“Clarise, ipinapasabi pala ni Ate na sa day off mo ay pupunta kayo sa mall. Isama mo raw si Kian,” sabi ni Mela nang lumapit ito sa tabi niya. “Ha? Bakit daw?” nagtatakang tanong niya. “Ano’ng meron?” “Bibili raw kayo ng sapatos ni Kian at susuotin mo sa kasal nila ni Kuya Clint,” sagot nito. Bigla siyang nakaramdam ng panliliit sa sarili dahil ultimo gagamitin nila sa kasal ay hindi niya kayang bumili. “N-nakakahiya naman kung pati damit ko ay sasagutin pa ni Ma’am Mina. May puwede pa naman akong damit na susuotin.” May mangilan-ngilan pa naman siyang damit na itinira niya para sa sarili noong umalis siya sa bahay nila. Hindi niya ibinenta lahat lalo na ang regalo ng kanyang mahal na ina at okay pa naman ang mga iyon. Saka isa pa, hindi naman nagbago ang katawan niya. Pumayat lang

