NAGISING ako sa marahang haplos sa aking pisngi. Naamoy ko na rin ang panlalaking amoy nito. Nakakagisingnm ng sistema. Nakakaadik. Nakakainlove lalo. Ngumiti siya nang makitang gising na ako. “I love you babyy. Breakfast?” Masiglang sabi niya saka ako hinalikan agad sa labi. Pumikit pa ako roon para sa matamis niyang labi. Bumaba pa ang tingin nito sa aking suot na agad niyang ikinangiti. “I love you so much baby!” Tila umuulan rito sa condo ng mga candy sa sobrang tamis ng sinabi ko. Mahihiya na ang mga bitter na nasa labas ng condong ito. Ngumiti ito sa narinig at ganoon din ang ginawa ko. Inilapag nito ang dalang pagkain sa katabing mesa at saka nito nilapitan ang mga kurtina para ikorte iyon pataas. Pinanood ko lamang siya sa kanyang ginagawa. Pinikit ko agad ang aking mg

