naman akong choice, eh,” pakli niya sa sinabi nito. Napahigik ito ng mahinang tawa. “Pero salamat pa rin,” nakangiting saad ulit nito. Bumuka ang bibig niya ngunit bigla rin niyang itiniklop dahil nagbago ang isip niyang isatinig ang tanong na nasa isipan niya. Gusto niya malaman kung bakit ito pilit na lumalapit sa kanya gayong may asawa na ito. Ngunit hindi niya alam kung tama ba o nasa lugar ba siya para magtanong. Pero sa huli ay minabuti na lang niyang huwag nang tanungin dahil nag-aalangan siyang baka maging malisyosa siya sa paningin nito. “Oh, nandito na ang order natin. Let’s eat,” untag nito nang ilapag ng waiter ang kanilang pagkain. Napatigil kasi siy

