SEÑOR

1955 Words
Mataas na ang sikat ng araw nang huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang lumang simbahan. Ngayon lang ako nakakita ng simbahang sobrang historical nito. Gawa ito sa bato at ang kulay nito ay bumagay sa taong kung kelan ito ginawa. Sa sobrang pagkamangha ko ay hindi ko man lang naisip na madami na palang nakatingin sa akin. Halos lahat sila nakatingin sa amin, lalong-lalo na sa akin. “Sangsanga-ili nea?” “Naggwapo” “Nagbabaknang da!” Narinig kong bulungan ng mga tao dito habang nakatingin sa amin. Hindi ko sila maintindihan except sa word na gwapo! Well, their stating obvious! Ibinaling ko ang aking paningin sa bawat paligid ng simbahan. Hindi pa naman puno ang simbahan pero madaming nagkalat na mga batang naglalaro’t natatakbuhan dito sa labas. Maingay na rin ang mga sorbetero na may kanya-kanyang diskarte sa paglalako. Pero kahit anong ingay nila ay hindi rin nagpatinag ang mga ibong nagliliparan at humuhuni na tila nasa ritmo. Kasama na rin ang mga taong di maalis ang tingin sa samin. Pakiramdam ko tuloy para akong artista na ngayon lang nakita sa personal. Napangiti tuloy ako sa naisip. Kasama kong naglakad papasok ng simbahan sina Papa at si manong Rudy, ang siyang driver namin. Mas matangkad ako kay kuya Rudy at hindi maikakailang may pamilya na itong binubuhay. Hindi halata sa kanyang edad na nasa 40 na. Kwento ni Papa, matagal na raw si manong Rudy na nagtratrabho sa amin. Dati daw namin itong hardinero pero naaksidente daw ito sa Hacienda kaya naisipang gawing personal driver namin. Pagkapasok palang namin ay agad kaming sinalubong ng pagbati. Lalo na si Papa ng mga taong nakakakilala sa kaniya. Halos ni isa sa kanila ay wala akong kilala. Sobrang daming tao na halos hindi na kinaya ng bawat electric fan dito sa sobrang init. Pinagpapawisan na tuloy ako. “Atoy ti maymaysa nga anak ko, ni Chaos” pagpapakilala sa akin ni Papa. Kasabay niyon ang malakas na hagikgik ng mga kababaihang kanina pa nakatingin sa akin. Nagsitinginan pa sa kanilang likuran ang mga taong nakaupo malapit samin. Nahiya tuloy ako. Ngumiti na lang ako kahit na ang awkward. Kahit papaano nama'y naintindihan ko iyong mga salitang iyon. Iyon kase ang sinabi rin ni Papa noon sa mga yaya at driver namin sa bahay noong pinakilala din niya ako sa kanila. Halos ang daming bumabati sa amin dito. Mababait naman pala sila. Ngunit nagmumukha lang talaga silang mga magsasaka. Mula pananamit hanggang tindig ay halatang nagsasaka ang karamihan sa mga tao dito. Malayong naiiba sa aming mga suot na formal. “Andami palang nakakakilala kay Papa”, di makapaniwalang saad ko kay manong Rudy. Ngumiti naman ito saka lumapit sa akin, “Señor, mabait po kase si Don Lucas sa lahat ng tao dito lalo na po sa amin kaya madami pong nagmamahal sa kanya.” Sabagay, halata nga. Sa ilang linggo kong pamamalagi dito, nalaman kong may hacienda pala si Papa at ipinangalan sa akin. Ito ang “Hacienda del Chaos Lenard”. Kung saan nakatayo ang mansyon ngunit wala pa ito sa ¼ sa sobrang lawak ng lupain ni Papa. Kaya ayun na lang ang gulat ko nang señor ang tawag nila sa akin, ako raw kase ang tagapagmana. Iilan lang din ang mga mayayamang kagaya namin. Yung iba ay hindi ko maintindihan bakit ganun ang mga tingin sa amin. Hays kahit saan talaga may mga taong hindi ka talaga gusto. Pero kagaya ng mga bumati sa Papa ko ay hindi din pinipili ni Papa ang bawat kinakamayan at binabati nito. Magsisimula na ang misa. Pinili naming umupo sa harapan. Nadaanan pa namin ang isang paslit na batang may hawak na sampaguita habang nakaluhod pa itong nagdarasal. Kasama nito ang kaniyang ina sa pagdarasal. Naisip kong ikumpara ang sarili ko sa kanya, sayang hindi ako ganyan