Lumipas na naman ang ilang araw mula no’ng una naming araw sa trabaho at mula nang mangyari ang naging banggaan namin ng kapatid ni Nico. Matapos nang nangyaring iyon ay bumalik ang lahat sa dati na parang walang nangyari. Nakarating din ito sa manager naming si Ms. Aila pero naintindihan naman daw niya ang sitwasyon at wa’g nalang daw sanang maulit. Humingi sa’kin at kay Gabby si Nico dahil sa inasal ng kapatid niya na napag-alaman naming ate pala niya. Nagalit lang daw ang kapatid niya dahil tutol siya sa pagtatrabaho ni Nico. Pero ‘di na namin initindi yo’n, ang mahalaga ay maayos na ang lahat. Naging maayos din ang mga nagdaang araw na nagtatrabaho kami rito sa restaurant. Masaya dahil kahit papaano ay wala na kaming na-encounter na kahit na anong gulo kundi ang pagod lang namin.