kabait. Natapos na din ang homily ni Father. Sobrang di naman ako natutuwa sa mga sermon niya. Puro kase ilokano. Pero buti naman at naisipan din niyang ihalo ang iilang salitang may English at Tagalog. LOVE each other? FORGIVE those who have sinned you ? Make PEACE with your enemies? How could he say those things? Ni wala nga syang experience in hard situations like ours… Magaling lang naman sila manermon pero pag sila na nasa sitwasyon, I’m sure gagawin din nila ang kabaliktaran ng mga sinasabi nila. Gusto ko na ngang lumabas kase ang init talaga dito. Hindi naman sa ayaw ko talaga dito. Sobrang ganda nga ng loob ng simabahang ito. Parang gusto ko nang matulog dito sa sobrang banal. Kaya nga lang ay hindi sapat ang malalaking electric fan sa bawat sulok at sa itaas. At saka naririndi na ako but then, matatapos naman na dahil pinataas na ni Father ang dalawang kamay para kumanta ng Our Father. Natapos na ang kanta pero may isang babaeng nakasuot ng pulang damit ang hindi pa din ibinababa ang dalawang kamay. Nakaupo ito sa aming harapan bandang kanang bahagi. Kaya nakakaagaw talaga ito ng atensyon. Halos lahat na ay naibaba na. Napansin din ng kasama nito ang ginagawa ng babae at agad itong sinabihan. Tila napalakas ata ang pagkakasabi nito dahilan para marinig din ng mga kasama ko dito. Hindi ko tuloy napigilang tumawa sa aking kinatatayuan. Napatingin tuloy sa gawi ko si Papa pero agad ko ding pinigilan ang aking sarili. Nahuli ko pang tumingin ng nanlilisik na mata ang babaeng iyon sa gawi ko ngunit mas lalo lang ako natawa habang ito naman ay padabog na humarap uli dahil sinita uli siya. Tila isang kahihiyan din iyon dahil ako lang ang hindi nakapagpigil ng tawa. Sa wakas! Natapos na din ang misa. Umabot din yun ng two hours ah! Halos iilan na lang kaming naiwan dito sa loob. Nagsilabasan na ang lahat. “Chaos, bro! “ masayang bati nito sa akin. Sinalubong agad ako ng yakap habang di nawawala ang pilyang ngiti nito. Halos di ako makapaniwalang andito na siya. Ang aking best friend na si John. Pagkalabas pa lang namin ng simbahan ay inaya na ko ni John na maglakwatsa. Buti na lang ay may lakad ngayon si Papa at hindi na ito nag-alok na ihatid kami sa kung saan man ako inaaya ni John. Hindi na din ako nangulit na magtanong kay Papa kung saan man ang lakad niya dahil alam kong hindi din naman nito sasabihin sa akin ang totoo. Tumambay muna kami doon ng ilang minuto. Malaki ang sakop ng simbahan, halos iilang parte lang ang may sinag ng araw dahil halos lahat kase ay napapalibutan ng naglalakihang puno. Nakaupo pa kami dito sa ilalim ng puno habang pinapanood ang ilang sasakyan na paalis na ng simbahan. Mayamaya'y may kotseng humito sa harapan namin. Isang Fortuner. Lumabas doon ang isang matandang lalake, nasa 5’7 ang height at kayumanggi. Nakashades pa itong lumapit kay John. Nagpasundo pala ang loko. Ang lakas mag-aya ng gala wala pa lang dalang kotse. Napahawak tuloy ako sa aking batok habang tinatawanan ito. Ang driver lang nito ang kasama namin sa loob ng kotse mukhang malayo siguro ang pupuntahan namin. Si John Reus ay best friend ko since elementary. Kasabay ko na siya lumaki and he's my playmate bata pa lang kami. Kaya kilala na namin ang isa't- isa lalo na pagdating sa mga babae. Plano na niya before pa na mag-aral dito sa Pinas at nung nalaman niyang uuwi na kami dito ay agad ito nagpabook ng ticket. Parehas din kami ng school na pag-eenrolan noon sa Canada except lang sa course. I'm 19, 3rd year college taking BS Architecture while John took BS Accountancy and hindi ko alam kung bakit pa yun. Ayaw namn nya ng numbers. Well, okay na din yun. At least di kami magkaklase. Lage nalang kami magkaklase at magkasama sa lahat ng bagay. Kahit sa sports e magkasama pa kami. Buti nga sa course, hindi na e. “Ano bang nangyayari sayo kanina pre? Nung una bad trip na bad trip ka dahil ayaw mong magsimba at halos walang gana ang itsura mo tapos bigla bigla ka na lang tatawa tapos wala namang nakakatawa. Baliw ka na ba?”, naguguluhang tanong ni John. Sabay kain ng binili nitong lumpia sa may labas ng simbahan. Babatukan ko na sana kaso.. “Panong…” “Oo, nakita ko. Dami ngang kinikilig sayo tapos dedma ka lang.” Sumimangot pa ito na para bang sinasabing napakasama kong tao. “Kanina pa kami sa loob ng simbahan. Inagahan namin dumating kase nga naman si Mama sobrang religious! Magpapabendisyon daw ng Mama Mary niya.“, pagpapatuloy niya. “Kasama mo si Tita Ruffa? Eh bat Hindi ko siya nakita kanina?” Naubos na agad nito ang kinakain at isinunod na ang bibingka. Hindi ata ito nag-agahan. Gutom na gutom. “Magpray-pray over sila e kasama ng tagabuhat naming si Jake. Ayokong sumama. Ahaha” Parehas pa kaming tumawa ng malakas. Nakakatawang isipin na si John ay magpray pray over e puro to mura at babaero pa. Haha. “Kelan ka pala nakadating?”, pag-iiba ko. “Nung huwebes pa. Nag-ikot na nga kami agad ni manong”. Saka nito iginawi ang tingin sa lalaking nagmamaneho ngayon. Ngumiti naman ito pabalik sa amin. “Ang ganda dito pare ! Right decision talaga na umuwi ako dito”. Pagmamalaki pa niya. Inilabas agad nito ang cellphone at saka tuwang-tuwang kinuhanan ng litrato ang bawat paligid na madaanan namin. Tsk! Di man lang ako pinuntahan sa bahay. Edi sana, nakalabas din ako at nakapag-ikot ikot dito. Buti na lang at hindi traffic ngayon kaya namn mabilis lang kaming nakadating pero gabi na…. Pagkababa ko pa lang ng kotse ay alam kong nasa malayo sa kabihasnan na kami. Ang sabi ni John ay saglit lang kami dito pero mukhang HINDI. Nasa rest house kami ngayon ng di ko kilalang tao. Ahmm kaibigan pala netong mabait kong kaibigan.(sarcastic) Pero kitang-kita ang ganda ng dagat na tanging ang buwan lang ang nagsisilbing ilaw. Mukhang party ang ganap. Rinig na rinig kase ang ingay mula dito sa labas. Mukhang maraming bisita. Pero look, I’m invited! Ganun na ba ko kasikat? I-pinark namin ang kotse sa may harapan ng rest house and as I see, madaming kotse ang naririto. Nag-usap pa sila John at ang driver niya ng ilang minuto. Kalauna'y umalis din agad ito dahil nandirito na pala ang kotse ng lokong to. Ang tanong, sino nagmaneho niyan? Nauna pa siya sa amo ah haahahha. Inikot ng paningin ko ang buong paligid. Halos lahat ay masasabing work of an artist dahil sobrang ganda ng lugar na akala mo ay nasa ibang bansa ka. May ganito palang lugar dito sa Norte. Oo dito nga sa Pagudpud, Ilocos Norte! Napangiti ako ng bahagya. Malugod kaming sinalubong ng dalawang usherettes na nakatayo sa may pintuan ng biglang….. “Pare birthday ng crush ko kaya umayos ka ah! Matatamaan ka saken,” pagbabanta niya. Hinarap pa ako para sabihin iyon. Tsk! Aba! Nagbanta pa talaga ang loko. Napangisi na lng ako. Sino na naman bang crush nito? Dami nitong babae e. Siguro yun yung nagmaneho ng kotse nito. No wonder, nakilala nito siguro nung nag-ikot ikot ito. Seeing this place, maganda at mukhang mayaman ang may-ari. Hinarang pa nito ang kanyang dalawang kamay sa pintuan na dapat sana’y bubuksan ko na. As I see, he’s serious. Well, wala kong magagawa, LOVE is never on my vocabulary. Fling? Pwede pa. “Well, protect her then. Baka yan pa lumapit saken. Hahaha “ , malakas kong pagtawa saka tuloy tuloy nang pumasok sa loob. Napahawak na lang ito sa batok. Naiistress na haahah. Nagsisisi na sigurong isinama ako dito. Hindi ko na siya inantay hahaha baka masampak na niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD